chapter 33

32K 866 12
                                    


Naabutan kami ni Brett na nagkwentuhan ni Arra. His all ready for bed samantalang ako ay hindi pa nakapagbihis, tumabi ito sa akin at niyakap ako sa bewang. Napangiting palihim si Arra, kitang Kita ko ang pagpigil niya ng ngiti. Namula naman ako sa ginawa ng isang ito,walangya talaga kahit andyan ang kapatid ko.

"Anong pinag usapan niyo?" Nakangiting sabi nito at ininuman niya ang aking juice.

"Hey,that's mine!" Tinampal ko siya bahagya.

"I know!" Natatawa niyang sabi.

I pouted,but he just give me pick.

Seriously? In front of my sister?

Sinabi ko lahat kay Arra ang pinagdaanan ko mula ng umalis ako sa amin at ang tungkol sa amin ni Brett.

Paghanga ang tanging nasabi niya sa lahat ng pinagdaanan ko.

"Ate, pwede ka nang bigyan ng troupe at medal. 'the strongest woman of all time'...charot!" Natutuwa niyang sabi.

Nagtawanan nalang din kami ni Brett.

Matapos naming nagkwentuhan ay naligo na ako at nagbihis. Sa kwarto ko natulog si Jared at doon namin kami ni Brett sa unit niya.

"I have something to tell you..." He trilled a bit.

Natigilan ako sa pag pagpag ng kumot niya.
I look straight into his eyes at kinakabahan ako sa tingin niya.

Bumuga ako ng hangin.

"Ang seryuso mo yata...kakabahan na ba ako?" Pilit kong pinapagaan ang mood niya.

Para naman siyang nagising sa kaseryusuhan at biglang ngumiti saka ako niyakap.

"I'm sorry if I scare you, I didn't mean it."

I can't breathe because of our closeness,he held my waist and kiss my forehead. He guide me to bed and sat me in his lap.

"I tried to locate your father..."

Nanikip bigla yung puso ko sa sinabi niya. Hinanap niya yung tatay ko?

I don't know but I'm shaking, hindi sumagi sa isip ko ang tatay mula noong malaman kong bunga ako ng panggagahasa niya Kay nanay. Noong una curious ako ngunit nang nalaman ko kung ano ang panggagahasa ay nanlamig ako sa ideyang makita siya.

Bahagya akong tumingin sa kanya.
"Ba-bakit mo yun ginawa?" Bakit parang kinakabahan yata ako sa magiging sagot niya?

Natigilan siya at tumitig din sa akin at parang nagsisi sa kanyang ginawa ng makita ang aking mukha.
"I'm sorry,babe...I...ahm," he sigh when he doesn't know how to arrange his sentence.

"When I'm done telling you my side and your still not ready for us,I assume it is because of your personal issues. I know how you struggle alone without any of your parents and you have heavy hearts for them that's why I can't completely enter your world. You're still struggling without them knowing. You're still a piece of the pieces the broke. Gusto kong mabuo ka dahil gustong gusto na kitang makasama. At alam kong sila lang ang makabubuo ng mga pirasong iyun sa pagkatao mo." His nose touch my cheeks kaya napapikit ako. Pinuproseso ang lahat ng sinabi niya. Hindi ko akalaing maisip niya iyun, at saya saya ng puso.

"So first, I hired an private investigator to find your mother and your siblings." He continued.

Wala akong masabi sa ginawa niya, at lahat yun ay para sa kapakanan ko.

"The other investigator I send him to Great Britain just send me the results of his project. At iyun nga ay tungkol sa tatay mo."

Inabot niya ang laptop niya sa bedside table at binuksan iyun habang nakapatong sa aking hita. I'm still on his lap though. May mga pinindot siyang files doon hanggang sa tumamba sa akin ang mukha ng pamilyar na Tao, pamilyar dahil kamukha ko ito.

Napahawak ako sa aking bibig at hindi napigilan ang aking mga luha. He really looks like me in a male version. Nakaputing tshirt ito at may hawak na sumbrerong nakatakip s kanyang tiyan. Nakangiti ito at medyo kulubot na ang balat at payat.

Siya ang tatay ko....sa tagal ng panahon mula sa aking pagkamulat ay hindi ko nasilayan. Parang hinaplos ang puso ko, siguro lukso ng dugo iyun. Matagal na panahon ko siyang sinisi kung bakit hindi ako matanggap ng nanay ko, ngunit ng makita ko ang mukha niya parang naisip kong sana ay nakilala ko siya. Uhaw ako sa atensyon ng aking kapamilya, siguro kung nagkakilala kami ay kikilalanin niya ako, sana nga.

"He died three years ago... heart failure."

Ang kunting pag asang namuo sa akin ay lumagapak sa lupa at bumaon pa. I sob in instant.

Agad sinara ni Brett ang laptop at inilagay sa kama upang mayakap ako.

"Ssshhh....I'm sorry babe...I'm sorry"
Pagtatahan nito sa akin.

Bakit kung kailan handa na akong bumalik sa nakaraan ay wala na pala akong mababalikan? Iniwan na nila ako ng tuluyan.

Humihikbi parin ako. Feeling ko hindi ako deserve magkapamilya, that I was born to be alone.

"Ang unfair! Ang unfair nila... Hindi ba ako katanggap tanggap? Hindi ba ako kamahal Mahal?... Kahit isang salita lang naman na kahit Isa akong pagkakamali ay tanggap nila ako bilang tao... Nang iiwan pa sila ng walang pasabi." Ang bigat lang sa loob, alam kong kailangan ko nang magpatawad pero ngayon lang, habang may nakikinig gusto kong maglabas ng hinanakit. Kahit ang hina kong pakinggan.

"He look for you after he knew about you pero hinarang yun lahat ng nanay mo. At sinabing hindi ka niya tinuloy... Alam kong masakit ito pero kailangan mo nang lumaya diyan sa nakaraan mo, dahil nandito kami ni Jared naghihintay at tatanggap sayo nang buong buo...forgive and let go Anne. Kaming natira ay mahal at mamahalin ka."

I sob even more, parang inubos ko na lahat ng mga natirang masamang damdamin s iyak na iyun. Gusto kong pgkatapos nito ay puro masasayang alala nalang.

Nanghina ako pagkatapos nang iyak na iyun kaya dahan dahan niya akong inihiga kahit nakayakap parin ako sa kanya. He just let me.

"Magpahinga na tayo, pagod na pagod kana... I love you." Iyun ang huli Kong narinig bago ako nilamon ng antok.







❤7.3.17
Sorry sa mga mali, antok nako.hihi

Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon