Chapter 3

1.9K 67 10
                                    

Monday na ngayon at may pasok na. Naglalakad lang ako papunta sa Perez University. Sina Mark ang may-ari nang school na pinapasukan namin.

Wala na kasi ang mga magulang nya. Parehas namatay dahil sa aksidente.

Pano ko nalaman? Tss. Dakilang STALKER ata 'to.

*Beep beep*

Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan kung sino ang nag-text.

Timothy- Hi Mia! Goodmorning. Kita tayo sa school. :)

Napakunot ang noo ko. Sino ba talaga ang itlog na 'to?!

Ako- Sino kaba talaga?

Timothy- Timothy Palma. Ako si Timothy Palma. ;)

Napa-poker face na lang ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

'Nung andito na ako, ganon parin ang school. Walang nagbago. All students was nagkalat mapalabas o sa loob nang school.

"Cellphones not allowed in the University."

Napatingin ako sa guard. Napasapo ako sa noo ko. Hindi ko pala nailagay sa bulsa nang palda ko ang aking cellphones.

Itatago ko na sana 'to nang magsalita ulit sya.

"Give me your cellphone. Isasauli ko rin 'yan sayo pag-uwian na." Sabi 'nung guard at nilahad na nya ang kamay nya sa harap ko.

"Manong guard naman. 'Wag naman ganyanan. Promise. Hindi na po--"

"Hindi nga po pwe-pwede ang cellphone sa loob nang University. Sumusunod lang po ako sa patakaran nang school at ayoko pong--"

"Just let her."

Parehas kaming napatingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko.

"M-Mark?"

Kumunot ang noo nya. "Hindi ako si Mark. Ako si Timothy." Ngumiti ito sa akin. "Timothy Palma."

Naguguluhan ako. "I-Ikaw si Timothy Palma? Pero... paano? Magkahawig kayo ni Mark at..." bigla kong naalala 'yung dp nya. "At hindi ikaw 'yung nasa dp mo sa ngayon."

Umiwas sya nang tingin. Matagal din syang hindi nagsalita. Pero maya maya... nagsalita rin sya. "Hindi naman talaga ako 'yon. Ginamit ko lang ang picture ni Luhan nang exo para maging dp ko..." nag-smirk sya sakin. "Dahil kapag ako mismo ang nasa dp... for sure maraming maga-add sakin dahil sa sobrang kagwapuhan ko."

Napa-poker face ako. "Mahangin kadin pala. Tss. Pero... kahawig mo talaga si Mark. Kaso lang.... hindi sya nakasalamin."

Nagulat ako nang kurutin nya ang pisngi ko. "Sabi ko naman sayo na hindi ako si Mark eh. Ako talaga si--"

"Oo na! Gusto ko nang pumasok! Baka kanina pa ako hinihintay nang bestfriend ko!" Bulyaw ko at inalis ang dalawa nyang kamay sa pisngi ko atsaka ako umatras.

"Okay." Natatawang tumingin sya sa guard. "Let her, or else I will fire you."

Kumunot ang noo ko. Ano rawwwwww?! Bakit nya ifa-fired si Manong Guard? Sino ba sya sa akala nya? At hindi naman sya si Mark diba?

Pero ito kasi ang itsura nya kung curious kayo.

Pero ito kasi ang itsura nya kung curious kayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon