Chapter 20

1K 52 6
                                    

He kiss me on my cheeks. Halata ring nabigla sya kaya agad syang umupo at tumalikod sakin.

Walang nagsalita sa amin.

"Sorry."

Sya na ang pumutol nang katahimikan na namamagitan sa amin. Hindi ako nagsalita at umupo rin pero nakaiwas ang tingin ko sa kanya.

"I just... I just.."

"You're just?" Tanong ko.

"I---"

*ring ring*

Napatingin kaming dalawa papunta sa cellphone nya.

Nathan Santiago is calling. 'Yun ang nakalagay sa screen. Sinagot nya ito.

"Hello dre? Past muna ako. Letche naman. Oo na." Tiningnan nya ako. "Sama ka sakin bukas."

Kumunot naman ang noo ko. "Ano? San naman tayo pupunta?" Tanong ko.

"May laro kami bukas. Sama ka ha?"

Napaisip ako. "Anong oras ba start?" Tanong ko.

Alam kong basketball ang tinutukoy nya. Kung hindi basketball, volleyball, o kung hindi rin kahit ano basta sports.

"8:00am to 10:00am." Sagot nya.

"Pano si Yaya?" Tanong ko. Pano si Yaya dito???

"Sinabi ko na kay Yaya ang tungkol dito, sabi nya kahit tayong dalawa na lang daw at lilinisin nya itong condo ko."

Napatango naman ako. "Sige." Pagpayag ko. Medyo bored na rin ako.

"Picture tayo."

Napa-ismid ako sa sinabi nya.

"Ano?"

"Selfie tayo." Nakangiting sabi nya at pinindot ang camera button sa cellphone nya.

Umayos ako nang upo at nag-selfie nga kaming dalawa.

Matapos 'non ay niyakap nya ako na ikinagulat ko.

''Alam kong magagalit ka kapag sinabi ko sayo 'to." Kabado nyang sabi habang nakayakap parin sakin.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.

"Pwede ko bang sabihin sa mga barkada ko na girlfriend kita? Lahat kasi sila may girlfriend na, pwera lang pala kay Nathan. Alam mo, para syang allergic sa mga babae, nakakita lang nang babae, lumalayo agad. Tss. Wierd 'nun." Salaysay nya pero lutang parin ang utak ko.

Loading...

Loading...

Loading...

"Gago kaba?"

Nagulat naman sya sa pag-mura ko.

"Mia..?"

"Gago kaba Jeremy? Sa tingin mo papayag ako na sabihin mo sa mga barkada mo na girlfriend mo ko? May utak kaba pa ha?" Inis kong tanong dito.

"Sorry na. Sabi ko na nga ba magagalit ka eh. Pero please... pumayag ka. Atleast may paalam." Sabi naman nya.

"So sa tingin mo kahit magpaalam ka papayag ako?" Sarcastic kong tanong at nag-cross arm pa.

"Oo. Bakit naman hindi?" At ngumisi sya.

Napairap naman ako at tumayo at-nagsuklay nang buhok.

"Pumayag kana kasi. Isang araw lang." pagsusumamo nya sabay hawak sa balikat ko at nag-pout.

"You're stupid and so demanding. Ayoko. A-Y-O-K-O."

"Please."

Inirapan ko lang sya at di na nagsalita. Nonsense rin naman kausap, wala rin.

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon