Chapter 12

1.1K 59 6
                                    

"Sigurado kabang aalis na tayo anak? Pupunta na tayong korea? Pero anak, bukas na--"

"Shut up Ya. Kung ayaw mong sumama edi maiwan ka dito. Ayoko na dito sa Pilipinas. And besides, 2 months lang naman ako don." Seryosong sabi ko habang nagliligpit nang mga damit ko.

"Sorry anak. Sige magliligpit narin ako nang mga damit." Sabi nya at lumabas nang kwarto ko.

Hindi na ako pumasok ngayon at dumiretsong umuwi atsaka nagayos nang gamit. May passport naman ako pagpunta sa Korea.

Hindi pa alam ni Andrea 'to kaya pagpunta namin sa airport ni Yaya, sasabihin ko na sa kanya o kaya naman kapag nasa Korea na kami.

Nagpost ako.

Mia Dela Cruz - bye Philippines. I will miss you kahit hate na kita. Marami naman akong masasayang alaala with you kaso... may hindi rin masaya. Kaya I need to go home. Bye *wave hands*

Like • Comment • Share

Nagpakawala ako nang buntong hininga atsaka ngumiti. Finally, pupunta na ako sa Korea at isu-suprise ko sina mommy at daddy doon. :))))) Excited na ako.

Airport

Andito na kami ni Yaya sa airport at hinihintay tawagin 'yung flight namin.

"Ya, I'm sorry. Alam kong biglaan pero may malaki lang kasi akong problema dito sa Pinas kaya kailangan--"

"Kaya kailangan mong takasan? Anak, maling takasan ang problema. Malaki man o maliit ang problema, problema parin 'yon. Kaya anak, kapag may problema ka harapin mo. Hindi 'yung tinatakasan mo na lang dahil useless din kasi hahabul-habulin karin nang problema mong 'yan."

Natahimik ako matapos marinig ang mga sinabi ni Yaya. She's right. Dapat hindi ko tinakasan ang problema ko, pero kailangan. Babalik rin naman ako.

At doon ko lang haharapin ang problema kong 'yon.

'Nung tinawag na ang flight namin ag agad kaming tumayo ni yaya at naglakad papunta at papasok sa eroplano.

Si Yaya ay pinapwesto ko na sa may tabi nang bintana. Ako naman ay sa tabi nya. May vacant seat pa sa tabi ko at don ko naisipang ilagay ang bag ko pero may tumabig 'non.

"Upuan 'yan at hindi lagayan nang bag kaya if you don't mind miss, makikupo lang."

Agad sumama ang timpla ko dahil sa lalaking 'to. Nilagay ko na lang ang bag sa lap ko at nag-cross arm at tumingin sa harap, naramdaman kong tuluyan na syang naupo sa tabi ko.

Infairness, mabango sya. But psh, hindi ko dapat pinupuri ang isang bastos na lalaking 'to. Sya na nga lang ang makikiupo sya pang demanding.

*Beep beep*

Napatingin ako sa cellphone ko. Nagtext si Andrea.. akala ko si... nevermind -_-

From Andrea:

Bes? Bakit hindi ka pumasok? Psh. Diba ngayon tayo magbabayad for field trip? Hay nako. Nakapagbayad tuloy ako sa wala sa oras dahil pinilit ako nina Casselyn. 'Yung demonyitang 'yon. Pasalamat sya andon si Mark kaya hindi ako nakatanggi, sabi nya kasi kung sino ang manakit sa girlfriend nya (which is si Casselyn nga) ay papaalisin nya sa school.

Pero may napansin ako kay Mark, lagi nyang tinatanong kung bakit ka absent at paulit-ulit nya 'yong tinatanong. Ang sabi ko, bakit mo hinahanap? Sagot nya, wala. Atsaka sya umaalis. Nako bes, baka nahulog na sya sayo hahahaha!

Napairap na lang ako. Si Mark? Mahuhulog sakin? Malabo.

"Nagkamali akong nagustuhan pa kita." "Ikaw ang malas nang buhay ko." "Maling minahal kita."

Biglang nag-pop sa utak ko ang sinabi nya sakin kanina. Baka nagsisinungaling sya. Hindi nya ako nagustuhan o minahal. Wala syang nararamdaman sakin.

Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako kay Andrea na hinahanap ako ni Mark.

Psh. Wala akong pake. Napapikit ako nang maramdaman kong umaandar na ang eroplano, tiningnan ko si Yaya. Nakapikit sya at nakasandal sa may bintana. Natutulog na sya. Inalalayan ko ang ulo nya at hinilig sa balikat ko.

"Pwedeng pasandal rin miss? Medyo nahihilo kasi ako."

Agad naman akong napatingin sa lalaking katabi ko. Huli na para magsalita ako dahil sinandal nya na ang ulo nya sa balikat ko.

Hindi ko alam at tumibok nang mabilis ang puso ko. No! Hindi ako pwedeng mainlove sa stra--

"Matulog kana rin. Kung gusto mo ihilig mo rin ang ulo mo sa ulo ko. Para fair tayong dalawa."

Hindi ko alam at kusang sumandal ang ulo ko sa ulo nya.

ANO 'TO?! MAY SARILING BUHAY BA ANG ULO KONG 'TO?!!!

Pumikit na lang ako at hinayaang matulog.

"Anak, gising na. Kumain muna tayo nang hapunan."

Napamulat ako nang aking mga mata. Tiningnan ko ang lalaking katabi ko, kumakain na sya. Tiningnan ko na si Yaya at tumango. "Sige Ya, ano ba ulam?" Tanong ko at umayos nang upo.

"Isda." Sabi nya at hinimay nya ako. Nahihiya pa ako dahil ramdam ko ang titig nang lalaki samin na katabi ko.

Tahimik lang kaming kumakain nang mag-ring ang cellphone ko.

"Excuse me." Sabi ko atsaka sinagot ang tawag even na hindi ko pa tiningnan kung sino ang caller id. "Hello?"

Walang nagsasalita sa kabilang linya.

"Hello po? Sino po sila?"

Hindi parin sya nagsasalita kaya binaba ko na ang tawag, don ko lang napagtanto na si Mark ang tumawag.

Bakit nya ako tinawagan? ----- BAKIT NYA AKO TINAWAGAN KUNG HINDI MAN LANG SYA SUMAGOT?! At wala na akong pake doon.

"Sino 'yung tumawag anak?" Tanong sakin ni Yaya.

"Si M-Mark po..."

"Talaga?"

Napatingin naman ako sa kanya at tumango. "Opo. Pero hindi man lang sya sumagot. Tatawag-tawag pero hindi man lang sasagot. Ano kaya 'yon? Edi sana hindi na sya tumawag pa." Asar kong sabi.

"Nako anak, ang sabihin mo nami-miss mo na sya. Tama?"

Napairap naman ako. "Hindi ya. Hindi ko sya nami-miss at wala na akong pake sa kanya."

Agad naman syang nalungkot. "So wala nang sparks?"

"Yeah."

"But you'd still miss him."

Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko. Napataas ako nang kilay. "Fc lang? Bakit ka nakikisabat? Sino kaba? Stranger ka lang naman."

"Mia." Saway sakin ni Yaya kaya tumigil na ako at kumain na lang.

"Masakit ka talagang magsalita. Pero andito parin ako para sayo Mia Dela Cruz."

Napakunot naman ang noo ko at tumingin sa kanya. "Pero ano? Hindi ko narinig ang huli mong sinabi."

"Wala."

Napairap na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko namalayang hinawakan ni Mr. Stranger and kamay ko at namula ang buong mukha ko 'non.

0////////////0

Why he... he held my hand?

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon