💍💍💍
"A-Anong sabi mo?" Gulat kong tanong habang nakatingin sa kanya.
"Ang sabi ko, mahal kita pero kailangan ko nang umalis." Pagu-ulit nya sa sinabi nya kanina.
"H-Hindi kita maintindihan, Mark. Ano bang--"
"Mahal kita pero kailangan ko nang pumunta sa America."
Natahimik ako. Is he really going to America? B-Bakit?
"Bakit?"
"Because I promise to my parents na... aalis na ako dito sa Pilipinas kapag tapos na ako sa highschool."
"Pero Mark..." hinawakan ko ang kamay nya, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. "Mark, please dito ka lang. Pano na 'yung school nyo? Diba kayo ang may-ari 'non?"
"I'm sad to say this but... isasarado na ang Perez University dahil aalis na ako... gumawa ako nang paraan para makapag-aral ka. Trinasfer kita sa Girly Fancy University kung saan puro babae lang ang dapat mag-aral. And then.. katapat nyo lang ang Boy Max University kung saan doon nagaaral ang mga lalaki. August 2 na ang pasukan at dapat umuwi kana sa Pilipinas."
Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay nya. "A-Ano? Mark.."
"Just shut up okay?"
"P-Pero Mark--"
"Mag-impake kana. Aalis na tayo. Sasabihin ko na rin si Yaya. I'll know na matagal mo nang gustong makauwi sa Philippines diba?" Ngumiti sakin si Mark.
Tumango naman ako.
"Sige. Mag-ayos kana nang sarili at gamit mo. Aalis na tayo."
At umalis na si Mark sa guest room. Napabuntong hininga ako. May part sakin na ayaw kong umalis sa dito sa Korea pero mas gusto ko nang umuwi sa Pilipinas.
Maybe its time go home.....
"Aalis na ba talaga kayo? I can't imagine myself na mag-isa na naman. Mami-miss ko kayo. Lalo kana, Mia."
Hindi ko lubos maisip na umiiyak ang isang Jeremy David ngayon sa harap namin mismo. Andito na kami sa Airport. Good thing na lang may dalang passport si Mark, syempre ako rin.
"Mami-miss din kita Jeremy. Ikaw lang ang mabuting tao ang nakilala ko dito sa Korea. 'Wag kang magalala, I have your number and you have mine so pwede tayong mag-text or tawagan na lang." Nakangiti kong sabi kay Jeremy.
Nagulat ako nang yakapin nya ako. "Promise me na babalik kapa dito. Mami-miss talaga kita."
Niyakap ko rin sya pabalik at ngumiti. "Oo na."
Kumalas na kaming dalawa sa pagkakayakap nang tawagin na ang flight namin.
"Bye Jeremy, salamat sa lahat."
We smiled to each other, nag-bye narin sina Yaya at Mark. 'Nung una ayaw pa ni Mark pero 'nung sinabi ko na magi-stay ako dito sa Korea ay nagba-bye na sya kay Jeremy.
Andito na kami sa loob nang eroplano. Tiningnan ko si Jeremy na nasa labas habang umiiyak parin at kumakaway habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Chat Love Story (Season 1)
Teen FictionSi Mia Dela Cruz ay isang babaeng bitter. Kapag nakakakita sya nang mga couples lagi nyang binubulong sa sarili nya na 'Walang Forever, maghihiwalay den kayo' yan ang lagi nyang sinasabi. May kaibigan naman sya, si Andrea Martinez. Pero magkaiba nam...