Chapter 60

581 25 0
                                    

Mia's Pov

"Okay ka lang ba Mia? Kamusta? Anong ginawa ng Hazel na yan sayo?" Pagaalalang tanong sakin ni Alyssa.

Andito narin ako sa GFU, at andito ako sa clinic dahil may mga sugat ang katawan ko na hindi ko alam kung san nanggaling. At babalik narin ako sa bahay talaga namin pagkatapos nito.

"Okay lang ako."

"Nagalala talaga kami sayo, even Mark. Papunta ulit sya dito sa Pilipinas."

Napatingin naman ako kay Princess. "Don't tell me na sinabi mo ang nangyari?" Paniniguro ko.

"Y-Yes, sorry." Natatawa nyang sabi.

Hindi na lang ako nagsalita at inisip ang lahat ng nangyari. Ang dami ko na palang napagdaanan.

"Mark is here."

Napatingin naman kami sa pumasok na lalaki. Si Mark nga. Agad naman syang naupo sa tabi ko at niyakap ako.

"Okay ka lang ba? Anong masakit sayo? Anong ginawa ni Hazel sayo?"

Niyakap ko rin sya pabalik. "Okay lang ako."

Bumitaw naman sya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Okay ka nga lang ba e ang dami mong sugat?"

"Hindi ko nga alam kung san nanggaling yan eh."

Niyakap nya ulit ako ng mahigpit. "Pangako ko sayo Mia na safe kana ngayon at wala ng masamang mangyayari sayo. I promise."

I hugged him back. "Hindi mo na kailangang mangako. Alam ko naman yon eh."

"I'm just reminding you."

"Si Hazel.. asan sya?"

Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan sina Alyssa at Princess, pati yung nurse. Lumabas naman sila agad.

"Bakit mo sila pinalabas?" Takang tanong ko.

"Bakit mo ba hinahanap pa si Hazel? Malamang nasa impyerno na yon."

Natahimik ako. Ang seryoso nya ngayon. Kapag seryoso sya, galit sya.

"Wala naman akong pake kung may gusto sya sakin. Hindi ba nya talaga matanggap na may mahal na ako? At ikaw yun Mia. Hwag mo syang isipin, isipin mo ang sarili mo." Sincere na sabi nya at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Hindi sya kawalan." Dugtong pa nya.

"Mark, I'm not mad at Hazel. She explain everything to me--"

"Sinabi nya rin ba na pinatay nya si Jeremy?"

Tumango ako. "Yes. Sinabi nya sakin yan. Nung una nagalit ako, but when she explain me everything? Naliwanagan ako. Yung utak nya, hindi normal. Yung--"

"In short, she's crazy."

I sigh. "But she doens't deserve to die. Mahal ka nya, naiintindihan ko yon Mark. And--"

"And you wanted me to love her back? For Pete Sake, Mia hindi mo ba naiintindihan na IKAW ANG MAHAL KO? Ano bang mahirap intindihin dun ha?"

Nabigla ako ng pagtaasan nya ako ng boses. Tumayo sya at sinuntok ang pader. Tumayo ako at inawat sya pero nang tingnan nya ako ng masama, natigilan ako.

"Ano bang gusto mo Mia? Mag-break tayo ha?"

"Mark, wala akong sinasabing ganyan. You are so overacting. Hindi naman sa ganon--"

"Pero yon ang gusto mong iparating. Kung hindi, ano Mia? Ano?"

"That you should respect her feelings toward you."

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon