Chapter 23

1K 56 6
                                    

Andito narin kami sa condo. Hindi na kami kumain sa labas dahil mag-ga-gabi narin at dahil narin wala pang kasama si Yaya sa condo ni Jeremy.

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang sinabi sakin ni Nathan bago kami umuwi dito sa condo.

Guess what?

"Mag-ingat ka Mia, papakasalanan pa kita bukas." Sabi ni Nathan sakin sabay wink at pumasok na sya sa kotse nya.

"A-Ano?" Tanong ko na lang sa sarili ko pero bago pa man makasagot uli si Nathan ay hinila na ako ni Jeremy.

Napailing na lang ako at tumayo sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko. Yep, sinauli na sakin 'to ni Jeremy kanina 'nung uuwi na kami. Ayaw daw nyang maging rude sa STUPID PRINCESS nya. Bwiset na nga eh -_-

Nagtatampo pa 'daw dahil hindi ko tinatawag na Demanding Prince, as if naman na gusto ko syang tawagin nang ganon? Tss.

Nag-online muna ako atsakto nabasa ko ang message sakin ni Mark. Kelan ba ako tatantanan nang lalaking 'to?

From Mark:

Bukas na ang burol ni Andrea. Hindi ka pa rin ba uuwi dito sa Pinas?

Napabuntong hininga ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko. I'm sorry Andrea, patawarin mo ko. Hindi mo lang alam kung gaano kita ka-miss.

To Mark:

Pasensya na. Hindi pa ako makakauwi dyan sa Pinas. Hindi nyo parin ba alam ang ikinamatay ni Andrea?

From Mark:

Hindi pa. At hindi ko nga alam kung malalaman ba namin o hindi basta ang alam namin, nagpakamatay sya dahil sa malaking problema nya. At sa mga oras na 'yon, wala ka sa tabi nya.

I feel guilty. Andrea, dalawin mo ko sa panaginip ko ngayong gabi. Please. Hihingi ako nang sorry. Patawarin mo ko.

To Mark:

Sorry.... ang sama kong tao.

From Mark:

Hindi ka masamang tao, Mia. Pumunta ka lang sa Korea dahil gusto mo nang makita ang mga magulang mo at walang masama roon. Pero sana naman bumalik ka agad dito sa Pinas lalo pang nalaman mo na wala na si Andrea.

Inoff ko na ang cellphone ko at nilagay iyon sa kama at lumabas nang kwarto. Ayoko munang magsalita, gusto ko munang makapag-isip.

"Hi Mia--- bakit ka umiiyak?"

Ang kaninang masayang Jeremy ay nag-aalala sakin.

Umiling ako at umupo sa sofa dito sa sala at malalim na nag-buntong hininga.

"Look, Mia, kung may problema pwede mo namang sabihin sakin eh. You know that I'm always here for you right?"

Tiningnan ko sya. "I know that. Pero can you please don't talk to me muna? I'm so tired."

"Then why don't you sleep if you're tired?"

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at hindi na nagsalita. He'll never understand me.

"May proble--"

"Jeremy, pabayaan mo muna sya. She has a problem." Biglang sabi ni Yaya kaya napatingin ako kay Yaya. "And you.." sabay tingin sakin ni Yaya. "Don't cry. Papangit ka nyan sige ka."

Pumikit na lang ako. I'm really sorry Andrea. I'm really sorry.

Tahimik lang kaming kumakain nang hapunan ngayon. Maybe they feel na ayoko talagang makipag-usap ngayon.

"Mia, curiousity is killing me. Ano ba talagang problema? Why don't you tell us? Malay mo matulungan ka namin." Biglang sabi ni Jeremy kaya natuon ang atensyion ko sa kanya.

"May magagawa ba kayo kung patay na ang kaibigan mo? Can you make her live again? No, right?"

Nagulat sya sa sinabi ko kaya tumahimik na lang sya. Hindi sila makakatulong.

Andrea is so special to me. Sa lahat nang naging kaibigan ko ay sya lang ang totoo.

She accept me kahit na nerd ako noon. Yep, nerd ako noon. Nagbago lang ako dahil nakilala ko si Mark noon at desperada akong maging maganda sa paningin nya.

Arrgh. Stop it na Mia, past is past. Move on.

"I'm done." Walang emosyion kong sabi at tumayo na, dumiretso na ako sa guest room at kinuha ang cellphone ko, binuksan ko ang aircon at nahiga na.

You're thing where Yaya's sleeping noh? Well. Tabi lang naman kaming matulog pero late na sya kung matulog eh, she's watching k-drama pa.

She's an old woman pero akala mo teenager kung kumilos.

*Beep Beep*

Tiningnan ko kung sino ang nag-text. Its Mark, again.

From Mark:

Miss na miss na kita. :(

Hindi na lang ako nag-reply at nag-online. Nagulat naman ako dahil post nya agad ang bumungad sakin.

Mark Timothy Perez miss ko na ang pagcha-chat natin Mia Dela Cruz kahit na sinusungitan kita. And I want to tell you na akala ko chat love story na natin 'yon but I was wrong. I'm really sorry at sana magkita pa ulit tayo. Miss na miss na kita. Nangungulila ako sayo, Mia.

Binasa ko ang mga comments and hindi ko na inexpect dahil puro nega ang nabasa ko.

Katie Marimar- Talaga Mark? Nagcha-chat kayo nang babaeng 'yan? She's freak, pero pinatulan at pinansin mo. While I'm goddess, pero hindi mo man lang binigyan nang atensyion. You're dumb babe. *angry emoji*

Agatha Bautista- I really don't know na 'yang babaeng 'yan ang ipagpapalit mo sakin. If Katie was the goddess, pwes ako naman ang pinaka-maganda sa balat nang lupa. Psh. Your wasting you're time on the bitch, and freak.

Hindi ko na binasa ang ibang comments at nag-post na lang ako sa status ko.

Mia Dela Cruz where do broken hearts go? *crying emoji* I really miss you Andrea Martinez, sorry dahil sa panahong may problema ka wala ako sa tabi mo. Forgive me. I was wrong afterall. Sorry.

Wala akong panahon para sa pagmamahal na 'yan. Because from now on, for me Love is so complicated at dagdag lang 'yon sa problema natin sa buhay.

Yes, lahat nang tao may problema. Hindi lang sa love, maging sa work or bussiness, sa health, sa money, sa food. Basta. Love doens't exist. Ayoko nang maniwala na merong love.

Nag-offline na ako at nilagay sa side table ang cellphone ko at binuksan ang lamp then I read wattpad books.

Montello High ang binasa ko ngayon. I have 3 books of wattpad.

The first one is Charm University, The Second is Hell University, and the Third is Montello High.

Sana Andrea dumalaw ka sa panaginip ko. I miss you so much.

***

(A/N: Hi guys. Sorry for the long update. Pero sana patuloy parin kayo sa pagbabasa. And thank you po ulit. ❤️❤️❤️)

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon