Someone's Pov
"Nakikiusap ako sa inyo, ampunin nyo ang anak ko... alam kong mabibigyan nyo sya ng magandang buhay at makakapag-tapos sya ng pagaaral.. nagsusumamo ako sa inyong dalawa.. pakiusap." Ang sabi ng isang ginang na babae sa dalawang mayaman na tao.
Which is ang nag-ampon kay Mia. Which is ang tinuturing nyang mga magulang ngayon.
"Anak mo sya, Ana. Hwag mo syang ipamigay lang basta basta samin. Ganon ba kalaki ang tiwala mo saming mayayaman?" Ang takang tanong ng isang babae, pero mayaman sya.
"Oo.. alam ko kasi na mabibigyan nyo sya ng mabuting buhay.. e ako? Wala.. walang-wala ako."
"Paano kung masama kaming tao? Ipapaampon mo parin ba ang anak mo sa amin?" Ang pagtatanong ng lalaki.
"Alam kong hindi kayo masamang tao. Kilalang-kilala kayo sa lugar na 'to bilang mabait na mag-asawa. Kaya nagsusumamo ako, kunin nyo ang anak ko at bigyan nyo ng magandang buhay."
Nagkatinginan ang dalawang mayamang magasawa. Atsaka kapwa tumango at kinuha na ang bata.
"Sige, kukunin na namin ang anak mo.. pero kelan namin sya ibabalik sa inyo?"
"Kapag nakapag-tapos na sya ng pagaaral. O kaya naman kapag nasa 16 o 17 na ang edad nya."
"Sige."
~~~~
Mia's Pov
Wala ako sa sarili ko ngayon. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
"Mia, kanina kapa tulala. Okay ka lang ba?"
Napatingin naman ako kay Princess. Inalis ko rin ang tingin ko sa kanya atsaka nag-buntong hininga. "Hindi na naging okay ang lahat simula ng dumating dito sina mommy't daddy."
Lumapit sya sakin at sinuklay ang buhok ko. "Hwag mong sabihin 'yan, magulang mo parin sila."
"Magulang? Hindi ata. Kahit kelan hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila. Bakit kasi naging part pa ako ng family na 'to?"
"Why don't you ask them?"
Napayuko ako at umiling. "What's the point of asking them kung hindi naman sila makasagot?"
"Ano-ano ba ang mga tinatanong mo sa kanila?"
Tiningnan ko sya atsaka sumagot. "Kung anak ba talaga nila ako, kung bakit ganon yung trato nila sakin at kung bakit hindi nila ako matanggap bilang part of this damn family."
"Hindi sila makasagot kapag tinatanong mo ang mga yan sa kanila?"
Umiling ako bilang sagot.
"Wait, hindi kaya..."
"Ano? Hindi kaya ano?"
"Hindi kaya hindi ka talaga nila anak kaya ganyan yung trato nila sayo? Wala kasing magulang na ganyan ang trato sa anak nila."
Natigilan ako. "H-Hindi naman siguro.."
"Hindi naman siguro pero bakit ganyan yung trato nila sayo?"
Umiwas ako ng tingin. Hindi kaya hindi talaga nila ako anak? "Tatanungin ko sila about dito."
"Ano naman ang itatanong mo?"
"Kung anak ba talaga nila ako o hindi."
"Pano kung ang sagot nila ay... hindi?"
Inis kong pinahid ang mga luhang nagbabagsakan galing sa mata ko. "Hindi ko alam.."
BINABASA MO ANG
Chat Love Story (Season 1)
Teen FictionSi Mia Dela Cruz ay isang babaeng bitter. Kapag nakakakita sya nang mga couples lagi nyang binubulong sa sarili nya na 'Walang Forever, maghihiwalay den kayo' yan ang lagi nyang sinasabi. May kaibigan naman sya, si Andrea Martinez. Pero magkaiba nam...