Chapter 13

1.1K 54 13
                                    

Bumaba na kami ni Yaya nang eroplano at sumakay kami sa taxi. Sinabi ko kung san kami pupunta don sa driver at agad naman nyang minaneho ito.

Sa bansang Korea, hindi ka pwede magtagalog dahil hindi nila ito maiintindihan. Dapat korean langguange o kaya naman ay ingles.

Magaling naman ako mag-english kaya walang problema.

"Alam na ba nang parents mo na andito tayo sa Korea?" Tanong sakin ni Yaya.

"Nope." Ngumiti ako. "I want to suprise them."

"Sigurado akong masu-supresa talaga sila."

Ngumiti lamang ako kay Yaya at tumingin sa bintana.

How I love to be here in Korea. >3

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Andrea. Eto na ang time para malaman nya kung asan kami.

To Andrea:

Nasa Korea kami bes. Sorry. Sana maintindihan mo. ^_^

Nilagay ko na sa bulsa nang pantalon ko ang cellphone ko at umayos nang upo.

Sa wakas andito narin kami. Bumaba na kami ni Yaya, syempre nagbayad ako kay Manong noh. Ano? Libre lang ang taxi? Kung pwede 'yon baka hindi pa ako nakapag-gastos. Mwuhahaha!

Kinuha namin ni Yaya 'yung mga gamit namin sa likod nang taxi. Syempere tinulungan kami ni Manong.

"Thank you." Nakangiting bati ko at nag-bow pa kay Manong.

"Its fine." Sagot naman nya at pumasok na sa taxi at umalis na.

Sinukbit ko ang ilang bags at kinuha ko naman ang isang bag. Si yaya ang nag-door bell.

At bumukas ito.

"Anak?!" Gulat na sabi ni Mommy pagkakita samin ni Yaya.

"Yes ma, its me. Suprise--"

"Anong ginagawa mo dito? Bakit andito ka? Umuwi ka sa Pilipinas ngayon din! Hindi pa naman tapos ang bakasyon mo right? Kaya naman--"

"Mommy, hindi kaba masaya na andito ako?"

Matagal ding hindi nakasagot si mommy sa tanong ko. Napayuko ako at napakagat sa ibabang labi ko para tigilan ang pag-patak nang luha ko.

"Anak, hindi naman sa ganon. Ayoko kasi mag-tapon nang pera para pagaralin ka--"

"What?" Sigaw ko na ikinatigil nya. "Ma, seryoso ka? Ikaw ang nagpapaaral sakin? Ma, look. Hindi mo kami binibigyan nang pera ni Yaya. Alam mo kung bakit? Ginagamit ko ang sarili kong ipon para lang makapag-aral pa ako. At ginamit ko ulit 'yung ipon ko pag-punta rito sa Korea. Wala kang--"

"So you mean kasalanan ko pa? Wala kang silbi. Wala kang utang na loob."

Natahimik ako sa sinabi ni Mommy. A-Ano? Ako pa ang walang silbi? Ako pa ang walang utang na loob? Ano bang ginawa ko? Nagsasabi lang ako nang totoo. Hindi naman masamang magsabi nang totoo diba? Masama dibang magsinungaling lalo na sa parents mo... pero bakit parang mas mukhang ako pa ang may mali?

"Ma--"

"Yaya, pumasok ka sa loob."

Agad namang pumasok si Yaya dala ang mga gamit namin.

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon