Mark's Pov
Philippines
Yes. Andito ako sa Pilipinas. Ayoko ng patagalin pa 'tong wala naming kwentang pagaaway ni Mia na nauwi sa break up's. Kaya naman magsisimula ulit kami, gaya ni Jer and Hazel. PDA to the max.
"Bawal ang lalaki dito." Harang sakin nung guard.
"Pamangkin ako ni Tita Marga Pwede na ba akong pumasok?"
"I'm sorry sir but--"
"Let him be."
Napatingin kami sa nagsalita. Si Tita. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap sya. Na-miss ko si Tita eh. Sya kasi ang naging ina sakin simula ng mamatay ang parents ko.
"Na-miss mo naman ako masyado." Natatawa nyang sabi.
"Syempre naman po. Kamusta na po kayo? Si.. si Mia?"
Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin. "Hindi ko pa nakikita si Mia."
"Po?"
Wala ba dito si Mia? Eh asan sya? Potek naman oh.
"I'm so sorry. Pasok ka--"
"No Tita. Hahanapin ko po muna sya."
Maglalakad na sana ako palabas ng GFU pero hinawakan nya ang braso ko upang pigilan ako.
"Kailangan mo munang magpahinga Mark."
"Hindi Tita. Kailangan ko munang--"
"Wag ng matigas ang ulo. Wag kang magalala, pupunta ako mamaya sa kwarto nina Princess at Alyssa."
Wala na akong nagawa kungdi tumango. Naglakad na kami papasok sa GFU at dahil nga gwapo ako, nagtilian ang mga babaeng nakakasalubong namin.
"OHMYJIJI! Si Mark!"
"Oo nga! Kyaaaah!"
"Bakit kaya sya andito?"
"Wag mong sabihin dahil don sa Mia na tinarayan ako kanina, akala mo naman maganda."
Napatigila ako sa paglalakad at tumingin don sa babaeng nagsalita.
"Patay ka, narinig ka ni Mark."
"H-Huh? Hindi naman siguro noh.."
"Mark--"
"Wait lang Tita." Sabi ko at naglakad ako papunta don sa babae. "Tinarayan ka ni Mia kanina?"
"O-Opo.."
"Ibig sabihin andito sya sa GFU?"
"Opo."
"Asan sya?"
"H-Hindi ko po alam."
Napatango naman ako at umalis na. Baka mapatay ko pa yung babaeng yon. Maganda si Mia, hindi nya lang alam dahil puro sya panlalait.
Bago pa man makapunta si Tita sa kwarto nina Princess at Alyssa ay nauna na ako. Kakatok na sana ako ng mag-bukas na ito at niluwa si Alyssa.
"M-Mark?" Gulat nyang sabi ng makita nya ako.
"Andyan ba si Mia?"
"Wala. Magkasama ata sila ni Princess ngayon."
"Sa tingin mo, asan sila ngayon?"
"Hindi ko-- andyan na pala sila."
Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Mia na masayang nagkwe-kwentuhan kasama si Princess. Natigilan lang sila ng makita nila ako.
"Mia." Pag-tawag ko sa pangalan ng babaeng mahal na mahal ko.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
Chat Love Story (Season 1)
Teen FictionSi Mia Dela Cruz ay isang babaeng bitter. Kapag nakakakita sya nang mga couples lagi nyang binubulong sa sarili nya na 'Walang Forever, maghihiwalay den kayo' yan ang lagi nyang sinasabi. May kaibigan naman sya, si Andrea Martinez. Pero magkaiba nam...