Chapter 58

630 17 0
                                    



Mia's Pov

"I'm sorry."

Nakakagulat man pero agad gumaan ang loob ko kay Alexa. Ano kayang nakain nitong babaeng 'to at nagso-sorry sya sakin?

"Bakit kaba humihingi ng sorry?"

"Kasi... kasi ang laki na ng kasalanan ko sayo. Patawarin mo na ako."

I smiled at her and then nodded. "Sorry lang naman ang hinihintay kong sabihin mo eh. I forgive you Alex--"

Bigla nya akong niyakap kaya hindi na natapos yung sasabihin ko.

"C-Can we be bestfriends?"

I hugged her back. "Oo naman."

"Talaga?! Thanks Mia!" Masaya nyang sabi at pumiglas sa pagkakayakap at nagta-talon-talon.

"Happy lang ha?" Natatawang sabi ko sa kanya.

Tumigil naman sya sa kakatalon pero nakangiti parin. "Masaya lang ako dahil pinatawad mo na nga ako, naging mag-bestfriends pa tayo. Kaya pala maraming nagkakagusto't humahanga sayo dahil mabait ka. Sorry talaga sa lahat ha?"

"Sure. Okay lang 'yon. Ang mahalaga, okay na ang lahat."

***

Naging maayos na ang lahat. Naging okay na kami ni Alexa. Naging bestfriends na namin sya nina Princess at Alyssa. Syempre hindi papahuli ang my one and only special bestfriend na si Andrea.

"I'm sorry Alexa. I'm sorry din Mia. Gago kasi ako eh. Hindi ko man lang alam na masasaktan ko pala si Alexa." Hinging patawad samin ni Enrique.

Andito kami sa labas ng GFU.

"Now you know your lesson Enrique. Matuto ka kasing makuntento sa isa. I'm sorry pero hindi na ako makikipag-balikan pa sayo. Never." Mataray na sagot ni Alexa kay Enrique.

Hindi na ako nakikisabat pa. Kailangan nilang mag-usap pero I think it's over na dahil ayaw na ni Alexa.

"A-Ano? Alex naman, hwag naman ganito. Sorry na nga diba?" Nagsusumamong sabi ni Enrique kay Alexa. Alex pala ang tawag sa kanya ni Enrique.

"No Enrique. It's over, at ayoko na. So shut up okay? Mauna na kami ni Mia sa loob." Nakangising sabi ni Alexa at hinila na ako sa loob ng GFU.

Naririnig ko ang pag-tawag ni Enrique kay Alexa.

"Sure kabang ayaw mo na Alexa? Bakit hindi mo bigyan ng isa pang pagkakataon si Enrique?" Pagtatanong ko kay Alexa.

"I'm 100% sure na ayoko na talaga. And besides, may nanliligaw sakin na americano and I want you to know na sobrang gwapo nya."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya pero nakangiti ako. "Eh ano naman pangalan? Atsaka kelan mo pa sya nakilala?"

"His name was Brock Smith. And last week lang. Sasagutin ko na nga ngayon eh. Mamaya sa chat... ahahahaha!"

Napailing na lang ako sa babaeng 'to. Last week pa lang pala nakilala sasagutin na agad? Dapat paabutin muna ng 6 months. Biro lang, mga 1 month ganon. "Hindi ba pwedeng paabutin mo kahit mga 1 month yung panliligaw nya sayo?"

Umiling sya. "Enebe? Chance ko na yon eh, sasayangin ko pa? At ang swerte ko kaya, may nanliligaw sakin na americano at ang sobrang hot and gwapo!!! Kyaaah! Kenekeleg akesh besh!"

Napairap naman ako. "Ewan ko sayo. Basta gwapo, sasagutin mo agad. Kahit siguro hindi manligaw sayo yung Brock na yon kahit sino pang lalaki basta gwapo, gusto mo na agad maging boyfriend."

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon