Chapter 55

504 18 0
                                    

Mia.

Tuesday na ngayon at andito kaming lahat sa court. Magpra-practice daw para sa Acquaitance. Wala na kaming klase hanggang Thursday.

Obviously, rarampa kaming mga babae sa gitna ng court. Pero hindi isa-isa, tatlong babae ang rarampa.

"Next. Mia, Nicole and Alexa."

Tumayo naman kaming tatlo at pwumesto na. Sabay sabay kaming naglakad pero bigla akong pinatid ni Alexa kaya nadapa ako. Rinig na rinig ko ang mga tawanan nila.

"Dapat lang sayo yan, masyado kang feeler para rumampa. Hindi bagay sayo."

Tumayo ako at masama syang tiningnan. "Bakit hindi mo tanungin yang sarili mo kung bagay kabang rumampa. Hindi diba?"

Sasampalin nya na sana ako pero naunahan ko sya.

"At wag kang magkakamaling saktan ako. Hindi mo pa ako kilala Alexa."

Pagkasabi ko non ay umalis narin ako. Dumiretso ako sa kwarto namin nina Princess at Alyssa atsaka nilagyan ng Betadine ang sugat ko sa tuhod. I mean, gasgas.

***

"I'm sorry po Madame Principal. Please wag nyo po akong paalisin dito sa GFU. Please po. Hindi ko na po mauulit." Pagmamakaawa ni Alexa kay Tita Marga.

Nalaman ni Tita ang nangyari. Kaya agad nya kaming pinatawag at pinapunta dito sa office nya.

"Give me one valid reason, bakit mo yon ginawa kay Mia?"

Tiningnan ko si Alexa. Nakayuko lang ito.

"I-I'm sorry po--"

"Tinatanong kita, bakit mo yon ginawa kay Alexa?"

Inangat nya ang ulo nya at tiningnan ako, tapos tumingin kay Tita. "Dahil po ang babaeng yan ay puro malas ang dala. Ang pangit-pangit nya, hindi sya bagay dito sa GFU. Malandi sya, inagaw nya ang boyfriend ko na tiga-BMU. Imbis na ako ang isayaw ng boyfriend ko, sya ang isasayaw. Kaya dapat lang sa kanya yung ginawa ko."

Napataas ang kanan kong kilay sa sinabi nya. So ako pa talaga? Wow nemern.

"Do you think that is a valid reason Ms. Evangilene?"

"Yes Madame Principal. Tama naman po yung ginawa ko hindi ba? Dapat lang yon sa kanya."

Napa-cross arm ako at umayos ng upo. Tingnan lang natin kung sino ang iiyak mamaya.

"Baligtarin natin ang sitwasyion. Kung ikaw si Mia, at si Mia ay ikaw, tapos ginawa sayo ni Mia yung ginawa mo, anong mararamdaman mo?"

"Hinding-hindi ako magiging si Mia kahit halimbawa pa yan. Kahit kelan hindi ko pinangarap na maging si Mia. Si Mia? Sya kasi yung babaeng puro malas ang dala."

Magsasalita na sana ako dahil pikon na pikon na ako pero naunahan ako ni Tita.

"So you think that is a right thing to do with her? Sa tingin mo ba tama yung ginawa mo?"

"Opo Madame Principal."

"Pano mo naman nasabi na malandi sya?"

Tiningnan ako nya ako at ngumisi atsaka tumingin ulit kay Madame Principal. "Kasi po pati po may boyfriend na may boyfriend hindi nya pinapalagpas."

"So?"

"Madame Principal, she is flirting my boyfriend. As if naman na kagandahan sya noh. She's lucky na nga eh dahil she had Mark in her life pero what happend? Nakuha pa nyang mag-landi. Pano kaya kapag nalaman ni Mark na yung girlfriend nya pala ay may itinatagong landi."

I sigh. Lahat ng sinabi nya about sakin, walang totoo. Kahit kelan hindi ako nag-landi ng ibang lalaki. Hindi ako malandi, hindi ako maharot. Wala sa bokubularyo ko ang salitang 'malandi.'

"Do you have some proof?"

Sa tanong na yan ni Tita ay lalo pang lumawak ang ngisi nya.

"Yes Madame Principal. I have some proof. Enrique texted me na mag-break na daw kami. And alam nyo po ba kung anong dahilan? (Sabay tingin sakin ng masama) because of her. Because of that bitch. Ano bang pinakain mo kay Enrique at nagustuhan ka nya? (Tumingin sya kay Tita) and sabi pa sakin ni Enrique na si Mia daw ang isasayaw nya at hindi ako."

Napailing si Tita sa sinabi ni Alexa. Ang babaw kasi. "That is not a valid explaination and a reason. Hindi kasalanan ni Mia na maganda sya. Every girl had their beauty on their own way. Wala syang kasalanan kung nagustuhan sya ng boyfriend mo."

"Madame Principal, don't tell me kinakampihan mo yang palakang yan? OMG. Mia, pati ba naman si--"

"Everything that you said is not true. Take it back." Seryoso kong sabi sa kanya pero tumawa lang sya.

"Bakit naman? Dahil ano? Dahil nakaramdam kana ng kahihiyan ngayon?"

"I said take it back."

Nawala na naman ako sa sarili ko. Kusang nagsasalita ang bibig ko at yung mga mata ko, ang sama ng tingin kay Alexa.

"Why would I? Alam ko namang lahat ng sinabi ko ay totoo eh. Aminin mo na kasi na natatakot ka."

"You don't know me Alexa. Hindi mo pa ako kilala."

Ngumiti sya. "You're wrong. Kilalang-kilala na kita. Gusto mo ba i-describe pa kita? Well--"

"You will not going to describing me. You will going to insult me. Sanay na kayo. And take it back sa lahat ng sinabi mo. Take it back now Alexa."

Tumayo sya. "Hindi. Hinding-hindi ko babawiin ang mga sinabi ko, dahil alam kong totoo ang lahat ng yon."

"Pano ka naman nakakasigurado?"

"100% sure ako na totoo ang sinasabi ko. 50% na malandi ka, and 50% na mangaagaw ka."

"Stop comparing myself into you, you damn asshole."

Ngumisi sya at pumalakpak. "Yan! Yan ang gusto ko. Ipakita ko ang totoong ugali mo. But remember, andito si--"

"Take it back and back off. Hindi mo magugustuhan ang maari kong gawin sayo."

"You--"

"Enough." Awat na samin ni Tita. Pumagitna pa sya samin. "Alexa, pumunta kana sa kwarto nyo! Now!"

"Bye Madame Principal, bye BITCH."

After that, umalis na sya.

"Mia, don't mind her. Don't worry, papaalisin ko sya dito sa--"

"You don't have to Tita. Just let me handle this. Tingnan na lang natin kung makatawa pa sya sa gagawin ko."

"A-Ano bang gagawin mo Mia?"

Tiningnan ko si Tita. "I make her life like a hell. Ako mismo ang magpapaalis sa kanya duti sa GFU. Not you Tita. Hindi ikaw." Seryoso kong sabi atsaka lumabas ng office nya.

Humanda ka Alexa. Ihanda mo na yang mga luha mo sa Acquaitance. Mabait akong tao, at totoo ang kasabihang 'masama magalit ang mababait.' Humanda ka.

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon