Chapter 43

805 32 9
                                    

Mia's Pov

Inaalagaan ako ni Mark ngayon dahil nga may lagnat ako. Si Hazel pala 'yung tumulong sa kanya dito sa States para lang naman makapag-condo sya. And besides, mag-bestfriend daw sila at hindi ako nagse-selos don.

"Sorry Hazel." Hinging paumanhin ko. Wala akong alam na plano lang nila ang lahat ng 'to. Pagdating ko sa Pinas, kailangan kong mag-sorry ng mag-sorry kay Tita Marga.

"Wala 'yon Mia. Atsaka wala ka namang kasalanan. Naiintindihan kita kung nagalit ka sakin ng una. May saltik lang ata 'tong boyfriend mo kaya nya nagawa 'yon sayo." Natatawa nyang sabi kaya nagtawanan kaming apat. Yaya, Jeremy, Ako at Hazel. Habang si Mark na pinapakain ako ng champorado ay nakanguso.

"Wala akong saltik, siraulo."

Ang cute pala mainis ni Mark. Nakanguso eh. Hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan ang labi ni Mark at mabilis din humiwalay.

"PDA to the max." Nakangising sabi ni Jeremy habang pailing-iling.

"Nilalanggam na kami." Sabi naman ni Hazel.

"Aray! Petse kang langgam ka!" Inis naman na sabi ni Yaya dahil kinagat nga sya ng langgam, pula pa.

Dahil don nag-tawanan ulit kami.

"Chansing ka ah." Nakangising sabi sakin ni Mark. Inirapan ko sya na ikinatawa lang nya.

"Masama palang humalik ang girlfriend sa boyfriend. K fine, hindi na kita hahalikan." Pagre-reklamo ko.

"Uy sorry na. Kinilig lang naman po ako sa ginawa mo eh."

Pinigilan kong mapangiti sa sinabi nya. Kinilig sya? For real?

"Sige, back out na muna kami ngayon. Bye bye." Sabi ni Hazel at hinila si Yaya at Jeremy na halatang gusto pang mag-stay dito. By the wat, 3:00 na pala ng hapon ngayon.

"Kinilig ka talaga? Seryoso?" Paninigurado ko dahil kapag ngumiti na ako ay baka tuksuhin naman ako.

"Opo Madame."

At yun na nga, napangiti ako at kinurot ko ang pisngi nya. "I love you."

Napangiti naman sya at nilapat nya ang noo nya sa noo ko. "I love you more than word can say Mia."

Nanatili lang kaming ganon ng maramdaman ko ang pag-alis ni Mark ng pagkain at lamesa sa harap ko at unti-unti akong niyayakap ng mahigpit.

"I'm sorry for everything."

Napangiti ako at niyakap sya pabalik. "Matitiis ba kita? I forgive you. Nakakakilig kaya 'yung plano mo, pero nakakainis ka din."

Bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang dalawa kong pisngi. "I'm sorry."

Kailangan ba talagang ulitin ang salitang 'I'm sorry'? Sinabing okay na eh. Magsasalita pa sana ako ng halikan nya na ang labi ko. Tumugon ako pero saglit lang pala 'yon. Binalik nya na 'yung pagkain at lamesa sa harap ko at sinubuan ulit ako ng champorado.

"Mark, I can handle myself. Wag mo na akong subuan. Para tuloy akong baby." Pagrereklamo ko. Natawa sya at kinurot ang magkabila kong pisngi. I'm sure na namumula na ang dalawa kong pisngi.

"Baby naman talaga kita ah. Gumawa kaya tayo ng endearment gusto mo?"

"Eh ano namang gusto mong tawagan natin?"

"Baby."

Napasimangot ako pero deep inside kinikilig na talaga ako. Bakit parang mas lalo pang naging sweet si Mark sakin?

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon