Chapter 14

1.2K 67 60
                                    

"Welcome to--"

"Mukha mo! Hindi pa nga kita kilala kung san san mo na ako dinadala? Sindikato kaba ha?" Inis kong tanong sa kanya na ikinatawa nya.

"Gago. Sa gwapo kong 'to, ako sindikato?"

Napairap ako. Mayabang din pala. "Bakit hindi ba?"

"Hindi."

At tinulungan nya akong ilagay ang mga gamit ko sa bakanteng kwarto.

"This is your room star form now on. And this condo, sayo narin 'to. Lahat nang akin, ay sayo rin."

Napakunot naman ang noo ko. "W-What?"

"Wala." Sabi nya at nahiga sa kama.

"Wait. I don't even know your name. Hindi ko pa nga alam kung mapagkakatiwalaan kita." Inosenteng tanong ko.

Umupo naman sya. "I'm Jeremy David. And you are?"

"Mia. Mia Dela Cruz."

At nagshake hands kami pero agad ko ding binawi. Hindi pa magaan ang loob ko sa kanya.

Sana tama ang desisyion kong dito muna mag-stay sa condo nang lalaking 'to.

"Can I call you Princess?"

Napakunot ulit ang noo ko. Bakit ba ang daming alam nang hinayupak na 'to? "Why? And besides, Mia lang ang pangalan ko, wala nang--"

"Take a rest, Princess. Pagod ka at kailangan mong mamahinga."

"Wait--"

"Bye Princess." Sabi nya at lumabas nang kwarto.

Agad akong nahiga sa kama. "Arrgh! Sana tama 'tong pinasok ko." Inis kong sabi sa sarili ko.

Tanghali na at andito kami sa kusina ni Jeremy at kumakain.

"Wala kabang matutuluyan sa ngayon?" Tanong sakin ni Jeremy.

"Obyus ba? Wala nga diba?" Pagsusungit ko.

"Ang sungit mo."

Nagkibit balikat ako. "Wala kasi ako sa mood mag-salita eh. Pwede 'wag mo muna akong kausapin at oo nga pala, salamat at pinatuloy mo ko dito." Atsaka ako ngumiti at pinagpatuloy ko ang pagkain.

Namiss ko tuloy 'yung adobo ni Yaya...... :(

"Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ka kausapin eh. You're sad and I hate it."

Napatingin naman ako sa kanya. "Hayaan mo--"

"I hate when I see you crying, sad. But when you're happy and smiling, sumasaya rin ako. Okay lang kung galit ka, ang cute mo kasing magalit."

Okay na sana eh, mata-touch na ako eh pero sa huli nyang sinabi, nako talaga. Inirapan ko sya. "Ako na naman trip mo." Inis kong sabi sabay inom nang gatas.

"You will drink milk start form today at hindi kape. Pandak kana nga, inom kapa nang inom nang kape. Hindi mo ba alam na nakakapag-pigil nang tangkad ang kape?" Sermon nya sakin.

"Hindi naman talaga ako umiinom nang kape, puro gatas ang iniinom ko! At hindi ako pandak!"

Gigil mo si ako!!!!!!!!

"Umiinom ka nga nang gatas, ang tanong, umiinom kaba nang vitamins?"

Natigilan naman ako don. Hindi. "O-Oo!" Sigaw ko.

"I know you're lying. Tss. Pagkatapos nating kumain magma-mall tayo. Bibili tayo nang mga gamit mo."

Napatunganga ako. Bakit ang bait nya sakin? "Jeremy..."

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon