Chapter 11

1.2K 59 9
                                    

[Ohmyghad! Bes, ang ganda mo dun sa profile picture mo! Inlababo na ako sayo.]

"Gaga." Natatawa kong sabi.

Andito ako sa kwarto ko at sinusuklay ang buhok ko, nagi-skype kami ni Andrea.

Sya naman nagsasapatos.

[Oo nga pala. Kamusta ang date nyo ni Mark? Ano feeling na may syota na?] tatawa-tawa nyang tanong.

Napaiwas ako nang tingin. Hindi mo alam ang buong nangyari kahapon. Pag ba nalama mo, ipapa-litson mo talaga si Mark?

Nagcra-craving tuloy ako.

[Psst. Uy, masaya siguro noh? Ano nga feeling--]

"Bye na bes. Kitakits na lang tayo sa school."

[Bes--]

Pinatay ko na ang skype at naupo muna ako sa kama ko. Naka-pe-uniform kami ngayon. Tuwing thursday ay pe namin. Means, maglalaro kami like basketball, badminton etc basta about sa mga sports.

Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko at naglakad na ako palabas nang kwarto ko.

"Anak, buti naman at lumabas kana. Halika na, kakain na tayo nang--"

"Ya, andyan po ba si Mark-- este Timothy?"

Mas kilala kasi ni Yaya si Mark bilang Timothy.

"Wala eh. Dapat nga sa mga gantong oras andito na sya eh. Sige kain na--"

"Ya, sa canteen na lang po ako kakain."

"Pero--"

"Sige na Ya. Bye."

Kiniss ko sa cheeks si Yaya at lumabas na nang bahay. Dahil tamad akong maglakad ay sumakay ako nang jeep.

Tiningnan ko ang mga kasama ko at laking gulat ko nang makita ko si Mark. Nakatingin sya sakin, pero blangko ang mga tingin nya.

Nag-vibrate ang phone nya kaya tiningin nya ito at may tumusok na kung ano sa puso ko dahil ang wallpaper nya ay si Casselyn.

Napaiwas na lang ako nang tingin. Baka nagkabalikan na sila. Hindi talaga kami para sa isa't isa. Kasalanan ko naman 'to eh. Kung hindi ko sya naano kahapon ay hindi kami magkakaganito.

Aaminin ko, na-miss ko syang kasama. :(

Tiningnan ko ulit sya at nakita ko na nakangiti sya. Si Casselyn ang dahilan nang ngiting mong 'yan noh? Mark, miss na kita.

Napayuko na lang ako at nagbayad na.

Perez University

Lumabas na ako at naglakad na papasok pero may humawak sa braso ko. Pagtingin ko, si Mark.

Nakatingin ako sa mga mata nya. Ang seryoso.

"I'm sorry." Sabi nya at yumuko sya tapos iniwan na ako.

I'm sorry. Anong mapapala ko sa sorry na 'yan? Ang kailangan ko ikaw! Miss na kita Mark kung alam mo lang!

Naglakad narin ako. Habang naglalakad ako papunta sa room ay may pumatid sakin kaya napasalampak ako sa sahig.

Agad kong tiningnan kung sino 'yon. Si Casselyn. Nagtatawanan sila nang mga kaibigan nya.

Tumayo ako at hinarap sila kaya tumigil sila sa kakatawa. "Bakit mo ko pinatid? Papansin kaba?" Inis kong tanong.

"Aba, lumalaban kana. Well, bakit kita pinatid? Wala lang. Trip ko lang."

At nagtawanan na naman sila. Natigilan lang sila nang sampalin ko si Cass.

"How dare you to slap my beautiful face?!" Sigaw nya sakin.

"Wala lang. Trip ko lang din."

Atsaka ako tumayo at kinindatan sya at naglakad na pero sumigaw sya bigla.

"AMININ MO NA KASI NA NAIINGGIT KA SAMIN NI MARK KASI NAGKABALIKAN NA KAMI, ANG KAPAL KASI NANG MUKHA MONG AGAWIN SAKIN SI MARK, AYAN TULOY KINARMA KA. BAGAY NAMAN SAYO EH!"

At nagtawanan na naman sila. Napairap ako at nilingon ko sila. "Bakit naman ako maiinggit? Eh parehas naman kayong hampas lupa?"

Natigilan silang lahat. Bakit? Totoo naman eh. Mga hampas lupa sila. Nangaapi sila nang taong alam nila na walang kalaban laban. Pero ibahin nila ako, nagbago na ako. "What? I'm just stating the fact, bakit hindi kayo makapagsalita ngayon? Well. Deserve nyo naman, mga loser." Ngumisi ako. "Kaya tantanan nyo ko. Hindi nyo pa alam ang kaya kong gawin."

"Bitter much? Ang kapal nang mukha mong sabihan kami ni Mark na hampas lupa? Eh ikaw, anong tawag mo sa sarili mo, maganda? Dun sa profile pic mo, don't ya worry kasi hindi ka maganda don. Halatang edit lang. Am I right? Samantalang ako, hindi." Natatawa nyang sabi pero halata mo sa kanya na inis sya.

"If you're mad, then let it go. 'Wag mong itago kung inis ka or galit ka. Masasaktan ka lang dear. At kung mamarapatin mo, hindi edit ang dp ko. Baka nga sayo ang edit eh, naka-flowe crown ka pa but hindi naman bagay sayo. Mukha ka lang paso na payaso. Perfect combination lang kayo talaga ni Mark. You know why? Kasi sya mukhang puno sa sobrang tangkad at payat, at pwede kang i-display sa tabi nya dahil mukha kayong perfect combination. 'Wag kang magalala, hindi ko aagawin sayo ang prinsepe mo. Dahil kahit kelan wala akong inagaw sayo, ang sabihin mo lang kasi wala kang ibubuga. At oo nga pala, maganda ka lang pero DYOSA ako. Bye, sana magkita pa tayo. Ingat ha? Mamahalin pa kita." Nakangisi kong wika bago silang iwang mukhang tanga dahil naka-nga-nga sila. Mga ate, baka mapasukan nang langaw ang bibig nyo.

Hindi mawala-wala ang ngisi sa aking labi. First time ko lang lumaban. Well, deserve naman talaga nila 'yon.

Papasok na sana ako nang room namin nang may tumawag sa pangalan ko.

Nilingon ko sya. Ngumiti ako. "Oh ikaw pala Mark, anong kailangan--"

"SINAKTAN MO SI CASSELYN! ANG SAMA SAMA MO! SUBUKAN MO PA SYANG SAKTAN, MAPAPAALIS KA SA SCHOOL NA 'TO!"

Agad nagdilim ang paningin ko. At dahil don nasampal ko sya nang sobrang lakas. "Alam mo Mark, isa lang ang masasabi ko sayo. Alam mo kung ano, PUTANGINA MO PO!" Sigaw ko.

Tumulo narin ang mga luha ko. So kinakampihan pa nya ang Casselyn na 'yon? Bakit? Sino ba ang nauna samin, ako ba o 'yang lintek na malandi slash maarte nyang girlfriend? Wala syang karapatang sigawan ako dahil hindi naman sya ang pinagsalitaan ko nang ganon.

"Kung papaalisin mo ko dito, then go. Mayaman kami just so you know, kaya kong mag-aral sa kahit anong school anytime na mapatalsik ako dito. So kelan ba ako aalis--"

"After the fieldtrip, wala kana dito. Ayoko nang makita kapa. Dahil mali ata na nagustuhan kita, na minahal kita. Mali. Kung sino man ang mahulog sayo, tanga sya na nagustuhan kapa. Alam mo ba kung bakit, dahil ikaw ang MALAS nang buhay ko."

Ag umalis na sya. Napayuko na lang ako. Kung ako ang malas nang buhay mo, 'wag kang magalala. Aalis na ako. Mamayang uwian, hindi mo na ako makikita. At sa fieldtrip, wala narin ako don. Kaya sana maging masaya kana. Ngunit babalik ako, babalik ako na may ipagmamalaki sayo, babalik ako na kasama ang paghihiganti ko.

Hindi pa tayo tapos, Mark. Nagsisimula pa lang tayo.

*Smirk*

----

Clarisse Note: Sorry kung ang tagal kong mag-update. Mabagal lang talaga si author na mag-update, minsan kasi tinatamad narin ako.

Salamat ang God Bless :*

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon