Chapter 8

1.3K 69 14
                                    

Hindi muna ako papasok ngayon. Wala akong gana. Ang oa ko noh? Kung makapagsabi ako na okay lang kung nagpapanggap si Mark bilang Timothy para maging close kami pero ngayon, hindi eh.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nasasaktan. Ang oa oa ko. Nakakainis. Nakakabwiset.

*Beep beep*

Tiningnan ko ang phone ko. Si Mark na naman.

Timothy- Hindi ka papasok? Andito ako sa sala nyo. Hehe ^_^

Agad akong napatayo. Anak nang tinapa. Nilagay ko sa kama ko ang acellphone ko at tumayo. Inayos ko ang sarili ko at nag-hilamos at nag-toothbrush.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko maging maayos sa paningin nya. Ano bang nangyayari sakin?

Lumabas na ako nang kwarto at hindi pa ako nakakababa nang hagdan ay narinig ko na ang boses ni Yaya at Mark.

"Oh iho, heto na 'yung juice mo. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa bumabangon 'yon." Rinig kong sabi ni Yaya.

Humakbang pa ako para makita sila. Hindi ko alam kung magpapakita ba ako sa kanila o hindi.

"Ganon po ba talaga si Mia? Mabagal kumilos? Sabagay, ganon naman ang mga babae. Makukupad kumilos." Nakangiting sabi ni Mark at tumawa nang mahina.

Those laughs and his smile, nakaka-attrractive paren.

"Baka nagpapaganda pa 'yon sayo iho. Alam mo naman na alam kong mag-syota na kayo. Dinedeny nyo pa."

Ano?! Yaya naman! Hay!!!!!

"Hindi naman po siguro..." nahihiyang sabi nya habang kumakamot sa ulo. "Atsaka po hindi naman po kami. Sinabi ko lang po 'yon kahapon dahil... gusto ko lang. Haha."

Hutangina mo talaga Mark. Sinabi mo lang 'yon dahil gusto mo lang? Hindi kaba nagiisip? So immature.

"Ganon? Sayang. Bagay pa naman kayo." May pagkadismayang sabi ni Yaya.

Hindi kami bagay. Tao kami. At hindi sayang, dapat lang 'yon. Tss.

"Pero liligawan ko po sya. Hihingi lang po ako nang permiso sa kanya."

Agad nanlaki ang mga mata ko at napaupo. L-Liligawan ako ni Mark? For real?

"Ay nako sige iho, manok kita. Bagay naman kayo sa totoo lang."

Napaismid ako sa sinabi ni Yaya. Ano ba naman yan Ya? Paalisin mo na nga lang 'yan dito.

"Ayy... sige po."

At nagtawanan silang dalawa. Tumayo ako at naglakad na pabalik sa kwarto ko. Dahan-dahan ko itong isinara at nahiga sa kama nang mag-vibrate ang phone ko.

Timothy- Psst. Ang tagal mo naman? Nagpapaganda ka noh? Kahit 'wag na. Maganda ka na naman na. :)

Nilagay ko sa side table ang cellphone ko at pumikit.

Ayoko na sayo Mark. Kaya tigilan mo na ako.

"Anak *knock knock* tapos kana bang mag-bihis? Kanina pa naghihintay sa sala si Timothy."

Tamad akong tumayo at binuksan ang pinto. "Ya, hindi po ako papasok."

Nagulat naman sya. First time ko lang hindi pumasok. Yep. Kahit may sakit ako ay pumapasok parin ako. Ngayon kang ako tinamad, at dahil pa 'yon kay Mark.

"Bakit naman? Nako iha, pumasok ka. Malalagot ako kay Mam Rizza at Sir Jackson kapag nalaman nila na hindi ka pumasok--"

"Who cares?"

Galit ako sa parents ko. Hindi man lang nila ako binigyan nang oras. Duh. Anak nila ako, dapat pagtuunan din nang pansin. Hindi na lang puro trabaho. Kahit pasko, birthday ko, o ano pa mang occasion, wala sila.

"Anak naman. 'Wag mo naman--"

"Tama na po Ya. Paalisin nyo na lang po si Timothy. Pakisabi hindi ako papasok. Bukas na lang."

Hindi ko na sya pinagsalita pa dahil sinarado ko na ang pinto. Alam kong bastos pero anong magagawa ko? Nagagalit ako. Naiinis ako. Nababanas ako. Nabi-beastmode ako.

*Ring ring*

Tiningnan ko ang cellphone ko. Wow.

Mommy's calling...

Buhay pa pala sila. Ngayon lang sya tumawag. Nakakabigla.

Sinagot ko rin ito.

"Hello ma..."

(Your yaya told me everything. Hindi ka daw papasok ngayon. And one more thing, nagagalit ka daw samin. At bakit--)

"At bakit naman hindi? Kinalimutan nyo na ako ni daddy simula 'nang pumunta kayo dyan sa Korea. Puro trabaho na lang ang iniisip nyo. Wala na kayong time para sakin. Sa tingin mo ma, magiging masaya ba ako kapag ganon?"

Hindi ko na napigilang hindi umiyak. Napaupo ako sa kama.

(Anak... ginagawa namin 'to para sayo. Mahal--)

"Para sakin nga ba ma? O para sa inyo? Kung mahal nyo ko ma, kahit birthday at christmas man lang pumunta kayo dito. Pero hindi diba? Anak nyo ko. Bigyan nyo naman ako nang time."

(Anak--)

"Tama na ma. Sige. Papasok na ako. Ayokong isipin nyo na sinasayang ko lang ang perang pinaghihirapan nyo sa TRABAHO nyo PO."

(Mia--)

*toot toot*

Nilagay ko sa kama ko ang cellphone ko at naghubad na at dumiretso sa banyo para maligo.

Pagkatapos ay nagbihis na ako at sinukbit ang bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay sa bulsa nang palda ko at lumabas na nang kwarto.

Nadatnan kong aalis na si Mark that time pero napansin nila ako.

"Oh... akala ko ba hindi ka papasok?" Takang tanong nya sakin pero hindi ko sya pinansin.

Lumabas na ako nang bahay at naglakad papunta sa school and as usual, sumabay sakin si Mark.

Hindi sya nakasalamin ngayon.

"Uy.. ayos ka lang?"

Hindi ko sya pinansin. Ayokong magsalita.

"Hindi ako sanay na ganyan ka Mia."

Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan sya. Tumigil din sya sa paglalakad at tiningnan ako. "Wag mo muna akong kausapin Mark. Please lang. Utang na loob." At naglakad ulit ako.

Hindi ko na nga sya narinig na nagsalita. Napabuntong hininga na lang ako.

Room

Andito na kami sa room at nagdi-disscuss na si Mam Perez. Tita ni Mark.

"Okay class. Malapit na pala ang fieldtrip nyo. Next week. Monday to friday so ibig sabihin five days ang inyong field trip."

Agad naman silang nagsigawan. Napatakip ako sa tenga ko dahil sobrang lakas nang sigawan nila.

Pero sino ba naman ang hindi matutuwa, five days ang field trip? Saya 'non. Pero hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi. Bahala na si Batman sa mga mangyayari.

"Uy bes, narinig mo ba 'yung sinabi ni Mam, fieldtrip natin next week at five days pa! Bukas magbayad na tayo para sa harapan tayo umupo." Masayang sabi sakin ni Andrea at pumapalakpak pa.

Ngumiti ako. "Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi."

Sumimangot naman sya. "Ang kj mo. Minsan na nga lang mangyari ang field trip in five days tapos hindi ka sasama? Sumama kana please...." pakiusap nya.

"Oo na."

"Talaga? Yehey!" At niyakap nya ako.

I just hugged her back. Sana bumalik na sa dati ang lahat.

Fieldtrip in 5 Days, hindi ko na sasayangin ang chance na 'yon. Sasama ako.

----

Clarisse Note: Mahirap kalabanin ang expectation sa reality guys. Sana nga mangyari ang field trip in five days in reality or sa'tin noh? Saya non. :)

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon