Chapter 51

571 24 0
                                    

Mia's Pov

Sabado ngayon at walang pasok kaya naglakad-lakad lang ako sa school. Yung iba napapatingin sakin, tapos nagbubulungan.

"Diba sya yung girlfriend ni Mark?"

"Oo."

"Yung babaeng puro malas ang dala? Wow nemern. Yun pala ang gusto ni Mark sa mga babae."

"Manahimik ka nga dyan."

"Oo na."

Hindi ko na lang sila pinansin. Tama naman sila. Hi, ako nga pala si Mia Dela Cruz. Ang babaeng puro malas ang dala. Unlucky Mia ang nickname ko. Tss.

"Hi miss."

Napatigil ako sa paglalakad dahil may humarang saking babae. Mukha pa lang nya mukhang mataray na. "Back off." Walang emosyion kong sabi.

"Ang taray mo naman miss, makikipag-kaibigan lang naman. Haha."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Back off."

Nakaharang kasi sya sa daraanan ko. Tss.

"I'm--"

"I'm not interested and I'm not a friendly type so back off."

"Pwede magtanong?"

Hindi na ako nagsalita at hinintay syang magsalita.

"Bakit ka ba nagustuhan ni Mark kung ganyan ang ugali mo? Ganyan ba yung mga tipo ng babaeng gusto nya?"

Nonsense question. -_-

"Will you back off?"

"Tinatanong kita diba? Bakit hindi mo na lang sagutin?"

"At bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi si Mark?"

"Nagtatagalog ka pala, mano-nose bleed na ako sayo eh."

"Back off."

Gusto ba ng babaeng 'to na tarayan ko sya? Nakakainis ah.

"Nagi-english ka--"

"I SAID BACK OFF, HINDI KABA NAKAKAINTINDI NG ENGLISH?!"

Natigilan naman sya dahil sa pag-sigaw ko. Dapat lang, kung hindi baka kung ano na ang magawa ko sa bwiset na babaeng 'to.

"Back off." Ulit ko pa kaya umalis na sya sa daraanan ko. Madali lang naman pala kausap ang isang 'to. Gusto pa yung nasigaw.

Naglakad na ulit ako. Wala na ata ako sa sarili ko ngayon. Si Mark, miss ko na sya. Kamusta na kaya sya ngayon? Hayy. Puro Mark na lang ang nasa isip ko.

"Hi miss."

"Hi ate."

"Ang ganda mo."

"May nagpupunta ditong tiga-BMU para lang masilayan ka."

"Ang haba ng hair mo sis. Penge naman oh."

Napailing na lang ako sa mga sinasabi sakin ng mga babaeng nadadaanan ko. Gusto kong mag-relax ngayon, hindi yung ganito. Pero yung isang babae na maikli ang buhok ang talagang humarang sa daraanan ko. Kainis naman.

"Malandi ka, hindi mo ba alam yon?"

Napantig naman ang tenga ko sa sinabi nya. "Anong sabi mo?"

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon