Chapter 21

1.1K 63 18
                                    

(A/N: Thank you po talaga sa mga nagbabasa nang story kong 'to kahit pangit at korni. And thank you dahil kahit mabagal akong mag-ud ay andyan parin kayo para mag-hintay sa pag-ud ko dito sa Chat Love Story.

And gusto ko lang pong sabihin sa inyo na may season 2 po ang Chat Love Story. Natutuwa rin po ako sa mga comment nyo, sorry kung hindi ko kayo nire-replayan pero binabasa ko palagi.

Thanks ulit ❤️❤️❤️❤️)

------

"Ya, alis na po kami." Paalam ko kay Yaya na nakaupo sa sala at nanonood.

"Sige. Ingat kayo. Hoy iho, ingatan mo 'yang alaga ko kungdi malilintikan ka sakin."

Natawa naman kami sa sinabi ni Yaya. Yaya is my second mother now pero ang tawag ko parin sa kanya ay Yaya. I miss my mom and my dad and Max.

Lumabas na kami nang condo ni Jeremy at don ako nag-reklamo.

"Kailangan pa bang sabihin mo na girlfriend mo ko at hindi kaibigan?"

"Bakit ba ayaw mo? Ang swerte mo kaya sa akin kung magiging boyfriend mo ko." Sabay pa-pogi sign pa sakin.

I rolled my eyes to him. "Yabang mo. As if naman na papatulan kita." At nag-cross arm ako.

"Tss. Kunwari kapa eh."

"Nangiinis kaba?" Madiin kong sabi.

"Awat na awat na. Hindi ka mabiro talaga." He said while raishing her hand and lauhing.

"Sira ulo."

At ewan namin kung bakit kami nag-tawanan. Jeremy is my boy bestfriend, my one and only boy bestfriend. Get it?

Sumakay kami nang kotse nya and wow lang ha? Ang ganda at ang bango pa.

Bubuksan na sana ni Jeremy ang makina nang kotse nya pero nag-ring ang phone nya.

"Hello dre? Oo, papunta na ako. Sira ulo. Hindi ako bakla. Gago. Kasama ko girlfriend ko." Tumingin sakin si Jeremy at nag-smirk tapos umiwas nang tingin. "Oo na dre. Bye."

Pagkababa nya nang tawag ay agad ko syang binatukan.

"What the?!" Inis na tanong nya sakin.

"What the mo mukha mo! Arghhh! Hindi ko alam kung bakit mo ko napapayag eh. Alam mo, bwiset ka. Tss. Sasabihin ko sa kanila ang totoo. Na hindi mo ko girlfriend--"

"Then I will tell them that you are my maid or yaya." Ngumisi na naman sya pero hindi na sya nakatingin sakin.

"Jeremy naman--"

"Wag kang kj. Sasabihin ko lang na girlfriend kita and after that wala na. Tss."

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at umayos nang upo.

Nag-drive na sya.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong nya sakin pero hindi ko sya pinansin.

*beep beep*

Napatingin kami sa cellphone ko na nag-vibrate.

"Yan ba si Mark na tinutukoy ni Yaya?" Tanong nya ulit pero hindi ko sya pinansin.

Binasa ko ang text nya.

Mark- Baby, please. Umuwi kana dito. Miss na miss na miss na kita. *heartbreak*

Natawa ako. Talagang may *hearbreak* pa na nakalagay.

"Kayo na ba ni Mark?"

Tiningnan ko si Jeremy, ang seryoso na kasi nang boses nya eh. Inalis ko ang tingin sa kanya at magre-reply na sana pero inagaw sakin ni Jeremy ang cellphone ko.

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon