💞💞💞
"Naks. Ang ganda talaga nang hotel na 'to. Alam mo ba baby, nakapunta na ako dito. Kasama po sina mom and dad 'non. Kaso... wala na sila ngayon."
Kaya pala hindi ko pa nakikita ang mommy't daddy nya.
"I'm sorry to heart that." Sabi ko sabay tap sa likod nya.
"Its okay." Ngumiti ito sa akin at bumaba.
Inalalayan nya rin akong bumaba. Wait lang, oo nga pala. Pano kapag nalaman nyang nakatira kami ni Yaya sa condo nang isang lalaki? Nako, sana patawarin ako ni Mark nito.
He held my hand and start walking through the hotel. 'Yung puso ko kumakabog na sa sobrang kaba.
Ano kayang mangyayari? Jusko, sana 'wag nang magbugbugan ang dalawang lalaking 'to. Knowing Mark, mabilis 'tong mapikon.
>_________<
"Room 191, asan kana?" Rinig kong tanong ni Mark sa sarili nya.
"Mark, ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ko.
"Hinahanap si room 191."
Napairap na lang ako at napailing. Baliw talaga 'to.
"Ayun!"
"Ay tipaklong! Mark!" Sigaw ko dito sa sobrang inis.
"Sorry... hehe."
Tss. Parang bata 'tong si Mark. Tss. Tss. Tss. Tss lang talaga!
Kakatok na sana sya pero hinawakan ko agad ang pulso nya.
"What?" Takang tanong nya.
"M-Mark.. ano kasi.. s-sa..."
Hindi ko alam kung pano ko 'to sasabihin sa kanya. Hindi ko rin alam kung pano 'to uumpisahan.
"Sa?" Tanong nya.
Umiling na lang ako at ngumiti. "Wala wala." Sabi ko at umiwas nang tingin sabay buntong hininga.
Bahala na kung ano ang mangyari. Just go with the flow na lang. Narinig ko na lang na kumatok na si Mark sa pinto at narinig ko ang pag-bukas nito.
"Mark? Ikaw pala, nakita mo na ba si... Mia?!"
Napatingin ako kay Yaya. Agad nya akong niyakap nang mahigpit. "Y-Ya.." mahinang sabi ko dahi hindi na ako makahinga sa pagkakayakap nya, sabayan mo pa nang luhang tumutulo sa aking mga mata. Aaminin ko, na-miss ko nang sobra si Yaya.
"Ikaw bata ka, san kaba nagpunta? Hindi mo ba alam na hindi kami natulog ni Jeremy dahil hinihintay ka namin na dumating? Pero dalawang araw ka nang nawawala. San kaba galing? Nag-alala ako sayo nang sobra. I even called Mark. At hindi ko lang alam na sya pala ang makakahanap sayo." Sabi ni Yaya habang nayakap parin sakin. Ramdam ko ang pagaalala nang bosed nya.
"Wala po bang nabuong bakbakan kina Mark at Jeremy?" Sa lahat nang pwedeng itanong Mia, bakit 'yan pa?
"Nung umpisa meron, pero 'nung pinagsabihan ko silang dalawa okay na. Hindi ko lang alam kung okay ba talaga sila, diba Mark?" Natatawang tanong ni Yaya kay Mark at kumalas na sa pagkakayakap.
BINABASA MO ANG
Chat Love Story (Season 1)
Teen FictionSi Mia Dela Cruz ay isang babaeng bitter. Kapag nakakakita sya nang mga couples lagi nyang binubulong sa sarili nya na 'Walang Forever, maghihiwalay den kayo' yan ang lagi nyang sinasabi. May kaibigan naman sya, si Andrea Martinez. Pero magkaiba nam...