Chapter 46

788 39 4
                                    

Mark's Pov

''Mag-usap nga tayo." Seryoso kong sabi sabay hila kay Hazel papunta sa likod ng school.

"Ano na naman ang pag-uusapan natin?"

"Bakit mo pinag-malditahan si Mia? At bakit mo syang sinabihang malandi? Sino kaba sa akala mo?"

Nakita ko kung paano nangilid ang mga luha nya. Umiwas sya ng tingin bago nagsalita.

"Kaibigan lang ba talaga ang turing mo sakin Mark? Hindi na ba talaga hihigit pa don?"

Napabuntong-hininga ako. "Pinag-usapan na natin ang bagay na 'to diba Hazel? Ano? Paulit-ulit na lang? Kaibigan lang ang turing ko sayo at hindi na hihigit pa don. At sinabi sakin ni Mia na pag-umalis na sila dito sa States at masosolo mo na ako? Hindi mo ba alam kung gaano mo kami inunsulto? Tanga kaba Hazel?"

Tumingin sya sakin at tumutulo na ang mga luha nya. "O-Oo. Tanga nga siguro ako dahil nainlove ako sayo. Kahit na may mahal kang iba. I'm sorry for everything Mark. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, bakit sa lahat ng lalaki ikaw pa ang nagustuhan ko? Bakit ikaw pa?"

"Hindi mo ko deserve, at hindi rin kita deserve. Hindi natin deserve ang isa't isa. Maybe pinag-tagpo lang tayo pero hindi tayo ang tinadhana sa isa't isa. Hindi kita magugustuhan Hazel, at lalong hindi kita mamahalin dahil may tinitibok na ang puso ko. Move on Hazel, kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sakin. Hazel--"

"Kaya mo lang naman sinasabi yan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyion ko. Bakit ba ang dali mong sabihin ng lahat ng yan?"

Natigilan ako. Tama si Hazel, madali lang sabihin ang mga sinasabi ko ngayon lalo na hindi naman talaga ako ang nasa sitwasyion nya.

"Wag kang magalala, kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sayo. Lalayuan na kita, iiwasan. Ang sakit sakit lang. Nakaka-tangina lang Mark. Una pa lang mahal na kita, manhid kaba at hindi mo agad nahalata? Yung mga plano natin para malaman mo kung mahal kaba talaga ni Mia, alam mo bang lahat ng yon totoo para sakin? Hindi diba? Ang sakit sakit lang talaga Mark. Pero tama ka naman eh, hindi natin deserve ang isa't isa kaya bakit pa ako aasa?"

Niyakap ko na sya para pagaanin sya. "May best na lalaki para sayo Hazel. Malay mo si Jeremy pala. Gusto ka nya Hazel. Why don't you gave Jeremy a chance?"

Bumitaw naman sya at pinunasan ang mga luha nya. "Maybe? I don't know."

Lalapitan ko na sana sya pero tumalikod na sya. "Thanks for everything Mark."

"What do you mean?"

Nilingon nya ako at binigyan ng isang ngiti. "Thank you for making me realize that... that mali ang nagustuhan kong tao. I'm sorry Mark. I try my best para makalimutan ang nararamdaman ko para sayo. Because this time, itutuon ko ang atensyion ko kay Jeremy."

"That's good to hear. And Jeremy will stay here for good."

Nginitian nya lang ako at umalis na. I sigh. Bakit ba ang daming nagkakagusto sakin? Ang hirap talaga maging gwapo. Biro lang, nasasaktan din naman ako para kay Hazel.

Mia's Pov

Nag-sumbong ako kay Mark, lahat ng sinabi ni Hazel sakin kanina ay sinabi ko agad kay Mark. Bakit hindi? Ayokong masolo ni Hazel si Mark kapag wala na ako. I mean, kapag umalis na ulit kami ni Yaya. Teka, kasama ko ba mamaya si Yaya pag-uwi o si Jeremy uli?

"Hi Mia. It was nice to see you again. I thought you will stay in the canteen, I find you and you are here in the Garden of Smith University."

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon