Chapter 26

946 51 16
                                    

(A/N: Gusto ko lang ulit mag-thank you sa inyo. Sana hindi kayo nagsasawa sa kakabasa nang THANK YOU mula sa akin. Pinapasaya nyo ko, alam nyo ba 'yon? Thank you po ulit. 😊😊😊)

💫💫💫

Hindi ko alam kung asan na ako. Tanghali na at gutom na gutom na ako. Hindi pamilyar sakin ang lugar na nakikita ko. Nakakainis. Korean ako tapos hindi ko kabisado ang Korea?

Sabagay, hindi pa naman ako nakakapunta dito eh. Anong magagawa ko? Hayyyy.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Ang daming tao, ang iingay nang mga sasakyan.

*Boggsh*

"A-Aray!" Daing ko sa sakit dahil natumba ako.

Ano ba 'yan? Lagi na lang ba ako may mababangga? Hindi ko matanggap!

"Minhae--- Mia?!"

That voice. Agad akong napatingin sa nakabangga ko. Tumibok nang sobrang bilis ang puso ko.

Finally, I saw him again.

"Mark... anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na may gulat parin sa aking mata.

Totoo ba 'to? Andito si Mark sa Korea? Kelan pa?

Tinayo nya agad ako at bigla nya akong niyakap nang mahigpit. Narinig ko rin ang pag-iyak nya. Sobrang na-miss ba nya ako?

"Akala ko hindi na kita makikita pang muli. Akala ko... akala ko mawawala ka na nang tuluyan sakin. Mia, mahal na mahal kita..."

"M-Mark..."

Bumitaw sya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabila kong balikat atsaka tiningnan ang mga mata ko. "Tumawag sakin si Yaya na dalawang araw ka na 'daw hindi umuuwi. Asan kaba galing?"

Napayuko ako. Should I tell Mark that I have been kidnapped? "W-Wala--"

"Tell me tha truth! San ka galing?!"

Napalunok ako. I guess I should tell him. "Na-kidnapped ako--"

"What?!"

Gusto ba nya ako mabingi? Sigaw nang sigaw akala mo wala ako sa harapan nya. -_______-

Bigla na naman nya akong niyakap. "I'm glad you're okay." Sabi nya.

"O-Okay lang ako... nakalaya na ako.." ngumiti ako sa kanya.

"Let's go to Yaya. Tinext nya sakin 'yung address. Sosyalin ka pala ha? Nakatira ka sa isang condo na pinaka-sikat na hotel dito sa Korea." Atsaka sya kumalas sa pagkakayakap at ngumiti sa akin.

"M-Mark.. ang totoo--"

"Halika na."

Bigla na lang nya akong hinaltak and to my suprise, nakita ko ang kotse nya. Inalalayan nya akong sumakay, how gentleman he is ^_^

Nag-drive na sya. Napaiwas ako nang tingin. Pano kung malaman nya na nakatira ako--- kami ni Yaya sa condo nang isang lalaki? Oa pa naman 'to.

"Na-miss kita." Biglang sabi nya na nagpatibok nang puso ko nang sobrang bilis.

"M-Mark..."

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon