Princess's Pov
Gabi na at tulog parin si Mia. Gigisingin na dapat namin sya ni Alyssa pero pingilan naman kami ni Mark.
"Hayaan nyo muna syang matulog, kailangan nyang magpahinga."
Yan ang sinabi samin ni Mark kaya hindi na namin ginising pa si Mia. Ang swerte ni Mia kay Mark.
Habang naglilibot-libot kami sa malaki't magadang mansion nina Mia ay narinig namin ang pag-tunog ng doorbell.
"May inimbita kabang bisita Mark?" Takang tanong ni Alyssa.
"Wala. Stay here, ako na lang ang mag-bubukas." Sabi nya samin at umalis na.
Tiningnan ko si Alyssa pero nagpatuloy lang sya sa paglalakad, sinundan ko naman sya.
Mark's Pov
"Magandang gabi po, sino po sila?" Tanong ko sa tatlong taong nakita ko pagka-bukas ko ng gate.
"I'm Mia's father. E ikaw, sino ka? At anong ginagawa mo sa mansion namin?"
Nabigla naman ako. Daddy ni Mia 'to? "Boyfriend nya po ako." Sagot ko na lang. "Pasok po--"
"Mayaman kaba iho?"
Napatingin naman ako dun sa babae. I think eto yung mother ni Mia. "Hindi naman po. Bakit po?"
"Hindi pa pwedeng mag-boyfriend ang anak ko, so please break up with her."
Magulang ba talaga ang mga 'to? Bakit ganito ang trato nila kay Mia?
"Nasa tamang edad na po ang anak nyo, and mahal ko naman po sya e. Hindi ko po sya sasaktan."
"Oh ano ngayon?"
Anong klaseng mga magulang 'to?
"Bakit po kayo ganyan kay Mia?"
Hindi ko na mapigilang mag-tanong. Curiuos na kasi ako, atsaka isa pa bakit ganito yung trato nila kay Mia?
"Pwede ba kami munang pumasok?"
"Opo.."
Naglakad na silang tatlo papasok, may batang babae pa silang kasama. Ni-lock ko na yung gate at sumunod sa kanila.
Pagkapasok naming apat ay nadatnan namin sina Princess at Alyssa ay nanonood sa sala.
"Sino kayo?" Tanong nitong mommy ni Mia. Mommy nga ba? Tss.
Umayos naman sila ng tayo.
"Ako po si Princess, kaibigan po ni Mia." Pagpapakilala ni Princess.
"I'm Alyssa, bestfriend din po ni Mia." Pagpapakilala naman ni Alyssa at nag-bow pa.
"Where is she? Where is Mia?" Mataray na tanong samin nung dad ni Mia.
"Nasa kwarto nya po, natutulog po sya." Sagot naman ni Princess.
May ibinulong yung mommy ni Mia dun sa batang babae at hinila na yung daddy ni Mia paakyat sa hagdan.
"Hoy kayo, follow me at the kitchen." Utso samin nung batang babae at pakendeng-kendeng na naglakad papunta sa kusina.
Kapatid ba 'yon ni Mia?
BINABASA MO ANG
Chat Love Story (Season 1)
Teen FictionSi Mia Dela Cruz ay isang babaeng bitter. Kapag nakakakita sya nang mga couples lagi nyang binubulong sa sarili nya na 'Walang Forever, maghihiwalay den kayo' yan ang lagi nyang sinasabi. May kaibigan naman sya, si Andrea Martinez. Pero magkaiba nam...