Chapter 44

719 33 1
                                    

Author's Note: Gusto ko sanang mabasa ang masasabi nyo kada-chapter. Hindi puro 'ud na miss a'. I want to hear you insight of this story.

***

Chapter 44

Mark's Pov

Hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Mia. Pwede na daw nya akong maging hubby? Pakshet, nakakabakla mang pakinggan pero kinikilig ako. Amputs!

Nakatitig lang ako sa mukha nya. Ang himbing ng tulog nya. Yup, katabi ko sya ngayon. Ayoko kasi na hindi ko sya makakatabi ngayon kasi bukas na ng umaga ang pag-alis sya dito sa States.

Kailangan nya pang mag-aral. Ako kasi 4th year highschool na at dito narin ako magka-collage.

Kanina nga ayaw nya pa pero nung sinabi kong makikipag-break ako sa kanya pumayag na.

Takot lang sakin ng babaeng 'to. Hinawakan ko ang kanan nyang pisngi, nakaharap sya sakin ngayon eh. Humihilik pa nga.

Hindi ko talaga alam sa isang simpleng hindi sinasadyang friend request, at sa pag-accept ko at sa pagcha-chat namin, nauwi sa pagmamahalan.

"I love you my baby." Sabi ko atsaka ko hinalikan ang noo nya at niyakap ko sya.

Mahal na mahal ko talaga ang babaeng 'to.

***

Gumising ako ng magaa para ipag-luto ulit si Mia ng champorado. Wala narin syang lagnat ngayon, ang galing ko talaga. Pwede na talaga akong maging hubby nya. Kilig si ako.

Utak: Lumalandi kana ngayon Mark?

Puso: Kay Mia lang naman yan ganyan. Hayaan mo na.

Napailing na lang ako sa pagaaway na naman ng puso't utak ko. Bahala na sila mag-away dyan. Nakakabakla man pero wala eh, mahal ko eh. At mainggit kayo. :P

"Wow, nagluluto ka pala ng champorado. Kaka-labas ko pa lang ng kwarto ko naamoy ko agad. Para sakin ba 'yan?"

Napatingin naman ako sa nagsalita. Napairap ako at nilagay na sa mangkok ang champorado. "Hindi 'to para sayo Hazel. Para kay Mia."

"Bakit? Hanggang ngayon ba may sakit parin sya? O nagpapa-awa lang?"

Natigilan ako at humarap sa kanya ng seryoso. "Mag-ingat ka sa sinasabi mo. O baka gusto mong umalis ng condong 'to."

"Wow ha? Ikaw na nga 'tong tinulungan ko ikaw pa ang ganyan? Edi paalisin mo. Kung gusto mo--"

"Pwes umalis kana."

"Nagaaway ba kayo?"

Napatingin kami agad kay Yaya na kakalabas lang ng kwarto nya.

"Hindi Ya. Wag mo na lang kaming pansinin."

Si Hazel ang sumagot at padabog na pumunta ulit sa kwarto nya.

"Nagaaway na naman kayo. Ano na naman bang problema?" Tanong sakin ni Yaya.

Nilagay ko sa lamesa ang niluto kong champorado at naupo na. Naupo din si Yaya pero sa harap ko.

Chat Love Story (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon