PROLOGUE

2.1K 26 0
                                    

Akala ko habang buhay na akong takot sa lahat ng bagay.....

Madaming nagsasabi na duwag daw ako, eh sa totoo naman. Ikaw ba naman yung taong ayaw pumunta sa zoo kasi takot sa mga mababangis na hayop; ikaw ba naman yung taong pag tapos manood ng horror eh sasabihin mo may nakikita ka kahit, na may nagpaparamdam sayo eh imagination mo lang pala un; ikaw ba naman yung taong makakita lang ng clown eh sasabihin mo killer clown lang kahit maskot lang naman.

Oh diba ang dami kong kinakatakutan pero ilan lamang yan sa mga iyon. Maraming bagay pa ang kinakatakutan ko hindi lang ang mga iyan.

Sa lahat ng mga bagay na kinakatakutan ko hindi ko kailan man sinubukan iconquer ito dahil takot nga ako eh, takot na takot kaya kahit pilitin ako sa huli wala pa rin silang magagawa dahil hindi nila ako kailan man mapapapayag.

Ngunit may isang tao akong nakilala at siya ang dahilan kaya naconquer ko ang aking mga kinakatakutan. Binago niya ako. Ginawa niya akong matapang sa mga kinakatakutan ko. May isa nga lang siyang hindi itinuro sa akin kung paano yun malalagpasan kaya nung naranasan ko na yun ay parang maguguho na yung mundo ko.

Ako nga pala si Sadie Penelope Villaflor Smith. In short Pene. 15 years old.

-----------------------------------------------------------

First time po namin gumawa ng story, and yes NAMIN 😂 haha sorry na po agad sa wrong grammars, sa mga errors, sa mga wrong spelling 😂 at sa mga iba pa po naming pagkakamali 😂 sana po magustuhan nyooooo. Salamattt

Written by TripleSwim
Alrights Reserved. Copyright 2017

Conquer My Fears With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon