CHAPTER 25: PAHIYA 101.1

413 7 0
                                    

JUSTINE's P.O.V

Hay umaga na! Ang aga kong nagising pano ba naman gusto ko ng magpaalam sa mga magulang ni Pene kung pwede akong manligaw. Nung tinanong ko si Pene syempre kahit pumayag siya kailangan pa rin mag paalam sa pamilya niya diba? Yun yung alam ko eh. Honestly, hindi pa talaga ako nakakaranas manligaw. Oo nagkaka crush ako pero hindi yung ganitong feeling na iba. Yung kay Kristen, oo nagustuhan ko siya pero hindi ko siya binalak na ligawan kasi gusto ko lang naman siya eh tsaka ang gusto niya nun si Yan-yan. Yung kay Pene hindi ko lang siya gusto, oo totoo yun. Mahal ko siya yun yung nararamdaman ko. Kaya pupunta ako ngayon sa bahay nila para magpaalam sa pamilya niya.

Naligo na ako at nag bihis. I wore Black pants, white polo shirt and black leather jacket. I also wore my black with white low cut vans. Malamig kasi ngayon kaya naka jacket ako. Okay na siguro to diba? Wala kasi akong alam sa fashion eh. Haha!

Bumaba na agad ako at dumeretso agad sa kotse ko. Hindi na ako kumain kasi kailangan maaga ako baka mamaya wala na yung parents niya dun eh. Kinakabahan na ako as in! Nakakabakla man pero alam kong normal lang to!

Dumeretso ako sa flower shop para bumili ng flowers. Syempre ano pa bang binibili dito? Haha!

"Ahm ate 2 boquet of mixed color tulips po." Sabi ko. Agad-agad namang umalis yung nagtitinda para kumuha ng binibili ko. Maya-maya pa ay bumalik na siya dala-dala yung mga binili ko.

"Sir eto na po oh. Gusto niyo pong lagyan ng letter?" Tanong niya. Hmm? Kung lalagyan ko ng letter ano namang ilalagay ko? Ah alam ko na!

"Sige po ate then pakisulat nalang po itong mga word na to." Sabi ko. Secret muna kung ano yun malalaman niyo rin mamaya! Haha!

"Sir eto na po oh. Ang sweet niyo naman po. Magugustuhan po yan ng pagbibigyan niyo." Nakangiti niyang saad.

"Sana nga po! Salamat po ah!" Sabi ko at nginitian ko rin siya. Umalis na rin ako dun kasi anong oras na.

Nag ddrive na ako papunta sa kanila. Shet! I'm so nervous! Anong sasabihin ko sa kanila? Ma'am, Sir! Can I court your daughter? or "Good morning Ma'am, Sir! Can i court your daughter?" or "Hi Ma'am,Sir! I would like to ask you something po, Can I court your daughter?" Shete naman! Ganito ba talaga nararamdaman mo pag manliligaw ka tapos haharap ka sa mga magulang ng nililigawan mo? Mas doble pa yun kaba kesa yung tinanong mo yung mismong nililigawan mo eh!

Wala pang 15 minutes ay nandun na ako. Bumaba agad ako ng kotse ko at kumatok sa pintuan nila. Maya-maya pa ay binuksan yun ng mama niya. Whooo! Kaya mo yan JB! Para kay Pene!

"Good morning Ma'am! Flowers for you po! May i talk to you and to your husband po?" Sabi ko. Shete! I feel nervous!

"Ijo napaka pormal mo naman! Tita Flor nalang ang itawag mo sakin. Salamat pala dito sa flowers ah. Sige sandali lang tawagin ko lang siya. Come in! Feel at home." Nakangiti niyang wika. Grabe ang bait ni Tita Flor parang si Pene at take note hindi lang mabait, maganda din. Alam ko na kung saan siya nagmana.

Habang hinihintay ko sila Tita at Tito ay tinext ko muna si Pene.

To Mrs. Teddy Bear Ko:

Good morning Beautiful! Wake up na po! Andito ako sa baba. Baba ka na po. :)

From Mrs. Teddy Bear Ko:

What are you doing there? Ang aga pa eh! Hindi pa ako nakakaligo! By the way Good morning din.

Haha! I found it cute whenever she will be curious about her self.

To Mrs. Teddy Bear Ko:

Conquer My Fears With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon