JUSTINE's P.O.V
Paano na yan? Galit saakin si Pene? Kailangan ko bang mag sorry? Pero totoo naman ung sinasabi ko ah. Layuan niya na si Ian kung ayaw niyang masaktan. Pinapaikot lang naman ni Ian un eh. Katulad ng ginawa niya kay Kristen. Pero lahit na kailangan ko pa rin mag sorry. Nasaktan ko si Pene eh.
Sakto nakita ko na siya..
"Pene!" Tawag ko. Bakit ganun ayaw niya mag salita? Hala.. Nakoo galit parin siya sakin. Hmm.. Mag so sorry na ako. "Pene! Gusto ko lang sana-" Hindi niya na ako pina tapos nag salita agad siya.
"Pwede ba Justine! Kung sisisraan mo lang si Ian saakin, wag ka na mag salita. Okay?! Hmp!" Tumalikod na siya saakin.
Hala siya! Hindi naman yun ung sasabihin ko ah. Ako na nga mag so sorry eh huhu. Paano na? Tss.. Mag so sorry ulit ako sakanaya mamaya. Pasok na nga ako sa classroom, baka nandun na siya. Tapos mag so sorry ulit ako..
Pag pasok ko tama nga ako nandun na si Pene. Dahil magkatabi kami umupo ako sa tabi niya. Hindi niya parin ako pinapansin huhu.
"Pene.. Ah ung kanina? Hndi ko sisiraan si Ian sayo. Gusto ko lang sana-" Bungad ko. Hindi niya ako pinatapos nag salita na naman agad siya. Ano bang problema niya? Hmm..
"Gusto mo lang sana na layuan ko si Ian para hindi na ako masaktan kasi papa ikutin niya lang ako haha. Hndi ba JB?" Tanong niya. Tinaasan niya pa ako ng kilay. Hindi naman talaga yun eh. Bad Pene. Huhu.
"Ah? Hindi yun Pene." Sagot ko. Hindi naman talaga ah? Tss.
"Eh ano? Na hindi na ako manood ng basketball niya bukas? No way! Hmp!" Tinarayan niya pa ako. Aba wala pa nga akong sinasabi ah? Baliw ba tong babaeng to. Mga babae naman talaga abnoy Hmp!
"Pene.. Patapusin mo muna kasi ako-" Sabi ko. Aba kasasabi ko palang na patapusin muna ako sumabat na naman siya. Aish!
"Para saan pa? Bakit kita papatapusin kung masasaktan lang ako sa sinasabi mo tungkol kay Ian ha JB?" Tanong niya. EH HINDI NAMAN KASI NGA UN UNG SASABIHIN KO EH HAYST! Okay Clam down JB, Calm down. Napa buntog hiniga nalang ako.
"Pene.. Hindi naman ito tungkol kay Ian eh." Sabi ko.
"At kanino naman ha?!" Galit na tanong niya. Babae talaga na to hindi pa nga nalalaman magagalit na agad hayy!
Mag sasalita palang sana ako pero dumating na ung teachet namin. Aish! Wrong timing naman Tss.
"Kasi JB kung hindi importante sasabihin mo. Wag mo nang ituloy yan tuloy dumating na si teacher haha. Ayaw ka talaga pagsalitain tungkol diyan sa sasabihin mo haha." Mataray niyang sabi. Aish! Mag so sorry na nga eh Psh!
"Mag so-" Hindi niya na namn ako pinatapos. Anak ka talaga ng nanay mo whoa! Hmp.
"Shhh.. Ang ingay mo! Mapagalitan pa ako dahil sayo eh." Saad niya. Edi kung ayaw ko edi wag. Ako nga tong nagmamagandang loob na mag sorry, tapos magagalit ka pa. Tss.
BINABASA MO ANG
Conquer My Fears With Him
Teen FictionSaan ka nga ba nakakita ng taong halos lahat kinakatakutan? How will I conquer my fears when I am always afraid of everything? Sabi nga nila "Kaya mong gawin lahat ng mga bagay na gusto mo at kung pipilitin mong kayanin." But how will I do it if I h...