SADIE's P.O.V
Hayy! Dapat kasi hindi ko na pinatagal yung away namin ni JB eh yan tuloy nagmamadali ako ngayon pumunta sa National Book Store para bumili ng mga kakailanganin sa pag gawa ng banner. Pene naman kasi eh! Pakipot pa! Ano ka ngayon? Edi walang mag chicheer kay JB kung hindi mo nalaman? Si Arlene lang ganun? Papromise promise ka pa kay JB na sa tuwing may event siya manonood ka at gagawa ng banner! Hay Sadie! Kita mo nag rarush ka ngayon! Hay nako, bahala na si Cookie Monster basta kailangan ko ng makapunta agad sa National.Pag dating ko sa National Book Store ay agad agad kong kinuha yung mga kakailanganin para sa paggawa ko ng banner.
Nang makuha ko na lahat ay binayaran ko na sa counter tsaka ako nagmamadaling umuwi.
Pag uwi ko ay kumain muna ako at nag-iisip kung anong disenyo ang gagawin ko hanggang sa maisipan kong gumawa ng taong lumalangoy at sa baba niya may naka sulat na "Go Justine Blake Delos Reyes!!" Yan ang naisip ko tapos pipili nalang ako ng mga pictures niya sa fb para sa pang gilid na designs.
Ala-una na ako nagsimula dahil nagprint at nanood pa kami ng movie sa baba.
Sinimulan ko ng gumuhit ng taong lumalangoy at kinulayan ko ito gamit ang marker. Ginupit ko na din yung mga pictures niya na prinint ko tsaka ko ito idinikit.
Pag tapos kong gawin yung banner ay niligpit ko lahat ng kalat ko. Pag tibgin ko sa orasan ko alas tres na. Huhu! Sana magising ako ng maaga bukas. Ay alam ko na! Mag-aalarm nalang ako ng 8 o'clock. 5 hours nalang tulog ko. Huhu! Pero ok lang yan basta makapunta lang ako dun sa event ni JB. Susunduin naman ako ni Arlene bukas eh kaya kung hindi ako nagising siya yung gigising sakin. Hehe! Hay makatulog na nga! Inaantok na ko.
*Kriinnggg*
"Hello?" Sagot ko sa tawag habang unti-unti kong minumulat yung mata ko. Hindi ko na tinignan kung sino yung tumawag basta ko nalang itong sinagot.
"Ano na SADIE PENELOPE VILLAFLOR SMITH?! Hindi ka pa ba babangon?! 8:30 na oh! Malelate na tayo!" Sigaw ni Arlene sakin sa kabilang linya.
Bigla naman akong natauhan at bumangon agad ako sa kama ko at naghanap ng maisusuot."Arlene jusko sorry! Sorry talaga! Maliligo lang ako then aalis na tayo. Asan ka na ba?" Tanong ko.
"Nandito sa baba ng bahay niyo! Kanina pa kita tinatawagan buti nagising ka na. Bilisan mo Pene!" Sigaw niyabsa kabilang linya tsaka binaba yung call.
Agad-agad akong naligo at nag bihis. Wala pang 15 minutes ay natapos na ako at bumaba na bitbit yung banner at bag ko para makaalis na kami ni Arlene.
Pagkababa ko ay nakita ko si Arelen na kumakain sa kusina kaya nakikain nalang din ako. Wala pang 5 minutes ay tapos na kaming kumain.
Quarter to 9 na kami umalis ng bahay. Huhu! Sana maabutan ko pa si JB. Hay Sadie chill! Wag mong istressin yung sarili mo!
Habang nasa kotse kami ni Arlene.
"Pene bakit ang tagal mo magising?" Tanong sakin ni Arlene.
"Eh kasi gunawa pa ako ng banner para kay JB kaninang ala una hanggang alas tres ng madaling araw. Nangako kasi ako kay JB dati na pag may event siya lagi ko siyang ichicheer tapos gagawa ako ng banner kaya ayun napuyat ako." Pagpapaliwanag ko.
"Yiieehh! So pano ba yan? Pag dating natin dun makikipag bati ka na kay JB?" Tanong niya sakin.
"Oo makikipag bati na ako." Sagot ko.
"Bilisan mo nalang mag drive pwede? 9:00 na oh! Late na tayo!" Pasigaw na sabi ko sa kanya.
"Wow ha? Sino kayang late na nagising satin?" Nang-aasar na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Conquer My Fears With Him
Novela JuvenilSaan ka nga ba nakakita ng taong halos lahat kinakatakutan? How will I conquer my fears when I am always afraid of everything? Sabi nga nila "Kaya mong gawin lahat ng mga bagay na gusto mo at kung pipilitin mong kayanin." But how will I do it if I h...