SADIE's P.O.V
Magandang buhay Cool High!!!! Ang astig naman ng pangalan Cool High parang kulay siguro magbibigay to ng kulay sa aking mundo hehe. Hay sana maging mabait sakin yung mga tao dito kasi mabait naman ako.Makapunta na nga lang sa classroom ng hindi ako malate.
Asan na ba ung classroom ko? Napakalawak kasi nitong paaralan na ito eh. 9-J saan ka ba nakapuwesto ha? 9-C palang ito eh hay nako naman. Ang hirap talagang maging transferee.
"ARAY" Pagrereklamo ko. Paano ba naman nagkauntugan kami ng lalaking nasa harap ko sa noo. Kung minamalas ka nga naman oo. Hay buhay anong oras na! "Sorry po Kuya,pasensya na po kayo. Hinahanap ko po kasi yung section ko eh." Pagpapaumanhin ko. Sana naman mabait tong lalaking nakabunggo ko.
"Ah hindi ayos lang pareho naman nating kasalanan ito eh kasi pareho tayong hindi tumitingin sa dinadaan natin." Hay thank you Lord at mabait siya. Akala ko masungit eh nakakunot kasi ung noo niya kanina. "Ano bang section mo?" Tanong niya sa akin. Sasabihin ko ba sa kanya? Baka ligawin niya lang ako eh. Dibale mukha naman hindi niya ako liligawin kaya mabuti pang sabihin ko na.
"Ahm 9-J po" Saad ko tsaka ko siya nginitian.
"Oh eh 9-J din ako eh, so ano? Tara?" Tanong niya. Sasama ba talaga ako sa kanya? Baka hindi naman talaga siya 9-J. Hays bahala na nga sasama nalang ako kaysa malate pa ako.
*Habang naglalakad kami*
"Ahm miss ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya sa akin.
"Ako nga pala si Sadie Penelope Villaflor Smith in short Pene. Ikaw?" Tanong ko
"Ako naman si Justine Blairre Gomez Reyes in short JB." Sabay abot niya ng kamay sa akin kaya inabot ko na din yung akin baka sabihin niya pa na wala akong manners eh.
Pagpasok namin ng room wala pa yung teacher namin pero grabe yung ingay ng mga kaklase namin parang elementary palang. Hay nako!
"Tabi nalang tayong umupo doon oh sa malapit sa bintana, ikaw dun sa may malapit sa bintana." Sabi sakin ni JB.
"Ah sige. Sure ka ba na gusto mo kong makatabi? Baka kasi makulitan ka sakin. Hehe" Sabi ko. Tumawa lang siya ng mahina tsaka kami naupo sa pwestong sinasabi niya. Makulit talaga ako pero hindi as in yung makulit na makulit yung para bang pag ayoko ng subject na yun kukulitin ko yung katabi ko para mabuhayan ako hehe. Wag niyo po akong tularan.
BINABASA MO ANG
Conquer My Fears With Him
Teen FictionSaan ka nga ba nakakita ng taong halos lahat kinakatakutan? How will I conquer my fears when I am always afraid of everything? Sabi nga nila "Kaya mong gawin lahat ng mga bagay na gusto mo at kung pipilitin mong kayanin." But how will I do it if I h...