CHRIS's P.O.V
Ano bang nangyari dito kay Pene? Nakipag away na naman ito! Hayst! Shempre bilang kuya kailangan ko siyang ipagtanggol pero yung kanina hindi ko na pinatulan yung mga yun dahil mas kailangan ni Pene na pumunta na ng clinic atsaka isa pa mga babae yun. Hindi naman ako bakla para patulan sila. Pero kung para naman sa Baby Mams ko, gagawin ko!
"Kuyaa—" Pinutol ko na agad ung sasabihin niya.
"Shh.. Pwede ba Penelope, wag ka muna mag salita! Kagagaling mo lang nang away! Nanghihina ka na!" Pagpipigil ko.
"Ah.. K-kuys C-Chris uhmm.. S-sorry p-po k-kasi h-hindi k-ko na p-protektahan si P-Pene." Pagpapaumanhin ni Elle.
Oo kilala ko na yung mga kaibigan ni Baby Mams kasi madalas niyang ikwento sa amin ang mga ito tuwing kumakain kami ng gabihan.
"No need Elle. Dapat nga mag thank you ako kasi kundi dahil sayo baka patay na tong kapatid ko. Hahahaha!" Sambit ko.
"Grabe ka naman kuya!" Galit na sabi ni Pene.
"Oh bakit hindi ba? Hahahaha! Hindi ka kasi marunong lumaban! Marunong ka lang makipag sagutan! Diba? Hahahaha!" Pabirong tanong ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin habang si Elle naman mahinang tumatawa.
Nangmakadating na kami sa clinic..
"Ah Elle.. Una na ako.. Eexcuse ko muna kayo sa teacher niyo kaya wag muna kayong umalis diyan hanggat hindi pa okay tong *tumingin ako kay Pene tapos tumawa ng nakakaloko*"
"Ano kuya?!" Galit na tanong ni Pene.
"Hindi pa nga ako tapos ah? Sabi ko tong kapatid kong ungg— ayy este kapatid kong babae. Yun! Hahahaha!" Palusot ko naman. Tinignan naman ako ng masama ni Pene habang ako naman nakangisi ng nakakaloko sa kanya. "Sige na una na ako. Bye!" Paalam ko saka umalis na sa clinic.
Dumeretso na ako sa classroom nila Pene para ipaalam sila. Tinanong ko yung isa nilang classmate kung sino yung next teacher nila kaya pumunta agad ako dun sa teacher para ipaalam sila. Nang pumayag na yung teacher, may 15 minutes pa naman para mag break kaya pumunta ako sa canteen. Kumain agad ako. Habang kumakain naman ako may nakita akong nag kakaguluhan duon sa may bandang dulo.. Hinayaan ko nalang yun tutal mabait naman ako tsaka hindi naman ako tsismoso kaya umalis na ako para pumunta sa classroom ko.
BINABASA MO ANG
Conquer My Fears With Him
Teen FictionSaan ka nga ba nakakita ng taong halos lahat kinakatakutan? How will I conquer my fears when I am always afraid of everything? Sabi nga nila "Kaya mong gawin lahat ng mga bagay na gusto mo at kung pipilitin mong kayanin." But how will I do it if I h...