Chapter 17: BONDING

304 5 0
                                    

JUSTINE's P.O.V.

Ngayon alam ko na kung bakit natatakot si Pene. Siguro na trauma siya dahil duon. Kaya hindi ko na siya pipilitin.

"Oh. Ano nang papanoorin natin?" Tanong ko.

"Hmmm.." *isip isip* "Ikaw? Ano gusto mo? Wala akong maisip eh." Tanong niya pabalik.

"Parang wala din akong maisip eh. HAHAHAHAHA." Sagot ko.

"Sige wag nalang tayong manood haha. Ano nalang gusto mong gawin?" Tanong niya.

"Hoy Pene! Anong gawin? Bata pa tayo noh. Alam ko naman na patay na patay ka saakin pero bawal pa ako. Kung gusto mo talaga ako maghintay ka." Pagbibiro ko. Gulat na gulat naman siya sa sinabi ko.

"FYI Justine Blake Gomez Delos Reyes! Ang dumi ng isip mo ah! Kung ano anong sinasabi mo!" Sambit niya.

"Paano ba linisin? May brush ka ba diyan?" Pabirong tanong ko.

"Ewan ko sayo. Baliw ka na talaga eh." Sabi niya.

"Baliw na baliw sayo." Pagbibiro ko ulit. Sabay kindat haha.

"Ha?" Tanong niya.

"Napaka mo! Hindi ka mabiro! Bakit gusto mo ko noh? Ayiee! Aminin. Ang pogi ko talaga." Pangaasar ko.

"At sino naman nasabi? Ang kapal ng mukha mo ah." Tanong niya. Sarap palang asarin ni Pene haha.

"Ako, Mommy ko tska daddy ko pati ung fans ko sa swimming." Sagot ko naman.

"Kung sila sinasabihing pogi ka, ako sinasabi ko napaka panget mo!" Sambit niya.

"Kaya pala!" Sabi ko. "Kaya pala gustong gusto mo akong yakapin kagabi." Pabulong na sabi ko.

"Ano?!" Galit na tanong niya.

"Ah? Wala. Sabi ko nga diba hindi na ako pogi, pero para sayo lang. Hahaha." Palusot ko naman.

"For your information, hindi ako bingi para hindi marinig ung sinabi mo kanina. Tska isa pa wala lang naman akong choice kaya ikaw ung kayakap ko eh. Ang malas ko nga kasi hindi ko nagising si Yan-yan eh. Sana siya nalang nayakap ko." Saad niya.

Conquer My Fears With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon