SADIE'S P.O.V
"Ms. Smith. I'm sorry but-" Napahinto muna siya at umiiling habang naka tingin sa ginawa ko.
Aish! Nakakainis na. Ginawa ko naman lahat ng best ko para dun ah? Pinag hirapan ko yun. Pinag puyatan ko. Ginawa ko yun galing sa puso ko. Tapos ano?! Ayaw niya na naman. Hay nako namang teacher na ito. Lahat ng effort ko ginawa oo na pero ano? Ano?! Ayaw pa din niya! Ganyan siya eh. Huhu. Galing ko umarte noh? Panis ka diyan. Wala ka pala eh. Teka sino ba kinakausap ko? Hala ka. Nababaliw na ako. Huhu pero kinakabahan talaga ako sa sasabihin ni Sir.
"Ah? Sir? Ano po? Okay lang po ba yan?" Tanong ko naman.
"Im sorry but-" Hindi ko na siya pinatapos kasi alam ko na patutunguhan niyan. Palagi naman eh huhu. Ayy joke hihi.
"Okay lang po sir. Gagawa nalang ako ng bago." Sabat ko naman.
"Ah? Hindi Ms. Smith. Ang ibig kong sabihin sorry kasi napunit ko ung nagustuhan kong ginawa mo." Pagpapaliwanag niya. Sh*t oo nga. Napunit niya kaya pala kanina pa siya parang kinakabahan. Huhu. Paano na? Wag mong sabihing gagawa na naman ako ng bago. Aish! "Pero wag ka mag alala, maganda naman eh okay na yan." Dag dag niya pa.
Buti nalang na gustuhan niya. For the first time in my life. Salamat naman at may nagustuhan din siyang ginawa ko kasi dati palagi nalang ayy medyo kulang lagyan mo ng blah blah. Nakakainis lang kasi maarte siya palaging may kulang o di kaya ayaw niya kaya first time na okay na sakanya ung ginawa ko hihi. Tska ung punit okay lang naman. Hayaan mo na. Yung nagustuhan niya ung pinili din namin ni JB.
"Ah? Sige po Sir." Sagot ko.
Yes! Hindi na ako gagawa ng bago hihi. Kelan kaya ako mag de design? Umpisahan ko na ba ngayon? O bukas na? Kasi sa isang araw na teachers day eh. Aish! Nagyon na nga para hindi na ako mahirapan bukas uumpisahan ko na nga.
Umuwi na kaya si Elle? Ayts! Umuwi na ata siya eh kaya ako gagawa neto mag isa huhu.
Unumpisahan ko nang gawin ito.
"Lalalalalalala..." Ganyan ako pag walang kausap para hindi ako masyadong ma bored. Minsan kumakanta pa nga ako eh. Ayts! Wala naman sigurong masama kung kakanta ako diba? Wala naman na yatang tao dito haha.
[Now playing: Pagsuko by Jireh Lim]
Kakanta nalang ako. Ano pwede? Pagsuko nalang. Sige na un nalang.
"Maari ba muna natin tong pagusapan
Sa dami-rami na ng ating pinag daanan
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko
Ang lahat ng ating pinag samahan
Masikip sa damdamin hinigop ng hangin
Ang lakas, pinag hihinaan ng wagas
Pwede bang pag isipan wag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay masalba pa..""Ano na bang sunod duon? Ayts nakalumutan ko na. Ano ba yan huhu." Tanong ko sa sarili ko. Halos nakalahati ko na rin ung ginawa ko dito kaya maya maya lang uuwi na rin ako.
"Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati.."Nagulat nalang ako nang may kumanta rin. Hala may tao.. Ibig sabihin.. Hala may nakarinig saakin habang kumakanta ako. Sh*t! At sino naman ito? May multo kaya huhu.
BINABASA MO ANG
Conquer My Fears With Him
Teen FictionSaan ka nga ba nakakita ng taong halos lahat kinakatakutan? How will I conquer my fears when I am always afraid of everything? Sabi nga nila "Kaya mong gawin lahat ng mga bagay na gusto mo at kung pipilitin mong kayanin." But how will I do it if I h...