SADIE's P.O.V
Habang nasa canteen kami ay hinihintay namin si Justine ni Ian dahil siya yung nag volunteer na bumili ng pagkain namin.
"Ahm Sadie?" Tawag sakin ni Ian. Wait what?! Ian?! Kyaaahh!!! Tinawag ni My Loves yung pangalan ko!!! Wahh I'm so kininilig na hear!!
"Oh ba-bakit I-Ian?" Nauutal na tanong ko. Ano ba naman yan Sadie umayos ka na nga baka maturn off sayo si Ian kasi nauutal ka!
"Pwede ba kitang maaya?" Tanong niya. MAAYA?! Kyaaahhh!! Maaya daw!! Sheteng kalabaw kinikilig na ako!!! Ok Sadie chill! Chill Sadie, chill!
"Ah ano, Saan ba?" Tanong ko. Sana naman wag sa mga lugar na kinakatakutan ko.
"Gusto sana kitang ayain manood ng laro namin sa Sabado, dito sa school natin." Sabi niya. Kyaaahhh!!! Grabe one of my dream ko na ito ang mapanood ng laro nila sa basketball. Excited na ako!!! Hihi! Kailangan ko ng gumawa ng banner at ihahanda yung boses ko sa pag chichieer hihi.
"Ah eh sige, oo papayag ako" Nahihiyang sambit ko.
"Guys andito na yung pagkain!" Sabi ni Justine sabay upo sa tabi ko. Nasa harap ko kasi si Ian tapos may bakanteng upuan sa tabi ko.
Nang biglang....
"Dude! Ano ba yan?! Bat mo ko tinulak?!" Naiinis sa tanong ni Justine kay Ian.
"Eh kasi dapat ako yung katabi ni Sadie!" Sagot ni Ian. Wait what?!
Dapat ako yung katabi ni Sadie.
Kyaahhh!! Ian my loves tama na pagpapakilig sakin! Pag ako naihi dito ah. Hehe
"Psh! Ang arte mo dude! Pwede namang sa harap mo lang siya!" Naiinis na sabi ni Justine sabay umupo na siya sa may harap ko.
Maya-maya lang ay tumunog na yung bell kaya napagpasiyahan namin na bumalik na sa room.
Nauna na kami ni Justine kasi nag CR pa si Ian.
"Pene!" Tawag sakin ni Justine.
"Oh bakit JB?" Nagtatakang tanong ko.
Pwede bang wag kang masyadong lumapit kay Ian?" Sabi niya.
"At bakit ko naman gagawin yun aber? Ok nga yun diba kasi napapalapit ako sa crush ko! Tsaka manonood pa ako ng game nila sa Saba---" naputol yung sinasabi ko ng biglang nagsalita si Justine
BINABASA MO ANG
Conquer My Fears With Him
Teen FictionSaan ka nga ba nakakita ng taong halos lahat kinakatakutan? How will I conquer my fears when I am always afraid of everything? Sabi nga nila "Kaya mong gawin lahat ng mga bagay na gusto mo at kung pipilitin mong kayanin." But how will I do it if I h...