"Hindi ka na ba talaga magtitino Lexus, malapit na akong mapuno, hindi ko na kakayanin pa na pag-takpan ka sa ating mga magulang! Tumutulong ka nga sa pagpapatakbo ng business natin pero hindi ka pa rin tumitigil sa pambabae mo. Hindi ka ba natatakot sa mga pinag-gagagawa mo, paano kung makakuha ka ng sakit sa mga babaeng yan, hindi ka ba naawa kila mama at papa, lalo't higit diyan sa sarili mo! ".
Mahabang litanya ni Audi, ang nakatatandang kapatid ni Lexus. Limang taon ang agwat ng edad nila. Malapit sila sa isat-isa nuong maliliit pa sila, nagbago lang iyon nang sila ay mag-binata na.
"Don't worry big bro, malayong mangyari yan, alam ng mga babaeng yan na sex lang ang gusto ko sa kanila." Nakangising sagot ni Lexus.
"Siguraduhin mo lang, ayusin mo yang sarili mo, hindi ka na bata. At ito pakatatandaan mo, huwag na huwag kang magdadala ng babae dito sa bahay kung wala kang planong pakasalan."
"Okay bro, wala na ba?" Nakakalokong ngisis ni Lexus.
"At sa codo, wag ka rin magdadala ng mga babae mo!"
"Bro naman! Aba ay saan na ako magpapakaligay?"
"Bahala ka! Or just stop that addiction of yours!"
"Shit! Bulong na lang ni Lexus.
"And Lexus, we will have a meeting with the Boards today. Be there at exactly nine o' clock."
"Whatever..."
Si Lexus, mabarkada, at mapaglaro lalong lalo na pagdating sa mga babae. Kulang na lang ay mabansagang "sex maniac" dahil sa paiba-ibang babae ang nakakarelasyon sa maigsing panahon. Kahit kakikilala pa lang ay naikakama na agad ni Lexus.
Si Audi sa kabilang banda, palibhasa sya ang panganay sya ay seryoso, at responsable. Sa edad na trenta ay hindi pa nagkaka girlfriend.Parehong magandang lalaki ang magkapatid, parehong habulin ng babae. Si Lexus nga lang ang sinamantala ang biyayang ipinagkaloob sa kanila.
Sila nang dalawa ang nagpapatakbo ng kanilang negosyo, ang Dela Costa Hotel, Resorts and Restautants na may sangay sa ibat-ibang lugar ng bansa. Ang mga magulang nila ay paalis-alis na lang para magbakasyon o bumisita sa mga kamag-anak at kaibigan na nasa labas ng bansa.
______________________________________
050817
BINABASA MO ANG
The Rape of Camry
RomanceCamry ... Inosenteng Probinsyana Lexus ... Sex addict ... Sex maniac Posible ba na umibig ka sa taong sa iyo ay nag samantala?