Second years old ng kambal.
Second year college na si Camry.
Sobrang busy na ang dalaga sa pag-aaral, bihira niya na maasikaso ang dalawang bata. Puro project at research na ang ginagawa niya, individual man o by group. May time pa na lumalabas siya para lang mag gather ng research at interview na rin sa mga successful businesses/businessman.
Naghanap din siya ng mga negosyanteng bumagsak ang negosyo para lang ma-interview. Umuuwi siya ay gabi na pagod na pagod. Tulog na ang kambal pag dadating niya, bihira na rin silang magkita ni Lexus, sa phone na lang sila madalas magkausap.
Minsan nadatnan siya ni Lexus na tulog nang nakasub-sob sa study table, binubuhat na lang siya ng binata para ilipat sa kanyang higaan. Kahit weekend wala din sa penthouse si Camry, minsan ay kasama ang mga ka-grupo para gumawa ng project. Meron silang Marketing Research na ginagawa. Pag konti lang ang trabaho ni Lexus siya ang nagaasikaso sa kambal, katulong ang dalawang yaya. Minsan hinahanap na ng kambal ang kanilang ina, inaalo na lamang ito ni Lexus sa pamamagitan ng pamamasyal sa parke o mall.
Isang gabi na umuwi si Camry, nadatnan niya pa si Lexus sa penthouse, o sadyang hinintay siya ng binata para makausap na rin.
"Baby, masyado mo nang pinapagod ang sarili mo"
"Sorry JL, ayoko kasi na magkaroon ng bagsak, ayoko na may mabalikan ako na subject, late na nga ako di ba." Paliwanag ng dalaga.
"Kaya naman ganiyan ang ginagawa mo, halos wala ka nang pahinga, konti na lang ang itinutulog mo. Alagaan mo rin ang sarili, mas mahihirapan ka pag ikaw ang nagkasakit"
"Sorry, kumusta ang kambal?" Naupo sa tabi ni Lexus ang dalaga.
"Lagi nagtatanong kung nasaan ka. Miss ka na nila. Miss na din kita" inakbayan ng binata si Camry, sabay halik sa gilid ng ulo nito.
"Babawi ako bukas, wala akong pasok at wala ako'ng pupuntahan, kung gusto mo, mamasyal tayo kasama ang kambal" nakangiting sambit ni Camry na nakatitig kay Lexus.
"Talaga baby, free ka bukas? Tamang tama, wala naman ako appointments bukas" malaki ang ngiti na turan ni Lexus. "Pwede dito na ako matulog... Para maagap tayo na makaalis bukas?"
"Pwede naman, katabi ng kambal."
"Baby... Please, ikaw ang gusto ko na katabi... Tatabi lang ako, tutulog lang, wala na'ng iba... Please baby" samo ni Lexus.
"Hmm... May damit ka ba dito?"
"Meron, nasa sasakyan. Next time magdadala na ako... ng marami"
"JL! Umuwi ka na!" Sabay tayo ni Camry papasok na sa kwarto niya. Humabol naman si Lexus.
"Baby, pumayag ka na, di ba... huwag mo na'ng bawiin, please"
"Nag oo na ba ako?"
"Hindi pa" si Lexus, nakangiti na napapakamot sa kaniyang batok.
"Okay, kunin mo muna damit mo sa sasakyan, hihintayin kita dito" bumalik sa sala at naupo sa sofa si Camry.
Agad na lumabas ang binata para kunin ang kanyang mga gamit sa sasakyan.
"Yesss!" Tuwa pa na sambit ni Lexus.
Maya maya ay nakabalik na ang binata. Sabay silang pumasok sa kwarto ng dalaga.
"JL ha, usapang matino... Tulog lang!"
"Yes, Camry baby"
"Huwag mo ako'ng ire-rape at itutuloy ko na ang pag-demanda sa 'yo!"
"Baby naman, nagbagong buhay na 'ko"
"Okay, shower lang ako"
Pagkatapos ni Camry mag shower si Lexus naman ang pumasok sa banyo. Natulog sila na nakayakap ang binata mula sa likuran ng dalaga.
Kinaumagahan, maagang pinaghanda ni Camry ang mga yaya ng mga gagamitin ng kambal.
"Good morning kids" halik ni Lexus sa kambal. "Papasyal tayo, kasama na si mommy."
"Yipeee" sabay na sigaw ng kambal.
Ipinasyal nila ang kambal sa ocean park. Nag mall na rin at namili ng bagong gamit, damit at laruan para sa kambal. Pinaglaro na rin nila ang kambal sa Kiddie Corner na nasa mall. Nakaalalay naman ang dalawang yaya. Nakabantay lang ang dalawa sa labas at nakaupo magkaharap sa mesa na pangdalawahan na nasa waiting area.
"Baby salamat" matiim na nakatingin ang binata kay Camry.
"Para saan?"
"To let me sleep beside you" nakahawak na siya sa kamay ng dalaga at nilalaro laro ito.
"Maliit na bagay"
"Para sa akin malaking bagay na iyon. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na makatabi ka sa pagtulog at makayakap sa buong magdamag... I can't explain the feeling."
Matapos ang oras ng laro ng kambal ay kumain lang muna sila at umuwi na sa penthouse. Nilinisan lang at binihisan ni Camry ang kambal ay nakatulog na agad ang kambal pati na rin ang dalawang yaya. Si Lexus at Camry naman ay nasa sala pa.
"Baby, hanggang kelan ang project at research ninyo?"
"Before final exam, tapos na namin yun. Bakit mo naitanong?"
"Ako ang nahihirapan sa 'yo, lalo na tuwing nadadatnan kita na nakaka-tulugan mo na ang mga ginagawa mo."
"Konti na lang naman na, ipa-finalize na lang namin, then yung written report na lang iko-compile and last na yung defense."
"Well, alam ko naman na malalampasan mo yan, galing mo kaya"
"Salamat, matiyaga lang. Gusto ko lang talaga maka-graduate na walang bagsak, para kila nanay at tatay at sa kambal. Hindi ka pa ba uuwi, late na."
"Aww, itinataboy mo na ako. Pwedeng dito ulit matulog. Patabi ulit, baby."
"JL, umaabuso ka... " nakairap na sambit ni Camry
"Baby, maligaya na ako dun, wala pa naman pasok bukas eh"
"Okay, fine! Matulog na tayo, nakakapagod din yun kanina. At nakakapagod na nakakaantok din ang makipag-usap sa makulit! "
"Thank you baby, muaàhh. "
___________________________
BINABASA MO ANG
The Rape of Camry
RomanceCamry ... Inosenteng Probinsyana Lexus ... Sex addict ... Sex maniac Posible ba na umibig ka sa taong sa iyo ay nag samantala?