"Anak, Lexus, mga apo, naito na ang buko salad, kumain na muna kayo, nakalimutan nyo na ito buti at naalaala ko. Sobrang nalibang na kayo sa pag-lalaro ng sungka." Si nanay Lucy nakangiting dala-dala ang tray na may lamang platito at kutsara at bowl na may lamang buko salad.
"wooowwww.... my favorite of all my favorites" si Euxine na nagtata-talon pa at sumalubong na sa kaniyang lola.
Si Axine naman ay tumayo na mula sa pagkaka-upo at sumalubong na rin sa kniyang lola at tinulungan na mailapag sa mesita ang dala-dala nito. Habang si Lexus ay ibinaba muna sa sahig ang sungkaan para magkasya sa mesita ang dala-dala ni nanay Lucy. Nauna-una na ng pagsandok si Euxine at sarap na sarap sa pag-subo ng buko salad.
"ummm.... yummmy talaga... i told you Ax, it's delicious" si Euxine yan.
Si Axine naman ay nag-uumpisa pa lang sumubo. "You're right Eu, its delicious. I like it but never a favorite". patango tango pa si Ax habang nagsasalita at ninanamnam ang kinakaing buko salad.
Sumabay na rin sang pag-kain ng buko salad sa kambal ang magkasintahang Camry at Lexus, gayun din sila Nanay Lucy at Tatay Abe.
Pamaya-maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Lexus, kaya naman siya ay nagpaalam na sasagutin muna ang tawag.
"baby, sa labas lang ako, si mama tumtawag, baka emergency" Paalam ng binata kay Camry.
"okay" tanging sagot lamang ng dalaga.
Nakatapos nang kumain at naimis na rin ang mga ginamit sa pag-kain ay hindi pa rin bumabalik si Lexus, panay naman ang sulyap ni Camry sa labas ng terasa na napuna naman ni nanay Lucy kaya't hindi na naiwasan nito na mag-tanong.
"anak, sino ba ang sinisilip-silip mo diiyan?"
"si Lexus po, di pa po kasi bumabalik eh sasaguting lang naman ang tawag ng mama niya" si Camry.
Narinig naman ni Eu ang sagot ng ina kaya agad ito ay sumalo sa usapan.
"mama, really? mamita is calling? where is papa i want to talk mamita" sambit ng batang makulit.
"anak, hindi pwede istorbohin si papa, importante ang kanilang pinag-uusapan".
"but, mama i want to talk mamita... pleasee"
"Eu, kung ano ang sinabi ko pakinggan at paniwalaan mo, kasi kung hindi importante ang kanilang pag-uusapan dito na lang yun sasagutin ng papa mo. Kung gusto mo talaga makausap si mamita hintayin mo ang papa mo na makabalik dito at siya ang patatawagin natin kay mamita para makausap mo, okay?" paliwanag ni Camry sa anak.
"yes mama" nakatungong sagot ni Euxine.
Hindi nagtagal ay natanawan na ni Camry ang papalapit na si Lexus na ang mukha ay seryoso.
"Eu, pasok ka muna sa loob, uusap muna kami ni papa" tumango lang ang bata na may nagtatakang tingin at pumasok na rin sa loob ng bahay.
Habang pumapasok ng terasa ang binata ay tinanong na niya agad ito. "JL, may problema ba? Ang seryoso mo kasi"
"baby, pwede na ba tayong umuwi bukas? si mamita kasi, nag-aapura na ng pag-punta natin dun sa resort"
"okay lang naman, naipasyal naman na yung kambal dito. Saka pwede pa naman tayong bumalik dito, di ba?
"yes baby, nagkataon lang na nag-aapura si mama. Babalik tayo dito next vacation. paano sila nanay at tatay ang alam nila magtatagal tayo dito."
"maiintindihan naman nila tayo, sa may rason naman, si mamita." sagot na nakangiti ni Camry.
BINABASA MO ANG
The Rape of Camry
RomanceCamry ... Inosenteng Probinsyana Lexus ... Sex addict ... Sex maniac Posible ba na umibig ka sa taong sa iyo ay nag samantala?