TWENTY FOUR

7.4K 95 1
                                    

"teka, hindi ito papuntang penthouse JL ah, may pupuntahan pa ba tayo?" tanong ng nabibiglang si Camry dahil napansin niya na iba ang way na binabagtas ng kotseng minamaneho ni Lexus.

"yeah baby, just relax okay" tanging sagot lang ng binata sa kanya.

Nagtataka man ay hindi na umimik si Camry. Sa loob niya ay maaga pa naman.

Mahaba-naba rin ang oras na binyahe nila. Nakarating sila sa isang restaurant na malapit sa dagat. Pumasok sila sa loob at pumili ng pwesto na malapit sa bintana kung saan kitang-kita ang karagatan, ramdam na ramdam ang hanging dumadapyo sa kanilang balat, at ang ampiyas ng tubig dagat na sanhi ng hampas ng malakas na alon. Napakaganda ng lugar. Umorder lang si Lexus ng sea foods dahil iyon lang ang pinili niya, matagal na rin nang huling makakain siya ng sea foods. Kaya na-miss rin niya.

"you like the place?" tanong sa kanya ni Lexus.

"yeah" tanging sagot lang niya. "ano naman naisipan mo at dinala mo ako dito?" balik tanong ni Camry sa binata.

"ahhmm, nothing... It's just... I like..." sagot naman nito.

"iyon lang, wala lang? Wow huh" nakakalokong sagot niya.

Dumating na ang order nila kaya inumpisahan na nila ang pag-kain.

"wow, masarap ang luto nila ha!" sambit niya sa pagitan ng pag-nguya.

"yeah, you're right, that's why i brought you here. Alam ko na magugustuhan mo"

"lagi ka ba kumakain dito?"

"this is my third"

"third? Sinong kasama mo nung una?"

"why your asking, checking on me?"

"no! Masama ba magtanong?" sabi na lang ni Camry, kahit ang totoo ay gusto niya talaga malaman, baka ibang babae ang kasama nito. Pero syempre kahit babae siguro ang kasama nito hindi yan magsasabi ng totoo, sa chickboy nitong lalaking ito.

"well, the first one was with a client, we had a lunch meeting here. The second was with Audi and the P.I. we hired and the third is with you" saad ni Lexus na nakangiting nakatitig kay Camry.

"don't worry baby, ikaw lang ang babaeng ini-date ko dito" habol pa nitong sabi sabay kindat.

"whatever" sabi na lang niya, at nagpatuloy sa pagkain. Sarap na sarap sya sa pagkain, nadagdagan ang gana niya pagkadinig sa huling sinabi ni Lexus, kinikilig siya na siya lang ang babaeng ini-date dito, pero syempre hindi niya ipinahalata dito, ibinunton niya sa pagkain ang kilig.

Madilim na nang makaalis sila sa restaurant. Hindi agad sila umalis pagkatapos nilang kumain, ninamnam pa nila ang masap na dapyo ng hangin sa lugar, dahil pag uwi nila balik na naman sila sa pagsinghot ng maruming hangin sa sobrang polusyon.

"siguradong kanina pa tayo hinihintay ng kambal" sambit ni Camry. After ng insidente na nangyari maaga nang umuuwi ang dalaga, kung wala rin naman na ibang gagawin sa school ay nauuna na siya umuwi, hindi na muna siya dumadaan sa opisina ng SC, at naiintindihan naman siya ng mga co-officer niya. Kaya nasanay ang mga bata na maliwanag pa ay nasa bahay na siya at nakakapagbonding pa sila.

"gising pa naman siguro yung kambal, bilhan na lang natin ng pasalubong" wika ni Lexus.

"sige, idaan mo diyan sa cake & pastry shop, bibili ako ng brownies"

"bakit brownies?"

"nagustuhan kasi nila nung nakaraan na pasalubungan ko, lalo na si Euxine alam mo naman yun"

Pareho silang pumasok sa shop, si Lexus ay nagpatiuna nang lumapit sa counter para mag order. Napansin ni Camry na napatingin sa kanila halos ang mga babae sa loob ng shop, ay hindi kay Lexus lang pala. Pati ang kahera ay nakatitig sa binata at hindi man lang kumukurap habang nagsasabi ito ng kung ano ang order. Pag namali ito ng lista ng order at pagbibigay ng sukli tatawan niya ito ng malakas, sa loob-loob ng dalaga. Masyado nang dumadami ang mga babaeng nagbibigay ng motibo sa lalaki, kahit alam na may kasama na ay sige parin. Napapaumis sa isip ni Camry.

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon