SEVEN

19.5K 213 4
                                    

Simula ng araw na makita ni Lexus ang babaeng iyon ay hindi na siya mapalagay. Hindi niya makalimutan ang inosenteng mukhang iyon. Hindi siya makapaniwala na na nakagawa sya ng bagay na iyon sa isang menor de-edad. Gusto niyang makaharap at makausap ang babaeng iyon upang makahingi ng kapatawaran. Kung kinakailangang pagbayaran ang ginawa niya ay bukal sa kalooban niyang gagawin luminis lang ang konsensiya nya at nang sa ganun din ay gumaan ang dalahin niya sa dib-dib. Lubos ang kanyang pagsi-sisi.

Cellphone ringing.
Nang tingnan ni Lexus, si Brent ang tumatawag, ka-buddy nya sa pamba-babae.
"Zupp budd?"

Dating spot pare, mamaya ala cinco ng hapon.

"Pass ako pare, dami kong pending na pipirmahan."

Kelan ka pa tumanggi pare, ikaw rin... Baka maubusan ka, hahahaa.

"Gago ka pare, hindi nauubos ang mga 'yan!"

Okey, sabi mo eh, bye!

Simula ng ma-realize ni Lexus ang nagawa niya tinabangan na siyang sumama sa paglabas-labas ng mga kaibigan niya. At napagdesisyunan niya ang isang bagay. Agad siyang lumabas sa kanyang opisina at sigurado ang direksiyong tinatahak ng kanyang sasakyan. Ang unibersidad na pinapasukan ni Camry.

Nalaman niya ang oras ng pasok ng dalaga mula sa folder na bigay ni Audi. Itinago niya ang folder sa kanyang drawer sa opisina. Ipinarada niya ang sasakyan sa kabilang sa kabilang bahagi ng kalsada, kung saan tanaw niya ang mga estudyanteng pumapasok sa gate.

Hindi pa siya natatagalan sa pagaabang ay nakita na niya si Camry, bumaba ng jeep. Gustong-gusto na niyang lapitan ito, pero nagalangan siya. Nang makita niyang nakapasok na ang dalaga ay umalis na rin siya at bumalik sa opisina.

"Sa boarding house" bulong niya sa sarili, duon niya kakausapin ang dalaga.

Kinabukasan, maaga pa lang ay nakabihis na si Lexus at lumabas ng mansiyon. Pupuntahan niya si Camry sa boarding house nito para makikipagusap at humingi ng tawad. Lilinisin niya ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran.

Nang malapit na siya sa boarding house ni Camry ay natanaw niya ang pamiyar na sasakyan, nakita niyang lumabas si Audi. 'Ano ang ginagawa niya dun?' Bulong niya sa sarili. Nakiya niya rin si Camry na nasa tapat ng gate ng boarding house. At sumakay ito sa kotse ni Audi. 'Ano ang meron sa kanila, sila na ba?' Kunot noong usal pa niya.

Sinundan na lamang niya ang sasakyan ni Audi, at nakarating sila sa hospital. Natagalan pa siya sa paghihintay, pero nagtiyaga siya. Napaangat siya mula sa pagkakaupo nang matanawan niya na lumalabas ng hospital ang dalawa, inaalalayan ni Audi ang dalaga, napansin niya na umiiyak si Camry.

Nagtaka siya dahil kanina pa nakapasok sa loob ng sasakyan ang dalawa ay hindi pa ito umaandar. Maya-maya pa ay paalis na rin ang kotse ni Audi. Sinundan niya pa rin ang dalawa at humantong sila sa hotel. Hinintay muna niyang makapasok ang dalawa sa loob ng building saka pa siya lumabas ng kanyang sasakyan. Dumiretso siya sa information at tinanong kung saan pumunta si Audi. Napagalaman niya na sa penthouse ito tumuloy.

Marahas na bumuga ng hangin si Lexus. Pinagisipan niya pa munang mabuti kung susunod siya o hindi. At ang una ang ginawa niya. Humahangos siyang pumasok ng elevator. Pagkarating sa rooftop ay agad siyang lumabas ng elevator at dire-diretsong pumasok ng bungalow, nadatnan niya si Audi at Camry na kumakain. Napansin naman siya ni Audi.

"O, Lexus halika at saluhan mo kami dito" hindi niya pinansin ang kapatid, kay Camry lang nakatuon ang kanyang tingin na nakita niyang kinababakasan ng takot at pagkagulat ang mukha, marahil ay sa bigla niyang pagdating.

"Camia Wry Rosas" bulong ni Lexus. Kita niya ang mga mata ng dalaga na namumula at namamaga sanhi ng pagiyak. Humakbang siya palapit sa dalaga na hindi inaalis ang tingin.

"Huwag kang lalapit!" Sambit ni Camry na tumayo mula sa pagkakaupo.

"Gusto kitang makausap" ani Lexus.

"Makausap? Bakit? Para saan?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga.

"Para humingi ng kapatawaran mo" sambit ni Lexus.

"Kapatawaran? Bakit, nagsisisi ka na ba sa ginawa mo? Hindi ka na ba patulugin ng konsensiya mo?" Lumuluhang sambit ni Camry.

"Oo, pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon. Please, patawarin mo ako" samo ng binata sa dalaga.

Umiling na nagsalita ang dalaga. "Patawarin... dahil sa iyo gumuho ang mga pangarap ko, bumaba ang tiwala ko sa sarili. Pakiramdam ko lahat ng tao nakatingin sa akin at ako ay kinukutya. Dahil sa kamanyakan mo, mapapatigil ako ng pagaaral, dahil buntis ako!" Hagulgol ng dalaga.

Ramdam ni Lexus ang bigat at sakit na dinadala ni Camry mula sa mga salitang binitawan nito. "I'm sorry" nakatungo, tanging nasambit ng binata.

"Wala na akong maipagmamalaki! Iyong dangal na nga lang ng isang malinis na babae ang pinakainiingat-ingatan ko na kayamanan nawala pa, dahil ninakaw mo!" Durong sumbat ni Camry kay Lexus.

"I'm sorry, really sorry. Here, do what you want to do to me, just to ease your pain, your anger, forgive me" lumuluha na rin na sambit ni Lexus habang lumalapit kay Camry.

Sinampal ni Camry si Lexus. "For my dreams!" Pinagsusuntok sa dib-dib, "I hate you! For my parents! for my studies! for myself!" Tinuhod ang parteng ibaba sa pagitan ng hita. "And lastly, for my lost virginity!" Sambit ni Camry na galit na galit ay may mapait na ngiti sa labi.

Napaluhod sa sakit na naramdaman sa pagitan ng kanyang mga hita si Lexus. Nakatingin at nakapanuod lang sa kanilang dalawa si Audi. Samantalang matatag at taas noong nakatayo sa harapan ni Lexus si Camry habang pinapahid ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

"Gusto ko nang umuwi". Wika ni Camry.

Nauuna nang humakbang papunta ng elevator ang dalaga. Hinawakan at pinisil naman ni Audi ang balikat ni Lexus na nuon ay nakaluhod pa rin, saka sumunod kay Camry sa elevator.

Walang pagsisisi o anumang galit na naramdaman si Lexus ukol sa ginawa o pinadama sa kanya ni Camry. Tanggap niya ang lahat, deserved niya iyun dahil sa karahasang ginawa niya sa dalaga. Tama nga ang sabi nito, sinira niya ang buhay ng dalaga. Ngayon na buntis si Camry napapaisip siya, ano ba ang tamang gawin para naman makabawi siya sa nagawa niya sa dalaga. Suportahan financially? Ibigay ang kanyang pangalan sa bata? Papayag naman kaya duon ang dalaga, eh ang laki nga ng galit sa kanya. Nakita niya yun kanina sa mga mata ni Camry, ramdam na ramdam niya ang pagkasuklam sa kaniya.

"Isa pa, parang may something sa dalawa ni Audi at Camry. Bakit laging nakadikit sa kanya si Audi. Siya na ba ang aako sa bata? Tsk! Bahala na nga sila! Lalo lang sumasakit ang nasa gitna ng hita ko!" Saad sa isip ni Lexus.

_______________________________________

a/n: tamang duda naman si Lexus, hihihihi.

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon