SIXTEEN

10.6K 108 1
                                    

"Good morning kids... Good morning baby" humahalik sa noo ni Camry bati ni Lexus. Maaga siyang dumating sa penthouse para sunduin ang mag-ina para sa kanilang bakasyon kasama ang mga magulang ni Lexus. Nag-imbita ang mag-asawa na isama sila sa Palawan kung saan nandun ang resort ng mga Dela Costa.

"Nakahanda na ba ang mga dadalhin ninyo?" Tanong ni Lexus.

"Oo naman, sa kambal ang may pinakamalaking maleta" natatawang sagot ni Camry.

Bit-bit ng dalawang yaya ang mga gamit ng kambal. Ang magkasintahan naman ay tig-isa ng karga sa kambal.

Nakarating sila nang maayos sa resort. Tuwang-tuwa ang kambal. Malaki ang villa, may mga cottage sa paligid. May nakitang duyan ang kambal, at agad ay lumapit duon. Marami ring ibat-ibang klase ng puno sa paligid, kaya kahit mainit malamig ang dapyo ng hangin sa balat. Maputi at pino ang mga buhangin, sarap sa pakiramdam sa paa pag tatapak ka.

Maaliwalas din ang pakiramdam nang pag-tambay sa cottage. Yari sa kawayan ang upuan at sandalan, kaya naman ramdam pa rin ang hangin na dumadapyo. Makakatulog ka habang nagpapalipas ng oras.

"Baby, pasok muna tayo sa loob, mamaya ka na mag day dream" bulong ni Lexus kay Camry.

"Loko ka, hindi ako nagde-daydream ah"

"Eh ano? Pinagpapantsyahan mo ako?"

"Hmm... Iisipin ko pa kung isasama kita sa mga pinagpapantasyahan ko" ngiti pa ng nakakaloko ni Camry na naglalakad na palayo sa binata.

"Baby!" Habol naman ni Lexus.

Pagkapasok nila sa villa ay inayos na nila ang mga gamit sa kanikanilang silid.

"Baby, share na tayo sa kwarto"

"No! Ang kambal ang kasama ko"

"Pero baby, miss na kita"

"Nami-miss mo pa ako ng lagay na yan eh lagi na tayong magkasama"

"Baby, iba yung nasosolo kita, yung tayo lang dalawa"

"Tumigil ka JL"

"Baby... Pleassssssee?"

"Gusto mo ba na mag-break na lang tayo?"

"Huwag naman baby, ayoko"

"Yun naman pala eh"

"Pero... Baby"

Minulatan lang ni Camry ang binata. At nagpatuloy na sa pag-aayos ng mga gamit. Tumahimik na lang si Lexus. Pag-dating sa dalaga hindi na makaapila pa ang binata.

Nang makatapos ay lumabas ang dalawa para sunduin ang kambal na naglalaro sa buhanginan kasama ang mga yaya nila. Habang naglalakad, nagsalita si Lexus.

"Ahhm, baby..."

"Hhhmm?"

"P-pakasal na tayo"

"Huh? Bakit bigla-bigla ka naman ay nag-aya? Ayos ka lang?"

"Miss na ksi kita'ng masolo"

"Umayos ka JL... "

"Totoo naman, miss na miss na talaga kita"

"Wee, baka naman pag nagpakasal na ako sa 'yo pagsawaan mo ako"

"Hinding hindi kita pagsasawaan baby, mas lalo pa kita na pananabikan"

"Heh! Berde mo!"

"Berde na agad yun, nagsasabi lang ako ng totoo baby"

"Teka... Bumabalik na naman ba yung dati'ng Lexus? Iyong Lexus na pervert... na maniac?"

"Hindi baby, sa iyo lang naman ako nagkakaganito, pakasal na kasi tayo, pakasalan mo na ako."

"JL, malapit na, huwag ka na mainip"

"Talaga baby, kelan?"

"Pag may trabaho na ako pagka-graduate ko" taas-baba pa ang kilay na sambit ni Camry.

"Tagal pa nun baby... "

"JL... O kung gusto mo naman... "

"Ano baby, payag ka na kahit di pa tayo kasal?"

"Asa ka pa. Kung gusto mo wala nang kasal na mangyari"

"Baby naman, mahal ko kayo ng kambal, gusto kitang makasama forever kaya gusto kita'ng pakasalan."

Pinisil lang ni Camry ang ilong ni Lexus at bumulong "I love you JL, maghintay ka lang"

"Handa ako na maghintay baby" sabay halik sa noo ng dalaga. "Madali na lang pala ang ipaghihintay ko, three years na lang."

"Kaya mo yan JL, gawin mo para sa kambal... "

".. At para sa 'yo baby."

Kinabukasan, maagang nagising si Camry, pag-labas niya nakita niya ang mag-aama na naglalaro na sa buhanginan habang hinihintay ang papasikat na araw.

Nakangiti siya'ng nakatanaw sa tatlo - ang kambal at si Lexus. Nkikita niya kung gaano kamahal ng lalaki ang mga bata. Kahit sa kabila ng nangyari ay napagbago niya ito. Hindi siya makapaniwala na ang dati'ng Lexus na iresponsable ay kaya na mag-tiis, kaya na maghintay. Natutuwa siya na handa siyang hintayin ng binata.

Napatingin sa kanya si Lexus, at kinawayan siya na lumapit sa kanila. Humakbang na siya patungo sa pwesto ng tatlo. Sama-sama sila na naglaro at naligo sa sikat ng pang-umagang araw.

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon