Eto na po update.... pasensiya na po, natagalan.
______________________
_________________________________"baby..." panggigising ni Lexus kay Camry.
"hmmmm" ungol lang na sagot ng dalaga.
"baby... Gising ka na, sama ka sa amin" muli si Lexus.
"bakit ba ang aga-aga mo manggisisng" pagmamaktol ni Camry na nagkukusot pa ng mga mata. "antok pa ako JL eh" sabi pa nito.
"sorry baby, gusto ng kambal na kasama ka sa pangangabayo, tuloy picnic na rin tayo" sagot naman ng binata.
"huh, eh di ba sa birthday mo pa tayo magpi-picnic?"
"iba ang pupuntahan natin baby, sige na please.... Nakapangako na ako kila Ax at Eu".
"Sige na po.... Magpapalit lang ako ng damit" pipikit-pikit pa na sambit ni Camry habang nahakbang papunta sa banyo.
Pababa na sa hagdan ang magkasintahan nang biglang magsalita si Camry.
"naku! Wait JL, magpapaalam muna ako kay mamita, baka hanapin ako nun para magpatulong sa birthday party preparation."
"no baby. Don't worry, mama's out"
"ha? Kelan pa, nadito pa sya kahapon eh"
"umalis ng maaga kanina madilim pa, i know her, too excited for the preparation. Mas excited pa sa akin. Pwede naman na sa akin ang walang party, nakakasawa na rin, you and the kids is enough for my birthday". Nakangiting matamis kay Camry habang nagsasalita si Lexus.
Napatulala naman ang dalaga sa narinig at nakikita nya sa harapan niya. Nagbago na nga ng tuluyan ang binata, napaka-sweet sa kaniya at sa kambal. Kahit minsan ay sinusungitan niya, ayos lang para sa lalaki wala syang naririnig na anumang reklamo.
"ganun ba..." tanging naisagot na lamang niya matapos ang saglit na pagkawala sa sarili.
Nakakawala naman talaga sa sarili ang katauhang nasa harapan niya. Makakalimutan ang lahat pati ang nagawa sa kaniya sa taong nakalipas. Imbes na pagkamuhi ay napalitan ng paghanga at pagmamahal. Hindi naman talaga ganun kasama ang ama ng kambal at mapapangasawa niya, masyado lang nalango sa alak at babae kaya nwala na rin sa huwisyo nung mga oras na mangyari iyon. Naunawaan naman niya iyon habang lumilipas ang panahon, at nakakasama niya na puro kabutihan at pag-aaruga ang ipinaramdam sa kaniya. Sino ba naman siya, tao lang din, babae na may malambot na puso, isa pa ang lalaking ito sa harapan niya, dito unang tumibok ang kaniyang naninibago sa pakiramdam na puso, first love ika nga.
"baby, are you alright?"
Naalimpungatan si Camry sa tanong ni Lexus.
"huh! Yes baby, i'm ok" wala sa sarili na sagot ng dalaga.
Napamulat naman si Lexus sabay ngiti ng papilyo.
"baby... What did you say?"
"ok lang ako" pag uulit ng dalaga sa nasabi niya.
"no, that's not a complete phrase"
"wala naman akong ibang nasabi eh..."
"owwwsss.... Meron pa, ba-by... And you look ---"
"tara na nga, baka naghihintay na sa atin ang kambal" pag-aaya ng dalaga nang mabatid kung ano ang iginigiit ni Lexus. Hinila na lang niya ang kamay ng binata at nagpatiuna na sa paglakad. Pero imbes na mahila niya si Lexus ay sya ang nahila nifo pabalik at niyakap sya mula sa likuran, ipinatong ang baba sa kaniyang kanan na balikat.
"baby... I love you"
Napatigil naman si Camry sa kaniyang paghakbang at nanigas sa kaniyang kinatatayuan.
"JL, baka mainip ang kambal"
"wait baby, i miss you, i missed to feel you"
Napakagat labi na lamang ang dalaga. Pero pamaya maya din ay sinambit na rin niya ang salitang makapagpapaligaya kay Lexus.
"i love you" pero mahina yata ang pagkakasabi niya dahil pinaulit ng binata.
"yes baby, what did you say?" tanong ng binata habang nananatiling nakapatong ang baba sa balikat ni Camry.
Inulit naman ng dalaga ang sinabi at kagat-kagat ang labi pagkasambit.
"i love you JL"
Nahihiya pa rin sya kahit nasasabi na niya sa binata ang tatlong kataga ng nararamdaman para dito. Pero pag sa pambabara sa binata hindi sya nakakaramdam ng hiya, para ngang nasisiyahan pa sya.
Ngiting ngiti naman si Lexus nang ulitin niya ang sinabi.
"i'm so happy baby" pagkabigkas ay humalik ito sa pisngi ng dalaga. "let's go"
At sabay na silang humakbang papunta sa kambal na siguradong inip na kakahintay sa kanila.
"what took you so long? " si Eu na hindi na maipinta ang mukha
"i thought you're not coming anymore" si Ax
"sorry kids...it was your mama --- "
"Anong ako! Ikaw diyan ang kung anu-ano pa pakana eh" si Camry di na pinatapos ang dapat na sasabihin ni Lexus.
"okay, let's go" tanging nasambit na lang ni Lexus upang maiwasan ang tampuhan sa pagitan nila ni Camry at ng kambal. "Let's enjoy this day".
Sorry....... Maigsi....
BINABASA MO ANG
The Rape of Camry
RomanceCamry ... Inosenteng Probinsyana Lexus ... Sex addict ... Sex maniac Posible ba na umibig ka sa taong sa iyo ay nag samantala?