ELEVEN

14.4K 200 6
                                    

Six months later.

Kabuwanan na ng panganganak ni Camry. Nahihirapan na siyang kumilos sa sobrang laki ng kanyang tiyan. Katatapos lang niyang makipag-usap sa mga magulang niya niya sa phone.  Nakaupo sa bench sa hardin ng penthouse.

Bihira na niyang makasama ang mga kaibigan dahil may pasok ang mga ito. Naalala niya si Audi, simula nang umalis ang lalaki ay dalawang beses pa lang itong tumawag sa kanya. Si Lexus naman ay hindi na nagpaparamdam sa kaniya, hindi kagaya nuong nakaraang buwan, hindi man nagpapakita sa kanya ay nagpapadala naman sa penthouse ng kung anu-ano. Parang namimiss niya ang ganung pagpaparamdam ng lalaki. Napaigtad siya nang bigla siyang tawagin ng kasambahay.

"Manang naman, huwag niyo naman ako gulatin, baka mapa-anak ako neto nang wala sa oras" hawak ni Camry ang malaki niyang tiyan.

"Pasensiya na anak kung nagulat kita. Nakahain na ang mesa, huwag kang magpalipas ng gutom, makakasama sa baby mo" saad ng kasambahay.

Dalawang buwan na niyang nakakasama ang matanda, si Lexus ang nagpapunta galing sa mansiyon. Anak ang tawag sa kanya ng matanda katulad ng pagtawag sa magkapatid.

"Sige po, susunod na po ako" Tumayo na si Camry mula sa kanyang pagkakaupo at dahan dahang naglakad papasok sa loob ng hapag kainan.

Hindi pa natatagalang kumakain ang dalaga ay nagulat siya sa taong nasa harapan ng mesang kinauupuan niya. Matangkad, preskong tignan dahil halatang bagong paligo, guwapong guwapo sa suot na business suit, may hawak na bulaklak. "Camry..."

"Lexus?" Palihim niyang kinurot ang sarili, parang ngayon lang niya na-appreciate ang itsura ng lalaki.  Kelan ba ang huling araw na sila ay nagka-harap. Parang siya ay kinikilig sa tingin na ipinupukol sa kanya ng lalaki. Agad naman niyang sinupil ang sariling naiisip.

"K-kumain ka na? Upo ka at kumain muna" Alok niya kay Lexus. Para siyang tanga, bakit siya ay nàbubulol, tanong niya sa isip.

"Salamat, hindi ko tatanggihan iyan" Sagot ng binata, habang iniaabot sa kanya ang bulaklak.

Tinanggap naman ni Camry ang bulaklak at wala sa loob na inilapit iyon sa ilong at sininghot. Lihim na napangiti si Lexus sa inakto ng dalaga.

Habang kumakain ay napatanong si Camry. "Bakit ka nga pala napaparito?"

"Binibisita ka. Kukumustahin ko ang kalagayan mo, sumasakit na ba ang tiyan mo?" Balik tanong ni Lexus.

"Hindi pa naman, next week pa ang sabi ng doktor.

Patango tango naman si Lexus na matiim na nakatingin sa kanya. " Excited na akong makita si baby" sambit ni Lexus.

Walang ibang masabi si Camry. Gulat na gulat siya sa presensiya ng binata, kanina lamang ay nami-miss niya ito, pero ngayon ay parang siya ay naiilang na. Nakatungo na lamang ang dalaga habang kumakain, hindi siya makatingin kay Lexus. Amuse na amuse naman si Lexus sa nakikitang reaksiyon sa kanya ni Camry.

Hindi na rin nagtagal ang binata at nagpaalam na.  May pupuntahan pa siya na meeting. Dumaan lang siya upang iabot ang bulaklak kay Camry at makasabay sa pagkain ang dalaga. Tumawag siya kay manang na maagang magluto dahil sa penthouse siya kakain kasabay si Camry. Sa nakikita niya, alam niya na hindi na siya matitiis ng dalaga. Alam niya at nararamdaman niya na lumalambot ang puso ni Camry tungo sa kanya. Si Camry na nuon ay napagsamantalahan niya, pero ngayon ay mahal na niya. Lahat ay gagawin niya makita lang niya na ito ay maligaya. Si Camry na magiging ina ng anak niya. Si Camry na nagpatino sa kanya. Si Camry na nagpamulat sa isipan niyang liko-liko. Kinakabahan siya na di mawari ngayong palapit na ang araw ng panganganak ni Camry. Sino kaya ang kamukha ng baby, siya ba o si Camry. Siya na ang pinakamasayang lalaki sa araw na siya ay tanggapin ni Camry na mapasok ang puso ng dalaga.

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon