TWENTY SIX

7K 94 1
                                    

Nalalapit na ang bakasyon nila Camry kaya naman abala ang halos lahat ng mga estudyante sa kanilang projects, exams at kung anu-ano. Kabilang si Camry sa mga abalang estudyante. Kahit napapaguran ay masaya ang dalaga dahil matutupad na ang pangarap niya na makapagtapos sa kolehiyo, isang taon na lang ang bubunuin niya. May maiaabot na siya sa kaniyang mga magulang na diploma. Sigurado naman siya sa sarili niya na makakapagtapos siya nang walang problema sa university dahil naipasa naman niya lahat ng subject, isa pa matataas ang kaniyang grades. Talagang pinagsikapan niya lahat. 

"Bes!!" Nagulat siya nang biglang may sumigaw sa tabi niya.

"Ano ka ba naman bes, nakakagulat ka naman, parang ang layo-layo ko sa 'yo kung makasigaw ka, nabasag yata ear drums ko eh" reklamo ng dalaga sa kaniyang kaibigan.

Si Yssa pala ang tumawag sa kaniya, napalakas ang boses at napalapit pa sa tenga niya ang bibig ng kaibigan, kaya naman halos mabingi na siya.

"Eh kasi naman bess kanina pa ako dito sa tabi mo hindi mo man lang ako napapansin, mukahang ang layo na ng narating mo eh" sagot naman ni Yssa na nakaumis pa.

"Ganun ba? Pasensiya ka na natutuwa kasi ako na malapit na akong makatapos ng kolehiyo, isang taon na lang at magkaka-diploma na ako. Naiisip ko kasi sila nanay at tatay alam kong masayang masaya sila pag naiabot ko na sa kanila ang aking diploma."

"Tama ka bes, iyan lang naman ang kaligayahan ng ating parents eh, to finish our studies." Ayon naman ng kaibigan.

"Oo nga eh. Buti pa kayo ni Jam bes ga-graduate na. Iiwanan niyo na ako dito. Mami-miss ko kayo." Usal ng dalaga.

"Naku bes huwag ka na malungkot, hindi pa naman kami lalayo ni Jam nang malayong malayo. Makakapagbonding pa rin tayo noh. Niweys, san nga pala kayo magbabakasyon?"

"Ewan ko, 'di ko pa alam kung san kami dadalhin ni JL, pero gusto ko sa probinsiya namin, para naman makasama ng matagal nila nanay at tatay ang kambal, siguradong matutuwa ang mga yun. Ikaw ba, ano plano mo?"

"Ako? Well... A trip to Erope lang naman" pa-humble kuno na sagot ni Yssa.

"Talaga? wow, yayamanin ka talaga noh"

"Hindi kaya, ano ka ba. Graduation gift lang sa akin nila mommy at daddy kaya tinanggap ko na, minsan lang kaya mangyari na ako lang mag-isa ang magta-travel."

"Ganun ba, eh si Jam san ang destinasyon niya"

"Di ko alam eh, wala pa nababanggit sa akin, sabagay hindi pa naman namin yan napa-usapan, tayo pa lang dalawa"

"Hmmm... Ay bes, maiwan na kita magpapa-pirma pa nga pala ako ng clearance, last naman na pa mandin ito, para pag-balik ko bukas kukuha na lang ako ng classcards."

"Okay bes, byeeee" malanding paalam ni Yssa kay Camry.





Kasalukuyan silang kumakain ng almusal - Camry, Lexus, Axine at Euxine.

"JL pwede ba tayong magbakasyon sa probinsiya sa mga nanay at tatay?" Tanong ni Camry kay Lexus.

"Sure, kelan mo gusto?" sagot naman ng binata.

"Maybe this week or next week? Kumpleto naman na ang classcards ko."

"Hmmm, next week na lang so I can file  a leave for vacation"

"Ok, pwede na ba one week dun?"

"Of course baby, if you'll like more than a week it's okay for me" nakangiting sagot ni Lexus sa dalaga.

"Talaga?"

"Yeah, as long as you are happy and the kids, we can extend our vacation there" 

Masaya si Lexus na nakikita niyang masaya si Camry. Masaya siya na napapasaya niya ang dalaga kahit sa mga simpleng bagay, alam niya na kulang pa ang hinihinging iyon ng dalaga katumbas sa nagawa niya dito. Ibibigay niya at ipaparamdam niya ang lahat ng kaniyang makakaya mapasaya lang niya ang kaniyang minamahal na babae at ina ng kaniyang mga anak.

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon