Pagkadating ni Camry sa boarding house ay agad niyang kinuha ang phone na bigay ni Audi mula sa kanyang pinagtataguan at tinawagan ang binata upang ipaalam ang kanyang napagdesiyunan.
[Camry, ano na ang desisyon mo?]
"Tinatanggap ko ang offer mo"
[Okay, bukas ipapasundo na kita diyan kasama lahat ng gamit mo.]
"Uuwi muna ako sa probinsiya, ipapaalam ko sa nanay at tatay ko ang sitwasyon ko. Ayaw ko naman na ilihim ito sa kanila."
[Pagkalipat mo sa penthouse saka ka umuwi sa probinsiya ninyo]
Walang nagawa si Camry kung hindi ang pumayag na lamang sa kagustuhan ni Audi. "Okay, bye". Napahinga nang malalim si Camry matapos nilang mag-usap ni Audi. Sana maging maayos na ang lahat, lalo at higit sa parte ng mga magulang niya.
Kinabukasan, maagang dumating ang sundo ni Camry. Uuwi siya ng probinsiya ang paalam niya sa kanyang kasera.
Pagkadating sa penthouse ay inayos niya lang ang mga gamit niya. Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit ay tinawagan niya si Yssa. Ipinaalam niya sa kaibigan na nakalipat na siya sa penthouse, ibinigay niya na rin ang address dito. Nakaramdam ng pagod ang dalaga kaya naupo siya sa sofa sa sala. Maya-maya pa ay nakatulog na siya mula sa kanyang pagkakaupo.
Nadatnan ni Audi ang dalaga na natutulog sa sofa. Nilapitan niya ito upang gisingin. Naupo siya sa harapan kung saan nagpantay ang mukha nila ng dalaga. Napatitig si Audi sa mukha ni Camry, itinaas niya ang kanyang kanang kamay at akmang hahaplusin ang mukha nito, pero natigil ito sa ere at iniurong na lang niya ang kanyang kamay. Tinapik na lang ng binata sa braso ang dalaga upang magising ito.
Naalimpungatan ang dalaga nang may maramdaman na tumatapik sa kanyang braso. Pag-mulat niya ng mata ay si Audi ang nabungaran niya. Agad siyang umayos ng pagkakaupo at inayos ang kanyang sarili. Nahihiya siya na nadatnan sa ganong ayos. Napakagwapo pa naman nitong tingnan sa suot na business suite.
"Ahhmmm, sorry, nakatulog na pala ako dito, kanina ka pa?"
"Hindi naman, may dala ako na lunch, sabay na tayo kumain."
Pagkatapos nilang kumain ay nilinisan na ni Camry ang kanilang pinagkainan. Nang makatapos ay nagtungo ang dalaga sa sala kung saan ay naduon si Audi.
"Kelan ang uwi mo sa probinsiya?" Tanong ng binata nang makaupo sa katapat na sofa na kinauupuan niya si Camry.
"Bukas ng umaga, aagapan ko ang alis para hindi ako abutin ng gabi sa byahe, seven hours kasi ang byahe papunta sa amin."
"Eto, para sa iyo yan, gamitin mo. Sa iyo na nakapangalan yan. Extension ng account ko. Don't worry, walang limit yan." Iniabot ni Audi kay Camry ang ATM at Credit Card. "Diyan mo kunin ang gastusin nyo ng baby. Bumili ka na rin ng mga gamit ng baby. Ibili mo na rin ng pasalubong ang mga magulang mo."
"Sobra sobra naman na ito" sagot ng dalaga.
"Walang problema diyan, sabi ko nga ibibigay ko lahat ng pangangailangan ninyo ng baby. Hindi na rin ako magtatagal, mag-ingat ka sa pagbyahe mo bukas."
"Salamat" anang dalaga.
Alas cuatro pa lamang ng umaga ay bihis na si Camry. Bumaba na siya ng building at nagpahatid sa taxi sa terminal ng bus. Mahaba rin ang byahe papuntang probinsiya. Tanghali ay na sa kanila na ang dalaga. Nagmano siya sa kanyang nanay at tatay at iniabot ang kanyang pasalubong. Masaya ang kanyang mga magulang sa pagkikita nilang muli. Para sa kanila ay napakahaba ng limang buwan na magkalyo ng kanilang anak. Pagkapananghalian ay saka sila nag-usap.
"Ilang araw ang bkasyon mo anak" tanong sa kanya ng nanay.
"Five days lang po nanay, babalik na rin po ako sa maynila" nahihirapan si Camry kung paano niya sasabihin sa mga magulang ang kanyang kàlagayan. Hindi niya alam kung paano sisimulan.
"Kumusta naman ang iyong pagaaral, hindi ka ba nahihirapan?" Anang tatay niya.
"Maayos naman po tatay, naipasa ko naman po ang semester na natapos. Namaintain ko pa rin po ang grades ko na kailangan sa pagiging scholar ko" sagot naman ng dalaga.
Palihim na humugot ng malalim na paghinga si Camry saka nagsalita muli.
"Aahhmmm... nanay, tatay... h-hindi ko na po magagamit ang iskolar na bigay ni mayor para sa susunod na semester..."
"Bakit anak, kakasabi mo lamang na maayos ang mga grado mo" putol ng kanyang ina.
"H-hindi po muna ako makakapasok sa susuno na semester, nanay... B-buntis po ako" tumutulo ang luhang sambit ni Camry.
"Diyos ko" anang nanay.
"Paano? Sino ang ama? Hindi ka ba pananagutan?" Anang ama niya na biglang bigla sa narinig.
"Na rape po ako" humihikbing sagot ng dalaga.
"Anak, Diyos ko..." lumuluha na yumakap sa kanya ang ina niya. "Ilang buwan na ang nasa tiyan mo?"
"Three months po"
Tahimik lang ang ama ni Camry, pero ramdam niya ang sama ng loob nito. Nakatiim bagang habang ang mga kamao ay nakakuyom.
"Bubuhayin mo ang bata anak ha, pagtutulungan natin ito. Alam ko kaya mo yan. Nandito lang kami ng tatay mo sa tabi mo. Aalagaan namin ang baby at iingatan namin katulad ng ginawa namin sa iyo. Kami na ang bahala sa baby pagkapanganak mo para maipagpatuloy ang iyong pagaaral" saad ng nanay ni Camry.
"Sa maynila ko po ipapanganak ang baby, duon po muna ako habang naghihintay sa kabuwanan ko para po regular ako matingnan ng doktor. Tinutulungan po ako ng pamilya ng naging kaibigan ko duon."
Hindi lahat ay ipinagtapat ni Camry sa mga magulang. Iyong parte ng pagtulong ni Audi ang hindi niya binanggit, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang ama ukol sa desiyon niya.
"Ikaw ang bahala anak, kung ano sa tingin mo ang makakabuti sa iyo. Mige na rin siguro na dumuon ka para maiwasan mo na rin ang mga tsismosa nating kababaryo" malungkot man ay nakangiting wika ng kanyang ina, habang ang kanyang ama ay nanatiling tahimik.
Binigyan ni Camry ng cellphone ang kanyang mga magulang. Ibinili niya mula sa ATM Card na bigay ni Audi.
"Eto nga po pala, gamitin ninyo para meron po tayong kumunikasyon, para lagi ko kayong makausap"
"Sige anak, salamat"
Asikasong asikaso si Camry ng kanyang mga magulang mula ng malaman ang kanyang kalagayan. Lagi siyang tinatanong kung anong pagkain ba ang gusto o hanap niya. Ganun daw pag naglilihi, sari-saring pagkain ang hinahanap, meron pa daw na kakaiba ang naiibigan.
"Anak, heto ang sariwang gatas mula sa kalabaw, inumin mo maganda iyan para sa inyo ni baby lalo na pag ganitong umaga" abot ng ama niya.
Laking pasasalamat ni Camry mababait ang mga magulang niya. Kahit ganuon ang nangyari sa kanya wala siyang narinig na masamang salita, bagkus ay pagtitiwala sa kanya at suporta ang ibinibigay sa kanya.
Araw na ng pagbalik ni Camry sa Maynila. Walang humpay na bilin ang iginawad sa kanya ng mga magulang niya.
"Sige po nanay at tatay, aalis na po ako. Tatawag po ako pagkadating ko sa maynila" paalam ng dalaga.
"Sige anak, magiingat ka."
_________________________________
BINABASA MO ANG
The Rape of Camry
DragosteCamry ... Inosenteng Probinsyana Lexus ... Sex addict ... Sex maniac Posible ba na umibig ka sa taong sa iyo ay nag samantala?