TWENTY TWO

8.5K 98 0
                                    

Dinala muna si Chrysler ng mga pulis sa prisinto ng Guinayangan upang gawan ng dokumento na sa katunayan ay nahuli ang suspect sa pangignidnap sa lugar na kanilang nasasakupan.

Nakasunod lang sila Lexus at Camry para naman kuhanan ng salaysay ukol sa kasong isasampa nila kay Chrysler. Kung ang dalaga ang masusunod ay ayaw na niyang magsampa pa ng kaso pero si Lexus ang mapilit. Hindi matanggap ng binata na may lalaking nagtangka ng masama sa kaniyang minamahal, ayaw na niyang maranasan pa o madagdagan pa ang  mga paghihirap na nangyari sa dalaga.

Pagkatapos sa local ng Guinayangan ay idineretso si Chrysler sa istasyon ng Manila Police District kung saan duon siya ineditena. Kinausap ni Lexus si Chrysler nang maipasok na ito sa selda.

"Mabubulok ka na diyan gago! pagsisisihan mo ang ginawa mo kay Camry!" Lexus

"Mas gago ka! Wala akong dapat na pagsisihan, ikaw ang dapat ang nadito,  hindi ako!"

Nagulat si Lexus sa sinabi ni Chrysler, pero hindi siya nagpahalata, parang may ibig ipakahulugan ito. May alam ba ito sa nagawa niya kay Camry.

"Huh! You're talking nonsense!" Lexus

"Oh, c'mon, pretending innocent huh! You know what I'm talking about, it's between you and Camry! You.Are.The.Criminal. not me." Nakangising sambit ni Chrysler.

"Huwag mong baliktarin ang sitwasyon, nahuli ka na kaya wala ka nang kawala!" nagpipigil sa galit na sambit ni Lexus. "Humanap ka na ng pinakamagaling na abogado!" dag-dag pa nito.

Dali-dali nang tumalikod kay Chrysler si Lexus at lumakad na papalabas ng presinto kung saan naghihintay sa kaniya si Camry.

Habang naglalakad papunta sa dalaga si Lexus ay napapaisip siya kung paano nalaman ng lalaking yun ang ginawa niya  mahigit isang taon na ang nakakaraan. Dahil sigurado siya na silang tatlo nila Audi at Camry ang nakakaalam ng mga nangyari. Meron pa nga palang iba, ang mga magulang at dalawang kaibigan ni Camry. Pero sure siya na mapapagkatiwalaan ang mga iyon. Hindi talaga niya lubos maisip ang bagay na iyon, kaya nang makalapit siya sa dalaga ay hindi na niya namalayan. Napabalik lang ang kanyang kamalayan nang magsalita si Camry.

"Ano pa ang ginawa mo dun sa loob?" tanong ni Camry sa binata.

"Wala, may kinausap lang ako" pagkakaila naman ni Lexus. Kungsabagay, may katotohanan din naman sa sagot ng binata dahil kinausap niya si Chrysler.

"Eh bakit parang wala ka sa sarili" tanong pa ulit ni Camry.

"Wala yun, let's go baby" aya ng binata kay Camry para makaiwas na siya sa iba pang itatanong ng dalaga.

Sumakay na sa kotse ang dalawa para umuwi. Siguradong nagaalala na ang mga naiwan sa penthouse, at naghihintay sa kanila, lalo na ang kambal.

"Hindi ako makakapayag na basta na lang makulong at mabulok dito, gagawa ako ng paraan, kung kinakailangan magpiyansa ako ng malaki gagawin ko. O kung hindi ninyo ako mapapayagang makapagpiyansa... pasensiyahan na lang tayo! Humanda ka Dela Costa, mapapasaakin pa rin si Camry, at sisiguraduhin ko na na aking-akin lang siya, na hindi mo na siya mababawi pa sa akin! Akin ka lang Camry, akin lang!" usal sa isip ni Chrysler.

Masasaya ang mga taong nadatnan ng dalawa sa penthouse, nanduon ang mga kaibigang sila Yssa at Jam, si manang na kita sa mukha ang pag-aalala, ang dalawang yaya at ang kambal. Mas masaya ang kambal nang makita sila. Sumugod sa kanila pagkapasok pa lang nila ng pintuan sa penthouse.

"Mama... Papa..." wikang salubong sa kanila ng kambal.

"Ax... Eu..., kumusta na kayo, i missed you mga anak" naluluhang sambit ni Camry.

"We missed you po Mama, ang tagal mo po nawala, okay po ba kayo?" tanong ni Euxine sa dalaga.

Hindi alam ng kambal ang totoong nangyari kay Camry, ang sabi lang ni Lexus ay may pinuntahan ang mama nila related sa school activities nito, ganun din ang ibinilin ni Lexus sa mga yaya na sasabihin sa kambal in case na magtanong sa kanila ang mag-kapatid.

"Okay naman si Mama baby" habang humahalik sa kambal na wika ni Camry. Si Lexus naman ay nakaalalay lang sa tatlo.

"Kumain muna kayo, Sigurado na gutom na kayo, may nakahain na sa mesa" aya ni manang sa dalawa. Pumasok naman ang magkasintahan at nakasunod naman ang mga kaibigan ni Camry.

Habang kumakain ay napagusapan nila ang nangyari sa dalaga. Hindi nila lubos akalain na magagawa iyon ni Chrysler dahil mabuti naman ang pakikitungo ng lalaki kay Camry at sa mga kaibigan nito.

Maya-maya ay nagulat sila sa biglang pagdating ni Audi, mukhang galing sa pagmamadali dahil sa itsura ng hinga nito.  "How's Camry? Where is she?  tanong pa nito na habol ang hinga.

"Easy bro, here, drink this" alok ni Lexus ng isang basong tubig sa kapatid. Na tinanggap naman at agad ay ininom. Pagkainom ay saka nagsalita ulit. "I heard what happened"

"She's okay bro, no worries" sagot naman ni Lexus na nakatingin kay Camry.

"Thank God you're okay" patango-tangong sambit ni Audi. "So, what's the status?" Dagdag pa niya.

"We file a non-bail case" sagot naman ni Lexus.

"Good, make it sure that guy can't do anything to be out on jail, nor to escape. What he did to Camry was beyond ." Saad pang muli ni Audi. Napapatango naman ang lahat na nasa harapan niya.

"Join us here and eat. Don't worry all is going well" tanging nasambit ni Lexus sa kaptid. Si Camry naman ay nananatiling tahimik at malalim ang iniisip.

"Baby, something wrong? Hindi mo nagagalaw ang pagkain mo." Puna ni Lexus sa dalaga nang makita na konti pa ang nababawas na pangkain sa kaniyang plato.

"Huh! Uhmm,  wala ito, okay lang ako" tanging saad ng dalaga.

Naiisip kasi ng dalaga kung tama ba na ituloy nya ang demanda kay Chrysler, naaawa rin naman siya na hindi nito matatapos ang pag-aaral pag natuluyang nakulong ito. Pero kung hindi naman niya itutuloy, baka maulit ang nangyari at baka mas higit pa ang gawin ng lalaki, at malamang na madadagdagan ang kriminal. Bahala na ang Diyos kung ano man ang kaniyang itulot.

Sa kaniya sa itaas ko na ipapaubaya ang lahat. Salamat at ako ay naligtas at walang masamang nangyari sa akin. Sambit sa isipan ng dalaga.

____________________

Merry Christmas my Dear Readers!
Thank you for reading and voting.

See you next chapter.

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon