Araw ng pagseselebra ng kaarawan ni Lexus at kasal na rin nila ni Camry.
Maagang nagising si Camry, namulatan niya si Lexus na tulog pa sa kaniyang tabi, hindi muna siya bumaba ng kama, pinakatitigan muna niya ang mukha ng lalaking kaniyang minamahal, ang lalaking kaniyang papakasalan, ang lalaking ama ng kambal, napaka gwapo, ang kinis ng mukha, matangos na ilong, mahahabang pilik mata, manipis at malarosas na labi, hindi niya akalain na magkaka-asawa siya ng lalaking akala niya ay sa kaniyang panaginip lang makakasama. Ngayon ay eto sa harap niya nakatabi sa pag tulog, nahahawakan at nayayakap. At mamaya naman ay pag iisang dibdib nila, masaya na siya, wala na siyang ibang mahihiling pa, simpleng buhay lang naman ang pinangarap niya, ang maging masaya. Pero sobra sobra ang ibinigay sa kaniya.
"Mamahalin kita ng higit pa sa aking buhay JL, pati na rin ang kambal, ipinapangako ko sa sarili ko na anuman ang mapagdaanan natin nadito lang ako sa iyong tabi"
Iyan ang tanging sambit ni Camry sa kaniyang isipan.
Mamaya na ang kanilang kasal, magiging Mrs. Jonn Lexus Dela Costa na siya. Sa isiping iyon ay nangingiti ang dalaga na napapa ngiwi, kasi nga naman ay ang aga niya mag aasawa, bata pa siya, Hindi iyon kasama sa pangarap niya noong nag uumpisa pa lamang siya tumuntong sa kolehiyo, akala niya makakapag asawa siya ay iyong may maganda na siyang trabaho at nakakatulong na sa kaniyang magulang. Pero ang nangyari ay maagap siyang nagka anak, naguumpisa pa lamang siya sa kolehiyo ay nabuntis na siya, oh, aksidenteng nabuntis, dahil Hindi niya iyon kagustuhan, pero Nangyari na iyon, tinanggap na lamang niya kesa naman ipalaglag niya malaking kasalanan pa iyon sa nakatataas, pinagbuti na lang niya ang pag aaral at pagaaruga sa kaniyang kambal sa tulong ng ama ng kambal na mamaya ay magiging asawa niya. Siguro nga ito ang itinadhana sa kaniya. Inayos lang niya ang buhay niya, iniayon niya sa tamang daan para Hindi siya mapagaya sa iba na nadisgrasya na ay lalo pang ibinagsak ang sarili. Siya, pilit niyang pinalakas ang loob, sa tulong ng kaniyang mga inspirasyon at pangarap sa buhay.
"Sana magampanan ko ng maayos ang pagiging asawa Kay Lexus at INA sa kambal" saad ng dalaga sa isip.
At bumaba na mula sa kama si Camry at nagtuloy sa banyo na na sa loob din ng kwarto upang maglinis at magpalit na rin ng damit, Hindi naman kasi siya pwede lumabas na nakapantulog pa.
Nang makalabas na ang dalaga at napansin na niya na abala na ang mga tauhan ni mamita, maaga pa lang, pag tingin niya sa relong nakasabit sa ding-ding ay ala seis pa lang ng umaga, talagang pinaghandaan ni mamita, nakakahiya naman wala siyang maitulong.
Nang may makasalubong siyang katulong ay itinanong niya kung gising na ang kambal, nakalimutan na niya ng silipin sa kaniyang kwarto sa sobrang eksaytment o kaba na nararamdaman niya. Gising naman na daw at nag aalmusal kasama ni mamita, kaya naman siya ay dumiretso na sa hapag kainan at nandun nga ang maglolola masayang kumakain. Nang makita siya ni mamita ay inaya na rin siya na sumabay sa pag kain. Tumango naman siya at lumapit, humalik muna siya sa kambal at Kay mamita bago naupo sa harap ng hapag.
Tahimik sila na nagsasalo ng agahan nang may maulinigan sila na ingay na nagmumula sa labas, at napamulat si Camry nang mapansin niya na pamilyar ang boses na nauulinigan niya, para makasiguro ay tumayo siya at dali-dali humakbang palayo sa hapag, ni hindi na siya nakahingi ng permiso kay mamita at sa kambal.
At tama nga ang sapantaha niya, ang kaniyang nanay at tatay ang kaniyang nabosesan, kakarating lang mula sa kanilang probinsya. Agad-agad na siya ay lumapit sa mga magulang at nag-mano bilang pag-galang.
"Ang aga nyo po nakarating" sambit ni Camry sa mga magulang matapos makapag-mano.
"Naku anak, maaga kaming sinundo ng sasakyan ni balae, nasaan na nga pala siya?" Sagot naman ng kaniyang ina.
BINABASA MO ANG
The Rape of Camry
RomanceCamry ... Inosenteng Probinsyana Lexus ... Sex addict ... Sex maniac Posible ba na umibig ka sa taong sa iyo ay nag samantala?