First year ng kambal.
First birthday celebration ni Axine at Euxine. Marangya ang handaan. Ipinasara nila Lexus at Audi ang isang restaurant sa kanilang hotel. Maraming bisita ang dumalo. Umuwi ang mga magulang ng magkapatid, si Mr. & Mrs. Dela Costa. Tuwang-tuwa nang makita ang kambal na nuon ay naglalakad na at nakakapagsalita na. Panay ang pasasalamat ni Mrs. Dela Costa kay Camry dahil napatino at napagbago niya ang anak nila na si Lexus. Kinukulit na rin ng mag-asawa na magpakasal na ang dalawa. Tanging ngiti lang ang sagot ng dalaga, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot. Dumating din ang mga magulang ni Camry. Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang programa, disney ang theme ng party. Tuwang-tuwa ang mga bisita sa kambal dahil sa kakulitan at kabibohan ng dalawa. Si Axine ay kakikitaan ng pagka-snob dahil bihira lang itong ngumiti, kahawig siya ni Lexus. Si Euxine naman ay palakaibigan, at masayahin, halos lahat nang makaharap ay binabati, si Camry naman ang kahawig nito.
Gabi na natapos ang party ng kambal. Sa mansiyon sila umuwi, sa pakiusap na rin ng magulang ni Lexus. Halatang napagod ang kambal, nakatulog agad ng malinisan at mapalitan ng damit pantulog. Ganun din ang mag-asawang Dela Costa. Si Audi ay wala pa sa mansiyon at may pinuntahan pa. Tulog na rin sa guest room ang mga magulang ni Camry.
Napagpasyahan ni Camry na bumaba muna at magtimpla ng gatas. Naabutan niya sa sala si Lexus na nakaharap sa kanyang laptop. Nagtuloy-tuloy lang siya papunta sa kusina. Pagkatimpla niya ay pumunta siya sa sala at naupo sa katapat ni Lexus, iniabot niya ang isang tasa ng kape sa binata.
"Office works?" Tanong niya.
"Nope, i just check my inbox" sagot ni Lexus "and update my instagram and FB status, look..." Iniharap ng binata sa kanya ang laptop.
'First birthday party of my twins together with my one and only Camry'
nabasa niya na naka-caption sa picture nilang apat.
Na-touch naman siya at kinilig sa gesture na iyon ni Lexus. Ipinakikilala na siya sa buong mundo bilang pagmamay-ari ni Lexus. Hindi naman siya nagpahalata ng kilig na nararamdaman niya, sumimsim siya ng gatas para maiiwas ang tingin sa binata.
"Salamat" nakangiting sambit ni Camry. Sa salitang iyon marami na siyang nais iparating. Sana ma-gets ni Lexus iyon.
Tumayo mula sa kinauupuan niya si Lexus at naupo sa tabi ni Camry.
"Camry... just answer me... Do you love me?" Tanong ni Lexus sa dalaga, hindi inaalis ang tingin.
Napakurap-kurap si Camry. Matagal bago nag-sink in sa kanyang isipan ang tanong ng binata. Pamaya-maya pa ay umayos ng pwesto sa pagkakaupo ang dalaga, paharap kay Lexus, diretso ang tingin, nakangiting itinaas ang kanang kamay at sinambit ang... "I, Camia Wry Rosas, by the deep silence of the night, solemnly LOVE Jonn Lexus Dela Costa."
Hinapit ni Lexus ang dalaga at niyakap ng mahigpit, hinalikan sa noo at bumulong malapit sa tenga nito "thank you Camry baby, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa ikaliligaya mo, ninyo ng kambal."
Gumanti ng yakap ang dalaga. Matagal silang magkayakap, nang kumalas si Lexus sa pagkakayakap sa dalaga ay nagtanong ito... "Baby"
"Hhmmmm?"
"Pwede na akong tumabi sa 'yo pagtulog?" Taas baba ang mga kilay na tanong ni Lexus.
"Ano ka sinuswerte? Kakasagot ko lang sa 'yo nagde-demand ka na agad!" Nanlalaki ang mata na sumagot si Camry.
"Hahaha... joke lang baby, kung makakalusot lang naman."
"Pwede ka naman matulog sa penthouse, katabi ng kambal" nakangisi si Camry ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
The Rape of Camry
RomanceCamry ... Inosenteng Probinsyana Lexus ... Sex addict ... Sex maniac Posible ba na umibig ka sa taong sa iyo ay nag samantala?