TWENTY ONE

8.6K 116 1
                                    

Mabilis ang takbo ni Lexus kasabay ng mga pulis papunta sa lugar kung saan nagsisignal ang phone ni Camry. Tanging dalangin ng binata na sana ay nasa ligtas na kalagayan ang babaeng kaniyang minamahal.

Nagmamadali si Chrysler sa pagpasok sa kaniyang resthouse, humahangos na nagtuloy-tuloy siya sa kwarto kung saan niya iniwan si Camry. Kailangang makalipat sila ng ibang lugar, may kakaiba siyang naramdaman sa paligid habang siya ay naglalakad sa dalampasigan kanina. Laking gulat na lamang niya nang pagbukas niya ng pinto ay hindi pala iyon naka-lock. Binundol ng kaba ang kaniyang dib-dib, agad niyang hinanap si Camry pagkapasok niya sa kwarto, wala ang dalaga. Sa banyo ay ganoon din, wala ang dalaga. "Shit! shit! shit!" bulong ni Chrysler sa sarili. Natakasan ako ng babaeng iyon, sana ay hindi pa siya nakakalayo. Lumabas siya at hinanap sa palibot ng resthouse ang dalaga, wala naman siyang mapagtatanungan dahil ang katiwala niya ay pansamantala muna niyang pinagbakasyon. Ayaw niya na may ibang makaalam na ang dinala niyang babae sa resthouse ay kinidnap lamang niya. Madilim na ang paligid kaya hirap siya sa paghahanap sa dalaga, pero sigurado siya sa sarili niya na hindi makakalayo duon ang dalaga dahil hindi nun kabisado ang lugar. 

"Malapit na tayo" saad ni Lexus sa pulis na kasabay niya sa pagtakbo. "Yung resthouse na yun!"

"Men! secure the area!" utas ng chief na kasama nila nang makarating sila sa target na lugar. Nagpulasan naman palibot sa resthouse ang mga pulis. Si Lexus naman at ang chief ay pumasok sa loob ng resthouse, sinusundan ang nagsisignal na ilaw kung saan matatagpuan ang phone ni Camry.


Nagulat na lang si Chrysler nang biglang may magsalita mula sa kaniyang likuran niya. 

"Taas ang mga kamay! ikaw ay aming inaaresto. May karapatan kang manahimik at kumuha ng sarili mong abogado!" Deklara ng pulis habang kinakabitan ng posas ang mga kamay ni Chrysler na nasa likuran nito.

"Shit! Pag minamalas ka nga naman!" usal sa isip ng binata.


Tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto si Lexus kung saan duon tumigil ang pag-signal ng ilaw sa kaniyang mobile phone, pero laking dismaya niya nang hindi niya natagpuan duon si Camry. 

"Baby, nasaan ka na" bulong sa sarili ni Lexus. Iginala niya ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto dahil alam niyang nandito ang phone ng dalaga, pero wala ni ang anino nito. Sinubukan niyang tawagan ang numero nito at nakumpirma niya na nasa ibabaw ng pasimano ng mataas na bintana ang phone ni Camry. 

"Sir wala dito ang asawa ko (asawa talaga?) pero nakuha ko itong kaniyang cellphone" pagkausap ni Lexus sa chief na kasama niya.

"Sir, natagpuan namin ang lalaking ito sa likurang bahagi nitong resthouse" sambit naman ng papalapit na pulis, akay-akay si Chrysler.

"Siya ang suspect, siya ang dumukot sa babaeng hanap natin" sagot naman ng chief.

"Nasaan si Camry! Saan mo siya dinala?" Nanggagalaiting utas ni Lexus kay Chrysler.

"Wala akong alam sa sinasabi mo!" nakangising sagot ni Chrysler kay Lexus. "Bakit sa akin mo siya hinahanap, nakita mo ba na magkasama kami?" Susog pa nito.

"Ikaw ang huling kasama niya nung party ninyo, at ano ang ibig sabihin nito?" Ipinakita ni Lexus sa lalaki ang cellphone ni Camry na natagpuan niya sa kwarto ng resthouse.

"No comment!" utas lang nito, pero halata na sa mukha at sa kinikilos na guilty ito.


"Ouch!" Napabangga si Camry sa isang malaking puno, palibhasa madilim na ang paligid kaya hindi na niya maaninag ang dinadaanan, nangagapa na lang siya at dahan-dahan ang paghakbang pero napabangga pa rin siya. "Pero teka, kung puno ang nabangga ko dapat matigas, bakit parang malambot na ewan?" bulong sa sarili ng dalaga. Nagulat pa siya nang biglang may magsalita at may tumapat na maliwanag sa mukha niya. 

"Sino Ka? Bakit nadito ka sa sukalan nang ganitong oras?" 

"Uh! tulong!" Tanging nabigkas na lang ng dalaga, sobrang hinang-hina na ang pakiramdam niya sinabayan pa ng masakit niyang paa.

"Ako si PO2 Ramon Alonte, ano ang pangalan mo?" 

Pulis pala, salamat po Diyos ko, sa isip ng dalaga. "Ako po si Camry Rosas" sagot ng dalaga sa pulis.

"Malamang na ikaw ang ire-rescue namin, paano kang napunta dito"

"Nakalabas po ako sa resthouse na pinagkulungan sa akin"

"Dito na tayo miss, kaya mo pa bang mag-lakad, malapit na tayo sa highway meron dun ambulance at medics na mag-gagamot sa sugat mo" giya ng pulis kay Camry.

"Kaya ko pa naman po, magdadahan-dahan lang po ang lakad, salamat po" 


"Chief, nagradyo si Alonte, may natagpuan silang babae sa sukalan, nahatid na nila sa mga medics, may sugat daw sa paa, Camry Rosas ang pangalan" saad ng lumapit na pulis sa magkausap na chief at si Lexus. 

"Siya ang asawa ko chief" saad ni Lexus

"Okay men! Let's go, isakay na iyang lalaking yan sa mobile" Deklara ng chief.


"Baby! Thank God you're safe" Bigkas ni Lexus na nakayakap ng mahigpit kay Camry.

"Yes. JL" ganting yakap ng dalaga dito. 

"sinaktan ka ba ng lalaking yun? Ano ang ginawa niya sa 'yo? May masakit pa ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni Lexus sa dalaga.

"Ok lang naman ako, maliban sa paa ko, wala ng ibang masakit pa sa akin. Hindi naman ako sinaktan ni Chrysler, ikinulong lang niya ako sa kwarto" tugon naman ni Camry sa binata.

"Mabubulok sa kulungan ang lalaking yun! Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa 'yo!" utas ni Lexus.

"JL, hayaan na lang natin, wala namang masamang nangyari sa akin, ligtas naman na ako" saad ng dalaga dito.

"What? Ok ka lang baby, walang nangyaring masama sa 'yo? Nakidnap ka baby, ilang araw kang napalayo sa amin ng kambal. Mahal na mahal kita, ayaw kong may kung sinu-sino lang ang basta may gagalaw sa 'yo, alam mo bang alalang-alala ako sa 'yo, kung ano na ba ang nangyari sa 'yo, baka sinaktan ka na ng lalaking yun, o pinagsamantalahan" maluha-luhang sambit ni Lexus. "Baby, mahal kita, alam mo yan, ayaw kong maulit pa muli ang naipadanas ko sa iyo noon, pinagsisihan ko na yun at ayaw na ayaw kong mangyari ulit sa iyo yun, makakapatay ako ng tao pag nang yari yun, dahil naranasan ko at nakita ko ang paghihirap mo noon" dagdag pa ng binata.

"JL, tapos na yun, nakaraan na yun at hindi na itutulot ng Diyos na mangyari pa ulit yun sa akin, dahil lalaban na ako, alang-alang sa iyo at sa kambal" sambit ni Camry habang yakap-yakap pa rin ng mahigpit ng binata.

"Sir, tayo na po, sakay na po kayo sa sasakyan, sa presinto na po natin kukumpletuhin ang interogasyon sa suspect, dun na rin po tatanungin si ms. Rosas." saad ng isang pulis na lumapit sa dalawa.

Sumunod na lang ang dalawa sa pulis at sumakay na sila sa sasakyan na nagiintay sa kanila.


________________________________

Thank you for reading.
Thank you for voting.

wait for the next chapter.

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon