NINETEEN

8.3K 105 0
                                    

Sobra sobra na ang kaba ni Lexus dahil hindi pa rin umuuwi si Camry, hindi pa naman niya pwedeng ireport sa pulisya dahil wala pa'ng 24 oras ang pagkawala ng dalaga. Naalaala niya bigla ang mga kasama ni Camry sa Student Council, ang SC President ang una niyang kinontak at duon niya napag-alaman na ang naiwan na kasama ng dalaga ay si Chrysler, ang tumayong campaign manager nung nakaraang eleksiyon ng SC. Napa tiim bagang si Lexus sa naisip na sumama ang dalaga sa lalaking iyon. Pero agad niya rin na pinalis ang isipin na iyon. Sinubukan niya na icheck ang GPS ng cellphone ni Camry, pero hindi niya ito malocate.

Kinain na lang ni Camry ang dinalang pagkain ni Chrysler. Naisip niya na hindi dapat siya magpakagutom, anu't ano man ang mangyari ay dapat meron siyang lakas. Isip ang kailangan niyang paganahin at hindi ang pagiyak iyak. Naalaala niya ang kanyang cellphone, naka open nga pala ang GPS nito na nakakonek kay Lexus. Hinanap niya ang kanyang bag at kinuha ang gadget, ngunit nadismaya lang siya nang makitang walang signal sa lugar kahit isang bar man lang. "Saang lugar kami naroroon", tanong niya sa isip. Siguradong nagaalaala na sa kaniya si Lexus. "Kumusta na kaya ang kambal" usisa niya sa sarili.

Pangalawang araw ..... wala pa ri'ng balita kay Camry, naireport na ni Lexus sa mga pulis, kidnap, si Chrysler ang suspect dahil ito lang naman ang naiwang kasama ng dalaga nung gabi na ito'y mawala. "baby... saan ka dinala ng lalaking yun... damn you Chrysler! Pagsisihan mo ako ang binangga mo!" Mahinang usal ni Lexus sa sarili. "Kung kinakailangang ibalik ko ang dating Lexus mahanap lang kita at mabawi baby sa lalaking yun, gagawin ko" habol pa na usal sa sarili niya.

Nagpauli-uli sa kinaroroonan niyang silid si Camry, nag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin at kung paano makakaalis sa lugar na iyon at matakasan si Chrysler. Napansin niya na isa lang ang bintana ng kwarto na pinagkukulungan sa kaniya, mataas pa ang pwesto ng bintana, naiiba sa pangkaraniwang pwesto ng isang bintana, siguro ay nasa tabing ilog o bangin ang silid. Sa tingin niya ay may sukat na 4 x 3 inch ang bintana, kasya kung susuot siya, yari sa manipis na bubog ang joulesy na panara ng bintana. Kailangan niya ng mataas na matutungtungan para masilip niya kung ano ang nasa labas. Iniikot niya ang paningin sa buong silid, nagbabakasakali na makakahanap siya ng matutung-tungan. Napagtuunan niya ng pansin ang mesita sa gilid ng kama, dahan-dahan niya iyong hinila hanggang sa mapatapat sa bintanana. Sumampa ang dalaga sa mesita, kinailangan pa niya na tumikda para lang makita ang nasa labas ng silid na iyon. Nakita niya na puro matataas na puno, parang sila ay nasa gubat, may narinig rin siyang hampas ng alon ng dagat sa dalampasigan, naisip niya na malapit lang din siguro sila sa dagat. Naalaala miya ang kaniyang cellphone, mabilis siyang bumaba mula sa mesita at agad ay kinuha ang kaniyang cellphone, pagka-kuha ay sumampa pabalik ng mesita si Camry, tumikda ulit at itinaas ang kanang kamay na may hawak na cellphone, humanap ng lugar kung saan makakasagap ng signal para malocate ang kanyang GPS. Kailangang magkasignal dahil malapit na madeadbat ang cellphone niya. Nabuhayan siya ng loob nang mapansin ng dalaga sa status bar ng signal na nagkakaroon ito tumataas-bumababa pag nagagalaw ang kanyang kamay. Nakaramdam ng pangangawit ng braso si Camry kaya ipinatong niya ang cellphone sa ibabaw ng pasimano ng bintana, sinigurado rin niya na naka on ang GPS. Kahit hindi na siya makausap ni Lexus, ang mahalaga ay matagpuan siya sa pamamagitan ng GPS. Bumaba na siya sa pagkakasampa, hinayaan na muna niya ang cellphone sa pasimano ng bintana. Ibinalik niya na sa dating pwesto ang mesita.

Nakaramdam si Camry ng panunubig, kaya naman pumunta siya ng banyo, habang nanunubig ay iniikot niya ang tingin sa loob ng banyo, nakita niya na may maliit na bintana sa itaas na bahagi kung saan nakapwesto ang kinauupuan niya na inidoro. Nang matapos manubig ay sinubukan niya na tumungtong sa ibabaw ng flush ng inidoro, nang makasampa ay katulad din ng naunang bintana sa silid na kinailangan pa niya na tumikda upang maabot ng mata niya ang tanawin sa labas, katulad din kanina ay mapuno din ang bahaging nasilip niya. Hindi lang niya abot ng tanaw kung hanggang saan ang mababang parte ng lupa. Siguro ay nasa harapan ng resthouse ni Chrysler ang dagat, at ang parteng nasilip niya marahil ay nasa tabi ng bangin o ilog. Lumabas na si Camry ng banyo, malalim ang iniisip kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon, nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chrysler.

"Here, some clothes to wear, don't worry, bago ang lahat ng iyan" iniaabot sa dalaga ang isang malaking paper bag.

"Ihahatid mo na ba ako?" tanong naman ni Camry, hindi tinanggap ang iniaabot na bag. Inilapag na lang ng lalaki sa kama ang hawak niya.

"I told you... dito ka lang sa tabi ko. Ako lang ang dapat na mahalin mo, Camry"

"You're crazy" saad ng dalaga

"Crazy inlove wih you" nakangising batong sagot nito sa kaniya. Hindi na lang umimik ang dalaga, upang hindi na humaba pa ang usapan nila.

"I'll go ahead, hope you'll like those stuff" paalam ng lalaki habang nakaturo sa paper bag na nasa ibabaw ng kama. Dinala na rin ng lalaki palabas ng silid ang ginamit na pinagkainan ng dalaga. Nakamata na lang naman si Camry sa papalabas na si Chrysler.

Sinubukan ulit ni Lexus na i-check ang GPS ni Camry at laking tuwa niya nang malocate na niya ito. Agad siyang tumawag sa kontak niya na pulis/imbestigador upang ipaalam ang kinaroroonan ng dalaga. Agad ay nagpahanda ng warrant of arrest si Chrysler sa pulis at humanda na ang grupo na sasagip kay Camry, kasama si Lexus.

Masaya na kabado ang binata habang nasa byahe. Ayon sa hepe ng pulis na kasama nila ay pitong oras ang byahe papunta sa kinaroroonan ni Camry. Dinala ni Chrysler ang dalaga sa dulong bayan sa Quezon Province, ang Guinayangan.

"Baby... malapit na ako, sana ay ligtas ka... mag-iingat ka" usal sa isip ni Lexus.

"Sir, pwede kayong matulog muna, 8pm pa tayo makakarating sa Quezon, gigisingin na lang namin kayo. Nakipag coordinate na rin kami sa hepe ng Guinayangan para hindi na makatakas pa si Samonte." saad ng hepe na kasama nila sa grupo.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo Chrysler, sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan" sa isip ni Lexus, at ipinikit na ang mga mata para matulog.

_______________________

Happy Reading!

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon