TWENTY FIVE

7.3K 91 1
                                    

Ang laki ng ngiti ni Lexus habang naglalakad papunta sa kaniyang kwarto. Siguradong masarap ang tulog ng loko, ikaw ba naman ang nakahalik sa babaeng mahal na mahal mo.

Maganda ang gising ni Camry kinabukasan. Magaang ang kaniyang pakiramdam.

Pagka-baba sa kaniyang kama ay dumiretso na siya sa banyo upang maligo at magbihis. Tama lang naman ang gising niya, may dalawang oras pa siya bago pumasok. Pagka-bihis ay lalabas na siya para mag-agahan. Pagbukas niya ng pinto sa kaniyang kwarto ay nagulat siya dahil nakatayo dun ang kambal at may hawak na tig-isang pulang rosas.

"good morning mama!" wikang sabay ng kambal.

Lumuhod ang dalaga para pumantay sa kambal at hinalikan ang mga ito sa tig-kabilang pisngi.

"good morning too Ax and Eu. Ang agap niyo naman bumangon. Para sa akin ba ang mga ito?" tukoy ni Camry sa mga rosas habang iniaabot ng kambal sa kaniya. Tumango naman ang kambal bilang sagot. "thanks". Sambit ni Camry sa kambal pagka-tanggap ng bulaklak.

Pag-tayo ng dalaga ay nagulat siya dahil nasa likuran ng kambal si Lexus at may hawak din na isang piraso na pulang rosas.

"good morning baby, i love you" iniaabot sa dalaga ang bulaklak at humalik sa labi nito.

Nangingiting tinanggap ni Camry ang rosas. "thanks. I love you too JL"

Sabay sabay silang nag almusal. Pagkatapos kumain ay Inihatid pa rin siya ni Lexus pag-pasok.

"baby, hindi kita masusundo mamaya, may meeting ako na dadaluhan" saad ni Lexus habang nakatingin sa daan pagmamaneho ng sasakyan.

"ok, maagap naman ang uwi ko mamaya" sagot naman ng dalaga.

"bye baby, take care." sabay halik ng binata sa mga labi ni Camry.

"bye JL" tanging sagot na lamang niya at umibis na palabas ng sasakyan. Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng university na pinapasukan ni Camry.

Habang naglalakad papasok ng campus ang dalaga ay napalingos siya dahil narinig niyang may tumatawag sa pangalan niya. Hinanap niya ang boses at iyon pala ay si Yssa.

"hi bess, good morning. Lalo kang gumaganda iba talaga pag inlove"

"good morning bess" nakangiting tugon ni Camry. "where's Jam, bakit di yata kayo magkasama?" dag dag pa niyang tanong.

"well, andun na sa OJT niya" sagot naman ni Yssa.

"how about you, wala ka pa ba OJT?"

"papunta pa lang ako dun, actually konti na lang naman na kailangan namin, iku-kumpleto na lang naman ang oras"

"goodluck sa inyo, sigurado na mataas ang grades ninyo"

"nope bess, i told daddy to treat me fair at the office"

"ganun ba?

"how about you, saan ka mago-OJT?"

"baka sa company na nila JL, hindi ko pa masyadong iniisip yun, next school year pa naman yun eh."

"oh, your right. Niweys, i have to go. Bye bess... Muaahhh" pagpapaalam ni Yssa kay Camry.

Natapos ang lahat ng klase ni Camry sa buong mag-hapon, pakiramdam niya pagod na pagod siya. Kaya agad na siyang sumakay ng taxi para makauwi. Namiss na rin niya maka-bonding ang kambal.

Pagkarating sa penthouse ay naabutan ni Camry na naglalaro ang kambal.

"mama" sabay na bati ng kambal sa dalaga.

"pakiss nga sa mga batang mababait" salubong naman niya ng yakap sa kambal.

"how's your day, natulog ba kayo after lunch?"

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon