THIRTY FOUR

4K 69 12
                                    

Pagkamangha at paghanga ang mababakas sa mukha ni Camry habang pumapasok ang sinasakyan sa nasasakupan ng Hacienda DelaCosta.

Kahanga-hanga naman nga ang tanawin, sa kanang bahagi ng dinadaanan ay kapatagan na berdeng berde ang kulay ng damo, makikita rin ang malulusog na mga baka na naglisaw sa kapatagan. Hindi mabilang kung ilang baka ang nakikita ng mga mata. Sa kaliwang bahagi naman ng lupain ay mga puno ng mangga ang nakatanim, at iyon ay mga hitik sa bunga, tag-mangga nga pala ang panahon ngayon, kaya maraming bunga ang mga puno. Napapangiti sa sarili si Camry, naiisip niya na hindi siya maiinip kahit mag-tagal siya ng pag-tira sa hacienda, magaganda ang tanawin, malamig sa mata, sariwa ang simoy ng hangin, lalo pa at makakasama niya ang kaniyang mga inspirasyon - ang kambal at si JL. Pero napasimangot siya sa biglang may kontra sa naiisip niya, baka hindi gustohin dito tumira ni JL  sa hacienda, nasanay nga pala sa magulong buhay sa siyudad ang ama ng kambal. 

"Baby..."

Nagulat si Camry nang may maramdaman sa kaniyang braso. Si Lexus pala, nawala siya sa huwisyo sa sobrang pag-hanga sa kaniyang mga nakikita, nakasakay nga pala siya sa van at katabi niya sa upuan si Lexus.

"Bakit?" tanong ng dalaga kay Lexus

"Napansin ko na pangiti-ngiti ka tapos biglang sumimangot ka, may problema ba?"

"Ah, wala JL, natutuwa lang ako sa mga natatanaw ko" nag-aalangang ngiti na sagot ng dalaga.

"really, you like in here? eh bakit nagsimangot ka bigla?"

"wala, kalimutan mo na iyon. Lagi ka ba nag-pupunta dito?"

"Change topic? ...hhmm... Noong mga bata pa kami ni Audi, tinuruan kami dito ni papa ng panga-ngabayo tuwing summer vacation."

"Eh ngayon... gusto mo pa rin dito?"

"Of course, lalo pa at makakasama kita... at ang kambal. Gusto mo ba dito tayo tumira pag ikinasal na tayo?" nakangiting sagot ni Lexus.

"Haaa... kasal agad? eh di ba may usapan na tayo?"

"Oo, pag natupad na yung usapan natin syempre. Pero gusto mo nga dito?"

"Hmmm, oo para din kasi ito sa amin sa probinsya, ang kaibahan nga lang malaki ang nasasakupan."

"Sige, after mo maka-graduate syempre pakakasal na tayo, then dito na tayo titira, okay ba sa 'yo yun?"

"Oo, kaya lang... paano ka? Yung work mo?"

"Walang problema dun baby, pwede ako dito na maglagay ng opisina para palagi ko kayong kasama, pupunta na lang ako sa city pag may mga importanteng meetings."

"Papayag kaya ng ganun si Mamita, ang Papa mo at si Audi? Baka isipin nila sobra na ako, baka naman mapabayaan mo ang business ninyo pag nagka-ganun, baka magalit sila sa akin."

"Hmmm, hindi sila magagalit sa 'yo.... ikaw kaya ang paborito nilang manugang" nataas-nababa ang kilay na sambit ni Lexus.

"Eh, niloloko mo naman na ako niyan eh.... papanong magiging paborito eh ako pa lang naman ang magiging manugang ng parents mo. wag ka nga JL!" nakairap na sagot ni Camry.

"Hahaha... seriously paborito ka nga nila, lalo na ni mama... mabait ka raw kasi" 

"heh! JL ah... tama na... huwag ka maingay baka magising ang kambal"

"hayaan mo na magising, malapit naman na tayo"

Inirapan na lang ni Camry ang ama ng kambal, pag sumagot pa siya ay hahaba pa ang pang-aalaska sa kanya ng nobyo.

"Pero... baby, seryoso itong tanong ko, anong gusto mo sa kasal natin?" tanong pa ni Lexus.

"ha? teka, bakit ganyan ang tanong mo, di ba nag-usap na tayo... may usapan na tayo diba?"

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon