FOUR

26.9K 252 2
                                    

Marahas na napabuga ng hangin ang lalaki. "I'm Audi, Jonn Audi Dela Costa. I'll help you. Wait, I'll get you some clothes." Bahagyang lumayo ito sa dalaga. Nakita ni Camry na nag-dial ang lalaki at may kinausap sa phone.

Naala-ala ng dalaga ang kanyang mga kaibigan. Napaisip sya humiram ng phone sa lalaking nag-ngangalang Audi. "Can I use your phone, I have to call my friends." Paalam nya.

Napatitig sa kanya ang lalaki, siguroy nagíisip pa kung papahiramin sya o hindi, maya maya naman ay iniabot na rin sa kanya ang phone nito. "Here."

"Thanks." Kinuha ni Camry sa kanyang bag ang notebook kung saan nakasulat ang numero ng kanyang mga kaibigan at ini-dial nya ito. Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya.

[Hello!]
Yssa, si Camry ito.
[Oh! Camry, nasaan ka, susunduin ka namin.]
Biglang tumulo ang mga luha sa pisngi ni Camry nang marinig nya ang nag-aalalang boses ni Yssa at ni Jam na kanyang nauulinigan. Nakatingin naman ng matiim sa kanya si Audi habang nakikipag-usap sya sa mga kaibigan nya.

Napaunat naman ito nang tumunghay sa kanya si Camry. "Can i have the address here, magpapasundo ako sa mga kaibigan ko." Tanong ng dalaga.

"No need, ako ang mag-hahatid sa 'yo."
Tiim bagang na sagot ni Audi. Tumango na lamang ang dalaga bilang sagot.

"Yssa, hintayin nyo na lang ako sa coffee shop na malapit sa boarding house, may mag hahatid na sa akin."

[Okei, see you later, bye.]
"Bye." Paalam ng dalaga sa kaibigan. "Salamat." Habang iniaabot nya ang cellphone kay Audi.

Maya maya ay may kumatok sa pintuan, si Audi ang nagbukas, may babaeng nag-abot ng paper bag, umalis na rin ang babae pagka abot niyon. Ibinigay naman ni Audi kay Camry ang bag. "Change your clothes."

Tinanggap ng dalaga ang bag at tumuloy na sya sa banyo. Jeans at T-blouse ang laman ng bag na sakto ang sukat sa kanya. May kasama na rin na flat shoes. Paglabas nya ng banyo ay napansin nya na seryoso lang si Audi na nakatungo sa kanyang pagkaka-upo sa sofa.

"S-sir ..." Nahihiyang sambit ni Camry.
Napaangat ng tingin si Audi at tumayo. "Let's go." Nauna nang lumabas ito, sumunod na lamang dito ang dalaga. Tahimik lamang sila sa elevator hanggang sa makarating sila sa parking at sumakay sa kotse.

Napalingon si Camry kay Audi nang mapansin nya na tumigil ang kotse sa tapat ng coffee shop. "Mag-usap muna tayo, may gusto lang ako'ng malinawan sa nangyari." Saad ni Audi nang mapansin na nakatingin sa kanya ang dalaga. Tumango na lamang si Camry at sumunod sa binatang umibis ng sasakyan at pumasok sa coffee shop.

Nang maihatid na ang order nila ay nag umpisa nang mag kwento ni Camry, simula sa kaguluhang nangyari sa labas ng mall hanggang sa mga nangyari sa pinagdalhan sa kanya ng lalaking lumapastangan sa kanya. Na iyon pala ay condo unit ni Audi. Habang nagku-kwento ang dalaga ay umaagos ang mga luha nya. Halos mamaga na ang kanyang mata sa pag-iyak. Nanatili naman na blangko ang itsura ng mukha ni Audi. Nuon din ay napag-alaman ni Camry na kapatid ni Audi ang lalaking humalay sa kanya, si Jonn Lexus Dela Costa.

"Kung anuman ang mga nangyari ay itago mo na lamang, ako na ang bahala sa lahat. Ipaubaya mo na sa akin ang pag-kausap sa iyong mga kaibigan at iyong kasera."

Hindi sumasagot si Camry, nakamata lamang sya kay Audi. Walang pumapasok sa kanyang utak kung ano ba ang tama at dapat nyang gawin. Masakit ang mga nangyari sa kanya, patuloy lamang ang agos ng luha sa kanyang mukha.

"Anumang danyos ay papalitan ko ng halaga, ang kapalit ng nasira mo'ng uniporme ay ipapadala ko sa iyong tinutuluyan bukas ng umaga. Kung kailangan mo ng anumang tulong eto ang aking numero." Sabay abot ni Audi ng kanyang tarheta kay Camry.

Wala pa ring imik ang dalaga. Hindi pa rin sya makapag-desisyon. Gulong gulo ang kanyang isipan dulot ng mga nangyari.

Nagyakap yakap ang magka-kaibigan ng magpangita sa coffee shop malapit sa boarding house ni Camry. Si Audi na ang nagpakilala ng kanyang sarili sa dalawang dalaga, matapos masabi ni Audi sa mga kaibigan ang nangyari kay Camry ayon sa bersyon nya ay umuwi na ang mga ito. Sa boarding house naman ng dalaga ay nakaabang na ang kanyang kasera na hindi maipinta ang mukha, kahit naman ito ay masungit at estrikto ay nag-aalala sya kay Camry lalo pa at unang beses ito na umuwi sya ng alanganing oras, nag-lubag lamang ang loob nito nang ang mag-paliwanag ay si Audi. Nanatili pa rin na tahimik si Camry. Hindi rin naman nagtagal ay nag-paalam na rin ang binata.

Kinaumagahan, nagising si Camry ng katok mula sa pinto ng kanyang kwarto. Pag-bukas nya ay ang kanyang kasera pala, dala ang isang paper bag at iniabot iyon sa kanya. "Salamat po." Tanging sambit ng dalaga. Tumango lamang ang ale.

Pag-buklat nya sa bag ay dalawang set ng uniform ang laman. Nagulat pa sya ng may biglang nag-ring na cellphone. Nang i-check nya ang bag ay may kasama pala ito'ng cellphone. Sinagot nya ang tumatawag.
[Camry, just checking if you receive the bag]
"Sir... " nagtataka man, ay sagot ng dalaga. "Hindi na po sana kayo nag-abala pa."
[Naipangako ko na sa 'yo yan last night]
"Pero ito po'ng cellphone, wala po ito sa nabanggit nyo, sapat na po itong uniform, salamat po."
[Alam ko wala ka'ng phone, gamitin mo in case of emergency. And don't problem the load, postpaid yan. Bye.]

Napatanga na lang at napabuga ng hangin si Camry. Napaisip sya, ito ba ang kabayaran sa pag-molestiya na ginawa ng kapatid nya sa kanya. Napapatanong sya sa isip, susundin ba nya ang mga iniutos sa kanya ni Audi o ipaglalaban nya ang karapatan nya. Parang ngayon lang pumapasok sa isipan nya lahat ng nangyari sa kanya at napag usapan nila kagabi.

Nilimi limi nya na kung ipaglalaban nya ito, mahaharap sya husgado, may makukuha man syang libreng abogado pero mangangailangan pa rin sya ng malaking halaga para sa pantustos sa pag-usad ng kaso, pagpipyestahan ng media ang nangyari sa kanya. Alam nya may mga taong susuporta sa kanya, pero hindi mawawala ang mga taong manlilibak din sa kanya. Maaapektuhan ang pag-aaral nya. Ang dati nyang tahimik na buhay ay magugulo, ganun din ang kanyang mga magulang. May posibilidad pa na mabaliktad sya dahil may pera ang kabilang parte.

Kung mananatili syang tahimik, magiging maayos ang lahat. Kampante lang ang mga magulang nya sa probinsya dahil walang mang-gugulong kapwa at media. Maipagpapatuloy nya ng maayos ang kanyang pag-aaral.

Kaya nakapag-desisyon sya, tama'ng sya na lamang ang mag-dala ng sakit at bigat sa dibdib. Hindi man nya alam kung hanggang kailan nya iyon kikimkimin sa kanyang puso at isipan, kung gaano ba katagal bago iyon mag-hilom, kakayanin nya, tatatagan nya para sa kanyang magulang, para sa kanyang pangarap. Sa tulong at gabay ng makapangyarihan sa lahat, kakayanin nya.

Tahimik na lumuluha sa kanyang kwarto si Camry, sa desisyong nabuo sa kanyang isipan. Ipagpapatuloy nya ang buhay, ang kanyang pag-aaral na parang walang nangyari sa kanya. 'Life must go on' ika nga.

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon